----------
" Nagkakasya ka dito? " I asked Kairos na kasalukuyang nagluluto ng tanghalian naming dalawa. He decided na dalhin ako sa bahay na tinitirhan niya-- bahay nila noong mama nabubuhay pa ang mama niya. Bahay kubo ang style nito, may mga karatig bahay sila at ito ang pinakamaliit sa lahat.
Inilibot ko ang mata ko sa buong paligid, kasing laki lang ata iyon ng banyo ko sa bahay namin sa Maynila. Pagpasok mo ay may simpleng maliit na sala tapos sa tabi noon ay may mga lutuan na parang kusina, pagtawid mo ay may kwartong maliit na kasya ang isa tao at papag lang iyon na pinapatungan ng banig. I didn't know na sa ganitong lugar lang nakatira ang lalaking mahal ko.
" Apparently yes, Wala rin naman akong pera para ipaayos ito. Ang ipon ko ay para sa kolehiyo at syempre para sayo. " sinilip niya ako sa kinindatan dahilan para mamula ang pisngi ko. Hindi mahirap mahalin ang katulad ni Kairos, He's a hardworking man lahat ay gagawin niya para mapasaya ka lang. Napakabuti niyang tao and I guess everything about him is perfect and lovable. He's so gentleman and idagdag mo pa na napakaConservative niya. He's beyond my type and the figure of my dream guy but who cares. He's Kiann Kairos and I love everything about him.
" Then you should stop making ligaw on me baka maubos mo pa yung ipon mo. "
" Nah, ayos lang yun. Ginagawa ko naman iyon para pagsilbihan ka. Hindi iyon sayang dahil ikaw naman ang binibigyan ko. " napangiti naman ako dahil sobrang sweet niya, ilang beses ko na siyang pinatigil sa panliligaw dahil sinasagot ko naman na siya pero he's so persistent dahil everything must be special pagdating sa akin. Iyon nga lang ayaw ko naman na masyado siyang gumagastos sa akin, iniisip ko lang yung about sa pinag-iipunan niya.
" babe, I'm done. " sambit niya saka inilabas iyong luto nitong adobo saka dalawang plato na may kanin. Pinagsaluhan namin iyon dito sa sala niya wala man lang kahit anung appliances, may gamit nga pero mesa at upuan na gawa sa kahoy lamang iyon.
" Pagpasensyahan mo na ang lugar, medyo maliit. Don't worry kapag may matitira pa sa ipon ko ay palalakihin ko 'to. " ngumiti naman ako saka hinawakan siya sa kamay.
" Bakit hindi ka na lang sa mansion tumira? Tutal nagtra-trabaho ka naman doon. " bumuntong hininga naman siya.
" I can't. Ito na lang ang tanging naiiwan sa akin ni Mama, hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang 'to. I'm sorry Marguerette. "
" I understand. " sagot ko.
" Hey, lagi naman akong nasa bahay niyo. Minsan nga ay nagO-overnight pa ako. " Napanguso naman ako.