----------
" Anu 'to? " She asked nagugulat ang mga emosyon ng mga mata niya. Napakamot naman ako sa batok ko. Nahihiya kasi ako na ang lakas-lakas ng loob ko na ligawan siya, hindi ko naman kayang tapatan iyong binibigay ng mga manililigaw niyang mayayaman.
" rosas, pasensya ka na. Iisang tangkay lang ang kinaya ko. Itinakbo ko pa iyan mula doon sa hardin ng kapitbahay namin. " Napahagikhik naman siya sa kwento ko.
" Pasensya ka na. " hinging paumanhin ko. Matamis naman niya akong binigyan ng ngiti. Hindi maiwasang mapawi yung pagod ko sa pagtakbo kanina dahil sa ngiting iyon, napakaganda talaga ni Therese. Sobrang ganda niya na kahit siya lang ang titigan ko ay mabubuhay na ako.
" Anu ka ba! Ang ganda-ganda kaya nito. Freshly pick saka ang mahalaga nagEffort ka sa pagbibigay nito. " Hinawakan naman niya yung kamay ko dahilan para mamula ako.
" I told you Kairos, hindi mo naman kailangang gawin 'to. Mahal kita at sinasagot na kita. " Umiling ako saka tinitigan siya.
" Mahal kita Therese at gusto kong pasilbihan ka. Gusto kitang ligawan. "
" Tayo na nga e. " nakanguso niyang sambit. Napaiwas ako ng tingin dahil nang-aakit ang mga labi niyang iyon. Gusto ko mang halikan ay hindi maari dahil dapat pinaghihirapan iyong makuha.
" Mahal, Gusto kong pinaghihirapan kong makuha ang matamis mong oo. "
" Bakit pa natin patatagalin Kairos kung sumasagot naman na ako ng Oo sayo. " Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya.
" Liligawan kita, please huwag ng makulit. Hayaan mong pagsilbihan kita. Hayaan mong pagsilbihan ko ang magiging Reyna ng buhay ko " She crossed her arm saka bumuntong hininga.
" Fine, I love you Kairos. "
" I love you too Therese. " sagot ko saka hinalikan ang mga kamay niya.
Alam kong sobrang bilis ng mga pangyayari sa amin ni Therese, sobrang bilis na nakakatakot dahil baka bawiin din bigla kaya nga binagalan ko para matagal din ang pambawi. I don't know how I felt this strange feeling towards her even though mag-iisang buwan pa lang kaming magkasama. Maybe dahil gusto ko siyang I-secured, gusto kong alagaan si Therese at ayaw ko siyang nakikitang may kasamang iba. I want the attention na ibinibigay niya sa akin pati yung pag-aalaga niya. Noong una ay itinatanggi ko pa na gusto ko ang anak ng amo ko dahil sa impossibleng estado ng buhay namin kaso wala e. Miss Therese had a charm that captures my heart. She have that smile na nagpapabilis ng tibok ng puso ko and eyes na nakakalunod kung tignan--- nalunod na nga ako sa mga tingin niya. Kapag pinana ka na ni Kupido, pinana ka na talaga. Umamin ako sa kanya noong nakaraang araw lang and it's surprised me na parehas din kami ng nararamdaman. I like the idea na nagseselos daw siya sa mga babaeng palagiang lumalapit sa akin and she wants na sa kanya lang daw ako titingin, siya lang daw ang kakausapin ko at sa kanya lang ako maghuhubad--- I laughed at the last idea pero masyado siyang seryoso, ayaw niya daw na may nakakakita na iba-- so I think my girl is possessive one and I want to be possessive din sa kanya. Wala na akong pakialam kung mabilis basta ang alam ko, totoo ito. Totoong mahal ko siya at handa akong patunayan ang pagmamahal ko sa kanya sa kahit anung paraan. Even though na sabihin pa nilang masyado kaming bata para sa sitwasyon na 'to and it's just a spurs of emotion. I'm sure, sigurado ako. Mahal ko si Therese at siya na ang babaeng nakikita kong makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Mahal ko siya at permanente na iyon.