S-VI

1K 40 3
                                    

MADELEINE YRENEA

"Good evening, love." Nakangiting bati sa akin ni Icarus habang prente siyang nakaupo sa may sofa, sakalukuyan itong nanonood ng palabas. Napabuntong hininga naman ako sa mga ngiting isinalubong niya sa akin, dapat akong masanay lalo na't nasa akin siya nakatira pero alam ko naman na hindi talaga sa akin ang mga ngiting iyon, darating ang araw na ibibigay niya rin ito kay Jhoana, sa totoong mahal niya.


"Good evening." Tipid kong bati sa akin, napitlag naman ako nang biglang nasa tabi ko na siya. Kinuha niya yung gamit ko.


"Mabuti at hindi ka nabasa, napakalakas ng ulan." Tumango lang naman ako sa sinabi niya. I know he's trying to have a conversation with me pero I don't know kung paano ko susundan just like the old times.


"Ayaw mo kasing sunduin kita." Tinaasan ko naman siya ng kilay.


"We're just concern for your safety, alam mo naman na naaksidente ka na roon diba."


"But I don't have a trauma. Isa pa, ayaw kong sinusuong mo ang daan ng mag-isa. Bakit ba ayaw mo na sinusundo kita?"



"Ayaw kong makaabala sayo, uncertain ang pagUwi namin. I don't want to waste your time."


"Maddie." Sambit niya. Umiling lang ako saka umakyat na para magbihis.


"Kumain ka na ba? Nagluto ako." Bati niya noong makababa ako. Tatanggihan ko sana siya nang kumulo yung tiyan ko. I forgot na kape lang pala ang ininom ko noong hapon. He burst out a laugh saka dali-dali akong pinaghandaan. Napailing naman ako habang pinapanuod siya. 'Hindi ka dapat masanay, MADELEINE. Panandalian lang ito.'

~~~~~~~

"How's your day?" I casually asked him habang nanonood.


"Ok lang, Jhoana went here para makipagKwentuhan then noong naghapon ay naisipan kong ipagluto ka kaya nagpunta kami sa supermarket para mamili. Isinabay ko na rin yung stocks sa cabinet mo."



"You don't need to do that. how much you've spent, babayaran ko."


"Maddie it's fine, hati tayo sa gastusin rito." Hindi naman na ako nakipagArgumento sa kanya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko, maya-maya ay hinapit na niya ako at isinandal sa dibdib niya. Tinignan ko naman siya.

"Let's stay like this for a while. I miss being with you." Bulong niya, napabuntong hininga naman ako at hinayaan siya. He gently brushed shoulder habang nararamdaman ko ang tungko ng ilong niya sa buhok ko. Sobrang comfortable ng bagay na 'to na parang hinihila ako para managinip, pilit akong inihihimbing sa higpit at init ng yakap niya pero kailangan kong magising dahil siya ay para kay Jhoana. Kailangan kong magising at hindi dapat malunod sa panandaliang saya na ito. Hindi na ako yung Madeleine noon na mahuhulog sa patibong ng tadhana.

"Icarus." Sambit ko para makuha ang atensyon niya. Tumingin naman ito sa akin, tingin na para siyang nakalutang sa isang alapaap. Nakakahalina pero isang panlilinlang lamang. Ngunit kahit ilang beses kong itatak na panandalian ito ay hindi ko maiwasang maging isang panauhin. Natagpuan ko ang sarili kong na nalulunod, kasabay noon ay ang mga haplos niya na pumapaso na sa aking balat.

Gising na gising ako noong inilalapit niya ang mukha niya sa akin at tila ba ay nahipnotismo ako dahil hindi ko magawang ilayo ang sarili ko. Palapit nang palapit, iyong ingay ng palabas ay tila nawala at ang malalim na paghinga na lamang namin ang mayroon. Marahan niyang idinampi ang labi niya sa akin, malambot at nakakahalina, isang paanyaya. Naramdaman kong kinabig niya ako bago isinayaw ang kanyang labi. Nakakaliyo ang mga galaw nito na siyang naging dahilan para malunod ako. Pinaubaya ko ang sarili ko, naupos ako sa bawat saliw ng dila niya na gumagalugad sa bibig ko sa senswal na paraan. Kasabay pa noon ay ang paglikot ng kanyang kamay, dinadama ang init ng aking balat. Pumikit ako, pumikit ako at pumailalim sa mahika na meron ang labi at kamay niya. Hinayaan ang init na bumalot sa aking isip at isinantabi ang realidad.


D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon