JHOANA LOUISSE
"Icarus?" Nagtatakang sambit ko sa taong nakatayo sa harap ng unit ko. Balisa ito at nakatikom ang bibig.
"Nagpunta ba rito si Madeleine?" Napailing naman ako. Inaya ko siyang pumasok at ipinaupo. Ginawa naman niyang komportable ang sarili pero dama mo pa rin ang pagkabalisa."Tubig?" Tumango naman ito. Pumunta ako ng kusina kumuha ng tubig. Saglit akong napahawak sa dibdib ko.
Naandito si Icarus, kasama ko siya pero ang nakakalungkot ay iba ang hinahanap niya. Alam kong pinag-isipan ko yung mga sinabi sa akin ni Madeleine noon, hindi ko nga lang alam kung sa paanong paraan ko siya gagawin. Sinimulan ko na nga sa pagpunta punta sa unit ni Maddie para mawala ang pagka-ilang ni Icarus sa akin.
"Bakit mo siya hinahanap?" Tanong ko noong kumalma na siya sa tubig.
"Ilang araw na siyang hindi umuuwi." NapaKunot naman ako ng noo.
"Itinanung mo na ba sa mga kaibigan niyo?" Napatango naman ito at napabuntong hininga.
"Oo e pero hindi raw napadaan si Maddie sa kanila. Nangako naman sila na magsasabi sa akin kung sakaling mapadaan ito." Napatango naman ako. Nanaig ang katahimikan sa amin.
"Anu bang nangyari?" Tanong ko sa kanya. I mean masakit sa dibdib ko ngayon na si Maddie na naman ang topic namin pero wala naman aking magagawa. Ngayon na wala si Maddie sa akin ay alam kong aalis na naman ito.'I want him to stay.'
"We fought last night. Na... Nasampal ko siya." Natigilan naman ako sa sinabi niya. I felt my lips tremble as I caught my breathe. Parang may kunganung alaala ang pumasok sa isipan ko.
"I didn't mean it. Nagselos lang ako. I heard her talking to someone kasi." Paliwanag nito. Napabuntong hininga ako. T'was the same thing he said to me noong nag-away rin kami at nasaktan niya ako. Yes, nananakit si Icarus physically. I experienced a lot from him lalo na kapag nagseselos siya. He can't control his anger at sobrang nakakatakot siya na parang hindi niya kilala kung sino ang nasa paligid niya.
---------------------
"Icarus stop!" Mangiyak ngiyak na sigaw ko. Pilit ko siyang hinihila siya palayo doon sa lalaki. Sobrang duguan na yung mukha nito at natatakot ako na mapatay
niya. Hindi ko kilala yung guy pero nilapitan niya ako to ask for my number, sinabihan ko siyang I don't find him interested and pinapalayo ko na but before that happened ay hinila na siya ni Icarus at binugbog."Icarus, please." I pleaded again pero parang bingi ito. Kinakabahan na ako dahil bukod sa makapatay siya ay baka may makakitang iba at makilala siya, kami. Malamang sa malamang ay makakasira ito sa image ni
Daddy. Hinila ko siyang muli, finally I got the strength and nahila siya palayo."I...Icarus." Nauutal kong sambit dahil sa lakas nang pagkakasampal niya sa akin. Natigilan ako, it already happened once and hindi ko alam na mauulit muli.
"Fck, what did I told you, Jhoana?! Ako lang. Tangina sino yun. Niloloko mo ba ako?" He scratched my arm and gritted his teeth. Nangingitim ang mga mata niya.
"I'm not cheating on you. Hindi ko nga siya pinapansin dahil ikaw la-"
"Bullsht! Shut up." He roared saka pinaandar na ang sasakyan pauwi. Tahimik lang ako hanggang sa makauwi kami. My lips are trembling pati na rin ang tuhod ko. Nanghihina ako dahil sa mga nangyari. Kapag nagagalit talaga siya ay hindi ko siya makilala.