----------------
“ sino kayo? “ I hissed sa mga lalaking nasa harapan ko, hindi ako makagalaw dahil nakagapos ako dito sa may upuan. Base sa pagkakatanda ko ay bumaba ako ng bus tapos agad na may umakbay sa akin at tinutukan ako nito ng kutsilyo sa tagiliran, akala ko simpleng pagnanakaw lang ang motibo nila pero may itinakip sila sa bibig ko dahilan para manghina hanggang sa ito ako ngayon nagising na ganito ang sitwasyon.“ manahimik ka na lang, bata. “ sagot nito sa akin. Napalunok na lang ako nang makita ko yung hawak nilang mga kahoy, mga nasa sampu siguro sila. Mula sa likod ay may malaking tao na nakatayo at halos manginig ako nung mamukhaan ko kung sino siya.
“ Mr. Gaston. “ may ngisi sa labi nito. Mabilis na dinaga ang puso ko.
“ Kairos Mababa. “ sambit niya saka lumapit sa akin, tinitigan niya ako gamit ang nakakatakot na mata niya. Kinakabahan ako iyon ang totoo pero ang pinagtataka ko ay anung binabalak niya? Hindi pa ba sapat na nasaktan na ako’t pinaglaruan ng anak niya?
“ hindi ko alam kung anung nakita sayo ng anak ko at pinatulan ka niya, akala mo ba ay hindi ko alam ang ginagawa niyong dalawa?! Tss, napakalakas ng loob mo na ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya! Hindi ka marunong lumugar Kairos! Tauhan lang kita. “ napangiwi naman ako nang lumapit sa balat ko ang latigong kanina niya pa hawak hawak. Napasigaw ako sa hapdi na parang nadurog na ang buto ko sa loob.
“ hindi ka nababagay sa anak ko, Mababa! “ muli akong napasigaw sa pagtama nito sa balat ko.Hindi pa siya nakuntento, pinatayo ako’t itinali sa ang mga kamay ko sa magkabilang lubid. Nakatalikod ako sa kanya habang hinahataw niya ako. Damang dama ko ang sakit na nanatili sa balat ko.
“ akala mo ba nararapat ka sa anak ko? Hardinero ka lang! ang kapal ng mukha mo na landiin ang anak ko! “ napasigaw akong muli sa sakit. Marami pa siyang masakit na salita na sinasabi sa akin noong magsawa na siya ay tinignan niya ako sa mata ko.
“ kahit anung gawin mo, Kairos! Hinding hindi ka magiging karapat dapat sa anak ko! Hinding hindi ka magiging sapat sa kanya dahil dukha ka lang! “
“ tapos na kami ng anak niyo, isa siyang sinungaling! Manloloko siya! kung may mas masahol sa aming dalawa siya iyon! Kayong mag-ama, mas masahol pa kayo sa hayop! ” sigaw ko, masakit nga ang mga sugat na nasa balat ko ngayon pero mas masakit ang katotohanan na ang babaeng mahal ko ay niloko lang ako’t pinaglaruan. Mas masakit ang puso ko kaysa sa physical na pananakit na ‘to.