Restricted
MARIA LINA ISABEL
Mabilis akong nagpaBook ng flight ng matanggap ko ang sulat na iyon. Tumakbo ako sa Airport na may dala dalang kaba sa puso ko. Dala dala ang takot na baka mawala na naman ang lalaking mahal ko.
I don't want to lose him again. Hindi pwedeng maulit na naman ang lahat, hindi pwedeng mapako na naman ang pangako ko na hindi ko siya iiwan. Hindi pwedeng sumuko siya sa akin-- sa amin. Enough na ang lahat ng napagdaanan namin para ipagpatuloy ang pag-ibig namin. Wala na akong pakialam kung hindi ako karapat dapat sa pagiging perpekto niya. Siya na rin naman ang nagsabi-- mas minamahal niya ang pagkakamali ko dahil iyon ang bumubuo sa kanya kaya hindi ko hahayaan na ang pagkakamali kong pakawalan siya ay muli na naman na sirain siya.
Dumiretso kaagad ako sa firm nila pagdating ko sa Maynila.
" Isabel?! " si Madeleine iyon na gulat na gulat.
" Anung ginagawa mo dito? " Humahangos naman ako na sinagot siya.
" Si Dionysus? " umiling ito.
" Hindi siya pumasok ngayon, may importante daw siyang gagawin. " Napabuntong hininga naman ako.
" May problema ba? " Inilabas ko naman yung envelope na naglalaman ng annulment papers na may pirma na niya.
" Gago ba siya? Bakit niya ipapadala sayo 'to. " Ikinuwento ko naman sa kanya ang napagkasunduan namin dati na hindi ko inaakalang tototohanin niya.
" Aish! Punyeta talaga iyon! Mahal na mahal ka niya bakit niya gagawin 'to? " Umiling naman ako dahil wala rin akong ideya. Nung masigurado ka na wala akong makukuha kay Madeleine ay nagpaalam na ako. Nagmamadali akong pumunta sa bahay namin pero wala akong naabutan doon kundi magulong paligid at mga basag na bote. Nakakalat sa kama ang litrato ko at ng ultrasound ng anak namin. Napahilamos naman ako dahil hindi ko na alam kung saan siya pupunta. Sinubukan kong tawagan ang mga natitira niyang kaibigan pero wala rin sa kanila si Dionysus. Ni wala rin silang ideya kung saan ito nagpunta. Tinawagan ko naman sina Mama pero wala rin sa kanila ang anak nila.
Napahampas na lang ako sa manibela ng kotse ko. Hindi ko na mahagilap si Dionysus, kinakabahan na rin ako dahil baka may ibinalak ito sa sarili niya lalo na't sabi ni Maddie ay balisa ito ng mga nakaraang araw. Sa bawat minuto na lumilipas ay nawawalan na ako ng pag-asa na makita siya para bawiin ang annulment na 'to at sabihin na napatawad ko na siya.
Doon ay naalala ko yung lugar sa Batangas kung saan namin isinaboy ang abo ng anak namin. Sinuong ko ang tatlong oras na byahe papunta doon sa pagbabasakali na makita ang asawa ko.
" Dionysus! " nagugulantang na sigaw ko, nakita ko siya doon na palutang-lutang. Mabilis akong nagtatakbo para sagipin siya.
" Dionysus, gumising ka! " hinawakan ko ang pisngi niya't tinampal ito. Wala naman siyang karea-reaksyon.
" Anu ba Dion! " naluluhang sigaw ko dahil kahit anung paggising ko sa kanya ay walang epekto.
" Please.. Wake up. I'm sorry sa pag-iwan ko sayo. " bulong ko saka niyakap siya.
" Pinapatawad na kita Dionysus and I'm sorry sa hindi pakikinig sayo. Hub, I love you. " masuyong bulong ko. Hindi pa rin ito gumagalaw kaya yumuko ako para halikan ito na kagaya ng mga kwento sa fairy tale kung saan nagigising ang prinsesa kapag hinalikan ng prince charming nito.