-------------
" Bagay ba? " tanong ko sa kanya. Suot-suot ko iyong swimsuit na one piece, binili namin ni Ponggay bago ako pumunta dito sa Batangas, balita ko kasi ay maraming beaches na nakapaligid dito and kapag may beaches tama lang na ipakita ang katawan mong pinaghirapan mula sa exercises.
Today ay pupunta daw kami ng Mabini, Batangas ni Kairos dahil mararami daw mga beaches at private resorts doon. Niyaya ko kasi siya dahil sa init na rin ng panahon dito, hindi naman siya makakatanggi e.
" Uhm. " Napakamot siya sa batok niya tapos nakatingin doon sa may labas. Napanguso naman ako, tinatanung ko nga sa kanya kung maganda paano niya masasabi kong hindi siya tumitingin sa akin.
" Kairos! Anu maganda ba? " bulalas ko. Noong hindi pa rin siya tumitingin ay lumapit ako then cupped his cheeks.
" Bagay ba sa akin? " I asked, nakapikit naman siya, parang sira itong lalaking ito.
" Ah eh, Therese kasi... " Napangiti naman ako noong namumula siya. Ang cute niya talaga kapag namumula--- unusual kasi iyon sa lalaki pero mas napapangisi ako dahil alam kong may epekto ako sa kanya. Which is dapat naman talaga, sa school namin sa UST. I was crowned as Queen at dahil doon maraming lalaki ang humahabol sa akin. Hindi dapat binabalewala ang isang katulad ko.
" So anu na? "
" Therese kasi, hindi ba't masyadong kinulang iyan sa tela? Masyadong halata ang hubog ng katawan mo diyan. " Hindi pa rin nawawala yung pamumula niya kaya napahagikhik ako. Mukha na siyang kamatis ngayon. I had an urge to kiss his cheeks pero pinigilan ko na. I just really find him cute.
" Ay naku! Kairos, sa beach nga tayo pupunta kaya dapat ganito ang mga suot. Alangan naman na magPajama tayo doon. " sermon ko sa kanya, mainit na nga tapos balot na balot ka pa.