HAO SPECIAL CHAPTER-I

3K 60 23
                                    

FELICIA MARIE

I look at my reflection sa mirror at tinignan kung perfect na ang kagandahan ko, hindi na ako nagperfume dahil palaging sinasabi sa akin ni Ignatius na mas gusto niyang naamoy yung natural scent ko.


Napalingon ako nang may kumakalabit sa akin, pagtingin ko it was my 2 year old daughter, Maera Felicity Dione. I bow down saka hinalikan siya sa pisngi.



" Anung kailangan mo, baby? " I asked as she hugged me.



" Dada. I want to see, Dada! " she was jumping at sobrang hyper niya, tumango naman ako saka hinagkan siya sa leeg dahilan para humagikhik 'to.



" Sure, pupunta tayo kay Dada. " I fixed her cute floral dress. Bitbit ko na din iyong niluto ko para sa lunch niya, gustong gusto niya kasing inihahatid ko iyon sa kanya. Paglabas ko ay sumalubong sa akin ang anak kong si Faustus--- Demetrios Faustus Makhai tapos si Thalia yung anak nila Ate Therese, naglalaro silang dalawa--- well, magkapitbahay lang din kasi kami, actually dito sa village magkakalapit lang ang mga bahay namin, A few distance lang ay yung kanila Isabel then sa kabila naman ay bahay ni Maddie. No wonder na magiging magkakaibigan din ang mga anak namin.



" Mymy, saan po kayo pupunta? " He asked while holding a colorful blocks.



" Sa Dada mo, Felicity wants to see him. Sasama ka ba? " tinignan naman nito si Thalia na busy sa paglalaro saka sumimangot.



" I still want to play with her po. " sagot niya, sakto naman na dumating si Ate Therese.



" Oh, aalis ka? Ako na ang bahala sa dalawang 'to. " nakangiting sambit niya saka kinurot yung pisngi ng anak kong babae. She's pregnant, six months na. Ang laki-laki na nga ng baby bump niya. Nagpasalamat naman ako sa kanya saka pinaalalahanan ang anak ko na huwag maglilikot dahil saglit lang din naman kaming dalawa.




" Are you excited to see Dada? " tanong ko sa anak namin habang hawak ang kamay niya, she insist na maglakakad daw siya. We are now heading sa office ni Ignatius, he already have his own airlines--- Hermes pero minsan ay bumabalik pa rin siya sa pagmamaneho. Being with Ignatius sa ilang taon na din, kasabay ng dalawang blessing sa amin ay sobrang perfect, everything between us ay sumasang-ayon sa plano naming dalawa. He always make sure na safe kami kahit na nasa trabaho siya, kada oras ay tumatawag ito kapag nasa trabaho siya na akala mo paranoid na tao. He's a great father, hindi niya inii-spoil masyado ang dalawa, tinuturuan niya ang mga 'to ng tamang gawi but at the same time ay cool father figure pa rin siya. Kung ide-describe ko ang relationship namin, kasing perfect niya. He always faithful to me, walang gabi na hindi niya pinaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako, everyday, gigising ako sa halik at bulong niya kung gaano niya ako kamahal, hindi niya rin kinaliligtaan ang bulaklak na parang nanliligaw pa rin. Every day with him is a surprise, lalo na kapwa tulog ka tapos bigla-bigla na lang siyang manggagapang. Jusko, kung hindi nga siguro ako nagta-take ng pills ay isang dosena ang anak namin sa sobrang hilig niya but well, gusto ko rin naman. Isa pang bagay na mas minamahal ko sa kanya ay lagi niyang ibinababa-- hindi yung underwear ko kundi yung pride niya, kapag nag-aaway kami ay siya lagi ang unang lalapit at hihingi ng sorry kahit ako naman minsan ang may kasalanan. Sa bawat araw na kasama ko siya ay mas lalo ko 'tong minamahal.



Napakunot naman ang noo ko nang lumabas sa office niya ang isang pamilyar na babae, si Michelle Cobb. Nagtagpo ang mga mata namin at inirapan niya ako, napailing na lang ako saka hinawakan ang kamay ng anak ko. Nung makalagpas siya sa amin ay dinaga ang puso ko, bakit siya nasa office ni Ignatius? Nag-uusap pa sila?! May namamagitan ba sa kanila?


D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon