--------------
I found Marguerette talking to her friends; I guess galing silang metro dahil na rin sa mga suot nila. Fashion siguro sa Maynila iyong mga damit na kinulang sa tela.
Lalapit sana ako nang marinig ko yung pinag-uusapan nila.
" Therese, here's the key doon sa car dahil nagawa mo ang dare natin. I guess napaglaruan mo nang sobra yung hardinero niyo dito. " Napantig naman ang tainga ko nang marinig ko iyon, dahan dahan ko naiyukom ang kamay kasabay ng pagsakit ng puso ko. Malinaw kong narinig ang mga sinasabi nila.
" Yeah, Sa tingin ko ay paniwalang paniwala na iyon na ang katulad mong prinsesa ay magkakagusto sa kagaya niya. I feel pity for him but still masaya naman paglaruan ang ibang tao. Right? " nahigit ko ang paghinga ko, pinigilan ko ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Putangina para akong sinaksak sa dibdib ko ng paulit ulit sa mga narinig ko.
" Marguerette. " anas kong sambit sa pangalan niya. Pinigilan kong ang namumuong galit sa puso ko. Naniniwala akong mahal ako ni Margaurette at hindi lang iyon puro laro na tulad noong sinasabi ng mga kaibigan niya.
" Ka...Kairos! " nauutal na bulalas nito na nanlalaki ang mga mata. Tinignan naman ako ng mga kaibigan niya mula ulo hanggang paa. Doon ay nakaramdam ako ng panliliit na kailanman ay hindi ko inaasahang magmumula sa ibang tao. They look at me as if sobrang kaawa-awa ako.
" Oh! Ikaw yung hardinero nila Therese? He got the looks infairness. " nakangising sambit nito sa akin.
" Gwapo, too bad naging subject ng laro natin. " dagdag naman nung isa.
" Stop it Adella! Please tumigil ka na rin Ciara. " Therese hissed doon sa dalawa.
" Bakit, hindi ka umamin sa kanya Therese. Sabihin mo ang totoo. " hindi ko naman 'to pinansin at kinausap si Marguerette.
" Tell me it's not true, sabihin mong mali yung mga narinig ko. Mahal mo ako at iyon lang ang totoo. " halos nagmamakaawa na ang boses ko. I cupped her face at lumuluha ang mga mata niya.