KIANN KAIROS
" Look for Ponggay, alam niya kung nasaan si Therese. " sambit ko sa mga tauhan ko't ipinakalat ito. Binalitaan ko na din sa Papa na nasa Pilipinas ang isa sa mga anak niya't posible nang sumunod na pati ang asawa't natitira niyang anak.
" Did you found her? " iyon ang bungad na tanong sa akin ni Ignatius, umiling naman ako at ikinuwento sa kanya na tanging boses niya lang ang narinig ko.
" alam kong hindi iyon hallucination, saka may kasamang batang babae si Ponggay posible kaya na..." natigilan ako, posible kayang iyon ang tinawag niya. I mean hindi ko man naintindihan yung sinigaw niyang pangalan dahil focus ako sa boses niya ay malamang pagmamay-ari iyon noong cute na bata.
" iyon na siguro ang anak niya, yung bata sa sinapupunan niya. Kung di ka ba naman kasi gago at pinagtangkaan mong ipalaglag yung anak niya e. " binatukan ako nito, napabuntong hininga naman ako.
" Hindi ko naman sinasadyang masabi ang bagay na yun, napupuyos lang ako sa galit. "
" tch, oo na. Ang mahalaga mahanap natin silang dalawa, hindi mo naman papatayin yung bata diba? " mabilis akong umiling.
" oo, nakasuhan ako ng murder pero hindi ko naman magagawa iyon. Isa pa, nakita mo ba kung gaano kaganda at kacute yung anak niya? Nakakagigil, ang sarap kurutin yung pisngi niya. " hindi ko maiwasang mapangiti habang naalala yung mukha noong bata. Wala na akong pakialam kung hindi siya galing sa akin dahil kakakita ko pa lang sa kanya kanina ay nagkaroon na kaagad siya ng lugar sa puso ko. She got a charm na kumakatok sa puso ko. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Once na nahanap ko na silang dalawa ni Marguerette wala akong ibang gagawin kundi ibigay ang gusto nila't papasiyahin ko silang mag-ina.
Sinamaan ko naman nang tingin ang gago dahil mukhang hindi naman siya nakikinig, hawak nito yung salamin at nagsasalita na sobrang gwapo niya daw, tch parang gago! Sana lang ay kapag lumaki ang mga anak niya'y huwag manahin yung kahanginan ng ama nila.
" sana... Sana kay Felicia magmana yung mga anak niyo. May saltik ka e. " asik ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang dibdib nito't nagkunwaring nasasaktan.
" grabe ka, baby! Ang gwapo ko kaya tapos gwapo ka din kaya bagay tayo. Look! " saka niya iniharap yung salamin sa mukha ko, ikinanunot ko yung noo ko habang nakatitig sa repleksyon ko. Teka...
" Putangina! " nagugulantang na bulalas ko saka inagaw sa kanya yung salamin, pinakatitigan ko yung sarili ko. Sht! Bakit hindi ko napansin ang bagay na yun?! Bakit hindi ko... Punyeta lang!
" alam ko, narealize mo na ang gwapo mo diba! " bulalas niya, ibinalik ko sa kanya saka tinitigan siya.
" tangina lang, anak ko yung bata! " bulalas ko. Hindi ako pwedeng magkamali dahil para kaming pinagbiyak na bunga, iyong kulot na buhok lang ni Marguerette ang nakuha niya. Ang mga mata naman nito ay mas maliit sa akin dahil pinaghalong genes namin iyong dalawa pero kahit saang anggulo tignan alam kong nananalaytay ang dugo ko sa kanya. Ngayon ay alam ko na kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anung dapat kong maramdaman, napupuno ng kasiyahan ang puso ko dahil anak namin iyon ni Therese, natupad yung matagal ko nang pinapangarap na mangyari but at the same time ay gusto kong murahin ang sarili ko nang paulit-ulit dahil muntik ko na siyang ipalaglag, pinagbantaan ko ang buhay ng sarili kong anak, tinakot ko ang ina ng anak ko. Inilagay ko silang dalawa sa bingit ng kamatayan. Tangina lang! Napakawalang kwenta kong tatay. Napakawalang silbi kong ama at lalaki.
" sapakin mo nga ako. " utos ko kay Ignatius na ginawa naman niya, habang nakasubsob sa sahig ay hindi ko mapigilang mapaiyak sa mga kagaguhan ko. Alam ko na kung bakit niya ako iniwan. Gago kasi ako, isang walang kwentang tao. Wala akong kwentang ama.