HAO-XVII

2.8K 61 3
                                    

DEANN IGNATIUS

-----------

" I love you, Michelle Monique. " masuyong bulong ko saka hinagkan yung mga kamay niya. Humagikhik lang naman 'to saka hinawakan ang mga pisngi ko. Tinitigan ko lang napakaganda at maamo niyang mukha and asking God why I deserve someone like her in my life. Tinatanung ko siya kung bakit sa kabila ng pagiging black sheep ko ay ipinadala niya pa rin ang anghel na 'to sa harap ko.

" I love you too, Makarios Deann Ignatius. " then she claimed my lips. I kissed her back with the same intensity and saka lang kami bumitaw nung parehas na kaming hindi makahinga. Niyakap naman niya ako saka sumandal sa dibdib ko. Michelle is everything to me; she's the axis of my world, the moon of my earth, the left ventricle of my heart and the serotonin of my body. Hindi ko alam kung typical yung pagsisimula ng relasyon namin, nagsimula iyon sa kailangan kong maghanap ng ipapakilalang girlfriend doon sa babaeng patay na patay sa akin, nahila ko siya sa kung saan saka hinalikan. Of course, nagalit siya saka sinapak ako pero imbes na magalit dahil tinamaan niya yung gwapo kong mukha ay natulala ako sa taglay niyang kagandahan, para siyang anghel na ibinaba ng langit para sa demonyong katulad ko. Love at first sight--- nakakabading mang pakinggan pero iyon ang naramdaman ko sa kanya. Tuwing nakakasama ko siya nakaSlowmo ang paligid tapos ang lakas lakas lagi ng kabog ng puso ko. Nawawalan ako ng kumpiyansa sa sarili sa tuwing kaharap ko siya para siyang blackhole na hinihigop ang lakas ko. She's my miracle, nagawa kong maging matino simula nung niligawan ko siya, I gave all my efforts kahit binabalewala niya yun madalas. Michelle made me believe na may forever nung sinagot niya ako--- she's my first girlfriend sa dami rami ng babaeng nakakasama ko and up until now na kami na ay hindi pa rin tumitigil sa panliligaw sa kanya dahil iyon ang pangako ko, na araw araw ay hindi ako magsasawang iparamdam sa kanya na siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko, na siya lang ang pag-aalayan ko ng akin g puso, na siya na ang babaeng nakalaan para sa akin. Gustong gusto kong napapasailalim sa mahika na dulot niya.

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon