FELICIA MARIE
Tahimik na paligid at lahat ng mga mata nang mga bisita ay sa akin nakatingin. Iyon ang bumungad sa akin pagkabukas ng pinto ng simbahan. I'm wearing a long white gown na ipinasadya para sa akin, nakapatong ang puting belo sa aking ulo't nahaharangan ang aking mukha pero na kahit ganun ay napakalinaw nang imahe ng altar sa aking harapan, kung saan nakatayo ang pari at naghihintay sa akin si Emil sa harap-He's looking good wearing his black suit at prenteng prente na nakatayo doon beside his bestman. Ito sana yung mga moment kung saan habang pumapasok ang babae ay iiyak siya sa sobrang kasiyahan dahil sa espesyal na araw niya but hindi ko maramdaman ang bagay na yun dahil hindi siya ang lalaking naghihintay sa harap ng altar at dahil siguro naiwan ko na ang puso ko sa kanya.
Tumabi si Mommy at Daddy sa akin para ihatid ako sa harap, walang tigil ang luha sa mga mata ng ina ko, dahilan para kumalat ang mga make-up niya sa mukha. Pinapatahan ko naman siya using my comfort words. Kung ako lang ay ayaw ko nang humakbang pa sa harapan, gusto ko na lang tumakbo palabas at bawiin ang mga sinabi ko kay Ignatius kaso hindi pwede't hindi maari. Paulit ulit ko na lang isiniksik sa isipan ko sa dalawang buwan na mapapasaya ko ang magulang ko kung gagawin ko ang gusto nila.
Nang makarating na kami sa unahan ay hinagkan nila ako sa pisngi ni Daddy at nagbigay ng ilang mga payo. Kinausap din nila si Emil at pinaalalahanan nang kung anu-ano. Noong natapos iyon ay inabot nila ang kamay ko kay Emil. I kiss both of my parents sa cheeks saka sumama na dito sa harap ng altar. Lumingon muna ako kay Ate Patricia na siyang maid of honor ko. Ang sama sama ng tingin niya dahil alam niyang hindi ko gusto itong ginagawa ko-ilang beses akong pinilit ni Ate na makipagbalikan na kay Deann dahil na rin sa ilang ulit itong nagpabalik-balik para suyuin ako pero nagmatigas ako, mahal ko siya kaya kailangang ko siyang pakawalan at magparaya, naisip ko din kasi na kapag pinagpatuloy namin iyon ay lalo lang siyang guguluhin ni Michelle. I also left him just like what Michelle did to him pero may rason naman ako at mismong tadahana na ang umaayaw sa aming dalawa.
Emil hold my hand saka binigyan ako ng matamis na ngiti. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya pero hindi iyon umabot sa aking mata.
" I'm sorry Felicia, wala akong magawa para pigilan ang gusto nila. " bulong niya. Tumango lang ako.
" ayos lang, tapusin na lang natin 'to para matuwa na sila. " napabuntong hininga naman siya saka kami kapwa humarap sa pari.
" we gather here to unite these two people in marriage, a holy sacrament which will commit them as their acceptance of being a lover, companion and friend. " binasbasan niya kaming dalawa. Maya maya ay nagtanong siya kung sino ang tumututol and deep inside I'm hoping and praying na bigla na lang siyang dadating at sisigaw pero seconds had passed at walang Deann Ignatius na sumulpot sa pinto ng simbahan. Napabuntong hininga ako, siguro ay napagod na siya't nagsawa na sa paghabol sa akin.
" do you pledge to share your lives openly with each another, and to speak the truth in love? Do you promise to honor and tenderly care for one another, cherish and encourage each other, stand together, through sorrows and joys, hardship and triumphs for all the days of your lives? " kapwa kaming tumingin ni Emil sa isa't isa at tumingin muli sa pari.
" We do. " pikit mata kong sagot.
" Do you pledge to share your love and the joys of your marriage with all those around you, so that they may learn from your love and be encouraged to grow in their own lives? " isa isa nang nagsiunahan ang mga luha sa mata ko dahil wala ng pag-asa pa. naramdaman ko na ang pagbara sa lalamunan ko kasabay ng pagpigil sa paghagulhol. Kung ang iba umiiyak dahil masaya sila ako umiiyak dahil wala na kaming pag-asa pang dalawa.