DIONYSUS MATTEO
It's been three days pero hindi pa rin nagigising si Isabel, Stable na ang lagay niya dahil naagapan ang pagkawala ng dugo niya sa katawan, mabuti na lang at dumating si Mama-- Ang mommy niya para tumulong sa pagbibigay ng dugo.
Ilang araw na rin akong walang maayos na tulog dahil kada ipipikit ko ang aking mata ay naalala ko kung gaano ako kawalang kwentang ama. Naalala ko kung paano ko pinabayaan ang mag-ina ko. Sa ilang araw na din na iyon ay hindi pa rin ako pinapansin nina Maddie at Deann, wala rin akong panahon magpaliwanag sa kanila ng mga nangyari.
Tinitigan ko si Isabel na mahimbing pa rin na natutulog, Mapayapa ang mukha niya pero alam kong mag-iiba na iyon kapag sinabi ko sa kanya ang katotohanan. Up until now, I don't have any idea kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari sa anak namin, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na nawala iyon sa isang iglap. Siguro isisisi ko na lang sa akin ang lahat. Iaako ko na lang ang lahat dahil kasalanan ko naman talaga. Kung hindi ko sila iniwan, kung hindi ako naging pabaya. Hindi mangyayari ang bagay na 'to dahil in the first place, ako ang nakakaalam kung gaano kaselan ang pagbubuntis niya lalo naman ang semester na 'to para sa kanya.
" Isabel! " bulalas ko nang imulat niya ang mga mata niya. Mabilis akong kumuha ng tubig para painumin siya.
" Kamusta? Anung nararamdaman mo. " Umiling naman 'to dahilan para makahinga ako ng maluwag.
Hinawakan niya ang tiyan niya saka tumingin sa akin.
" Ang anak natin? " umiwas ako ng tingin at pinigilan ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan na ipaliwanag sa kanya.
" Dionysus, nasaan ang anak natin!? " sigaw niya saka hinawakan ang pisngi ko. Napabuntong hininga naman ako.
" Pa..patawad Isabel. "
" Anung patawad?! "
" Hindi nila ito nailigtas. " anas kong sambit. Natigilan naman ito, hindi ko maipinta ang gulat sa mga mata niya. Sa lagay pa lang na iyon ay nasasaktan na ako, halos mabuwal naman ako sa pagkakaupo ko nang bumuhos na ang mga luha niya. Parang pinipiga nun ang puso ko habang tinitignan siya.
" Sabihin mong hindi totoo yan Dionysus! Sabihin mo! " Hinila niya yung damit ko saka pinaghahampas.
" Hindi pwedeng mawala ang anak natin! Nasa sinapupunan ko lang siya, impossibleng mawala siya! " Mabilis ko siyang niyakap at doon ay humagulhol na siya sa aking mga balikat.
" Dionysus sabihin mong hindi iyan totoo! Hindi pwedeng natulog lang ako tapos paggising ko wala na siya! " bulong nito sa pagitan ng mga hagulhol niya.
" I'm sorry Isabel but we lose him, the doctor can't save him. " paliwanag ko.
" Anung klaseng doktor sila kung hindi nila mailigtas ang anak ko?! "
" Isabel, listen I'll lose you too kapag sinubukan nilang iligtas kayong dalawa. " Hinarap ko siya saka pinunasan ang mga mata niyang walang tigil sa pagluha.
" Dapat ganun na lang dahil parang nawala na rin yung kalahati ko. " Hinagkan ko naman ang pisngi niya.
" Please don't say it, Isabel. "
" Anu pa bang saysay ng buhay ko? I'll lose our child! I lose it. Hindi mo rin naman siya maibabalik diba?! Hindi mo kayang ibalik ang anak natin! " nagsisigaw na siya. She looks vulnerable at wala akong magawa kundi ang yakapin siya. This entire thing is my fcking fault!