DEANN IGNATIUS
" Putangina! " iyon ang tanging nasambit ko pagkatapos akong sampalin at layasan ni Felicia. Mabilis ko siyang hinabol bago pa 'to mawala sa paningin ko, wala akong pakialam kay Michelle dahil nabu-bwisit ako sa ginawa niyang panghahalik sa akin.
" Felicia! " sigaw ko saka tinangkang habulin siya, hinila ko yung kamay niya pabalik sa akin. Nakatanggap ako ng mag-asawang sampal, sinalubong ako nang umaapoy na galit sa mga mata niya.
" Paulit-ulit na lang ba kitang mahuhuli na kahalikan siya, Ignatius?! " asik niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako't lumanghap muna ng panandaliang hangin para magpaliwanag sa kanya.
" Bakit ba lagi mo na lang akong sinasaktan?! " asik niya, bubuka naman ang labi ko para magsalita pero sinipa na niya ako't sumakay sa kotse niya.
" Felicia, let's talk! " sigaw ko sa kanya at pilit na kinakatok ang pinto ng kotse niya. Pinaharurot niya iyon. Napasigaw na lang ako sa sobrang inis at binalikan si Michelle.
" Why did you fcking kiss me at sinadya mong makita niya?! Akala ko ba maayos na ang lahat, Michelle. Maayos na ang usapan sa custody ni Damian. " I hissed. Hindi ko alam kung bakit nandito siya, hindi ko alam kung bakit bigla niya akong hinalikan at kung paano napunta si Felicia dito't nakita kami.
Sinampal naman niya ako nang malakas. Hindi pa siya nakuntento't paulit-ulit na pinagpapalo ang dibdib ko.
" It is, maayos na pero yung buhay ko Ignatius. Hanggang ngayon sirang-sira pa rin dahil kay Felicia. Kung sana sumama ka sa akin at ako ang pinili mo edi kumpletong pamilya ang kaya kong ibigay sa anak natin. Hindi sana iyong ibang tao ang nag-aalaga sa kanya. "
" Ibang tao? He's your husband dahil kasal ka na, Michelle. He's taking good care of Damian, hindi mo lang nakikita ang bagay na yun. "
" I am pero hindi ko siya mahal, I hate the fact that I was arranged to him. Ikaw ang mahal ko Ignatius and I want our family to be complete. Kung hindi ka umalis at nawala, ikaw sana ang ipapakasal sa akin ni Daddy at hindi siya. You trapped me in a situation na ginagawa akong miserable samantalang ikaw, masaya. Fck you, Ignatius! "
" I didn't trapped you in the miserable situation, Michelle. Ikaw ang pumili na hindi maging masaya, Josh love you so much pero masyado kang bulag para mapansin yun. Kung bibigyan mo lang siya ng pagkakataon na patunayan ang pagmamahal niya sayo---" She cut me off.
" I'm still inlove with you! "
" But I didn't love you anymore, palayain mo na ang sarili mo Michelle. Please, nagmamakaawa na ako sayo. " muli niya akong sinampal.
" No, ayoko! Ikaw ang gusto ko! "
" Michelle, please. "
" No, Hindi ka pwedeng maging masaya Ignatius, lalong lalo naman ang makasama si Felicia. Kung miserable ako ngayon, dapat miserable ka rin. " sigaw niya saka sinampal ako.
" Hindi mo pa rin ako mahal? Pwes, hindi mo rin makikita si Damian. " She hissed saka umalis. Napamura na lang ako. Putangina, bakit ba pinaglalaruan ako ng ganito ng tadhana?!
FELICIA MARIE
Nagharap kaming muli, matapang ang features na nasa mukha niya. Malayo doon sa Deann Ignatius na nagmamakaawa at lumuluhod sa harapan ko noon. Anu nga bang aasahan ko? Mabilis naman talagang makaMove-on ang mga gago.
" Nasaan ang mga anak natin? Akala ko ba dadalhin mo sila dito. "
" I brought them, kasama nila si Ate Patricia sa kotse. Ayoko lang na makita ng mga anak natin na nasa ganito tayong sitwasyon. " tumango naman siya saka pinaghila ako ng upuan. Nasa tabi ko si Madeleine bilang Lawyer ko, Deann didn't got Dionysus as his lawyer dahil wala naman talaga siya sa tama. Isa siyang gagong manloloko!