"baby!" Masayang sigaw ni Madeleine nang makita ang batang babae. Noong naagaw niya ang atensyon nito ay matamis itong ngumiti at yumakap sa kanya.
"Mama, namiss po kita." Then she buried her face on Maddie's neck habang hinihigpitan ang pagyakap dito.
"Miss na miss rin kita, baby. Finally." Bulong niya saka masuyong hinagkan ang buhok nito. Humagikhik naman ang bata habang pinu-puno siya ng halik nito.
"Naging good girl ka ba kay Daddy?" Tumango naman ito dahilan para makita ang bungi niyang ngipin.
"Opo, good girl po si Mariake Ysabel." She proudly said that made Madeleine messed her hair.
"Where do you want to go?" Tanong nito habang nakasakay sila sa kotse.
"Punta tayo kay Daddy! Then let's shopping po together."
"Daddy is busy, baby. It's Mommy and baby Ysabel time muna. Don't you like it?"
"Of course, I love it Mom." Then Maddie brought her to the Ocean park since the kids loves fishes and other sea creatures. She always wanted to become Ariel the mermaid.
"Mom! Ang big nung mga sharks!" Nagtatatalon pa ito habang pumapalakpak. Nagpahila lang naman si Madeleine sa hyper na baby niya na tuwang tuwa sa mga nakikita nito.
Masaya siya na hindi na lamang panaginip ang makasama niya ito. Walang araw na hindi niya hiniling ang araw na ito at talagang susulitin niya
"Hungry ka na ba?" Tanong niya rito. Ngumuso naman ang bata saka tumango.
"Mom, I want a cotton candy or ice cream." Maddie touched her nose saka umiling.
"Ice cream lang, bawal masobrahan sa sugar." Nagreklamo naman ito at idinaan siya sa pagpapa-Cute.
"Buti pa si Daddy laging may dalang chocolates and candies."
"Kaya ka bungi e." Bulong niya at hinila ang pisngi nito. Binitbit na niya ito sa bilihan at pinapili saka sila kumain.
"So love mo na ang daddy mo kaysa sa akin?" Tanong ni Maddie na nakanguso.
"Of course not, Mama! Alam mo naman na ikaw ang number 1." Maddie held her hand saka ito hinalikan.
"Mama loves you too baby."
"Grabe, hindi pala ako ang number 1." Kapwa naman sila napalingon sa pinanggalingan nito.
"Daddy!" Sigaw nito at mabilis siyang tinakbo para yakapin. Binuhat naman siya ni Zolo saka nakangiting bumati kay Maddie.
"Pagod na pagod kayo ah." Zolo said then Maddie gave her a hug, hinalikan naman niya ito sa pisngi.
"Ang hyper ng anak mo, takbo ng takbo." Sumbong ni Maddie, Zolo chuckled saka hinalikan sa pisngi si Ysabel.
"Tumatanda na talaga mama mo, baby." Pang-aasar ni Zolo na sinang-ayunan naman ni Ysabel. Napailing na lang si Maddie habang pinagtutulungan siya ng dalawa.
'Wala na akong hihilingin pa, sapat na silang dalawa.' Maddie thought habang nakatingin sa dalawa.
.....
"Ms. Jho May bisita po kayo." Bungad ng sekretarya nito sa kanya. Wala naman siyang ganang tumango at inutusan na papasukin ito.
"Icarus, what are you doing here?" Bulalas niya nang makita ito sa pintuan, may bitbit ito na mga prutas. Biglang umaliwalas ang pakiramdam ni Jho habang nakatingin sa kanya. God knows how much she wanted to hug him pero alam niyang magtataka ito, but they're sisters so baka naman pwedeng payakap lang?
"I'm just checking you kung may sakit ka pa. I brought this para makatulong sa immunity mo." Nagmamadali naman niyang inalok ito ng coffee, tea or me.
"Do you want to go out?" Nagulat naman ito sa tanong niya, alam niya rin na namumula siya ngayon pero wala siyang pakialam dahil bakit siya mahihiya sa natural na reaksyon ng katawan niya sa presensya ng minamahal.
"Sure, wait for me. Aayusin ko lang mga gamit ko."
"How are you and Madeleine?" Tanong niya kahit na parang sinasaksak ang puso niya.
"We are fine, better communication now." Tipid na ngumiti si Jhoana saka tumango.
"I see." Tinitigan naman siya ni Icarus dahilan para muli siyang mailang.
"May dumi ba ako sa mukha?" Ngumiti naman si Icarus saka kinuha ang tissue para punasan ang gilid ng labi nito.
"Ayan wala na." Nahihiya siyang nagpasalamat dito. Randomly ay nakaramdam siya na parang gusto niya ng strawberry. Hindi naman niya alam ang dahilan pero gustong gusto niya talaga to the point na naglalaway siya.
"Can we order a strawberry cake? Nagki-crave kasi ako." Nagtataka siyang tinignan ni Icarus saka mahinang tumawa.
"Seriously? Ang dami mo ng nakain hindi ka pa rin busog?" Ngumuso naman si Jhoana that made Icarus na umiling.
"Alright, if that's what you want." Then tinawag niya yung waiter. Noong dumating ang order ay mabilis itong kinain ni Jhoana that made Icarus amused. Magiliw niya lang itong tinitignan habang kumakain. Noong mapansin iyon ni Jho ay nailang siya.
"Just eat, you look cute." Bati niya rito. Muli ay nagwala ang mga malalanding hormones niya sa katawan.
'Kung anu man ang nakain ni Icarus para maging ganito siya ngayon, sana araw-araw niyang kainin para masaya kami parehas.' Jhoana thought.