HAO-XV

2.1K 63 4
                                    

FELICIA MARIE

" Felicia. " I heard his voice, it was calm. Paanong hindi?! May kahalikan na naman siyang ibang babae and I don't know why I'm acting like this. Hindi ko alam kung bakit may mga luha sa mata ko! Hindi ko alam kung bakit hawak hawak ko na naman 'tong unan at kinaiinisan dahil naimagine ko na naman sa kanya ang lalaki na nakipaglandian na naman sa ibang babae. Ghad Felicia! Bakit ka ba umaakto ng ganito?! Wala namang kayo-- wala naman kayong label at lalong wala namang dapat na mamagitan sa inyo! Natapos na rin ang laro niyo kaya dapat hindi ka umaakto na parang girlfriend ng isang babaerong nagngangalang Deann Ignatius!




He knocked my door for almost; I don't know basta ang alam ko lang ay mga ilang minuto na rin iyong pambubulabog niya. Hinayaan ko lang naman siya, bahala siyang mapudpod ang mga kamay niya para walang ibang babae ng mahawakan. Sana nga maputol yung kamay niya para wala na ring malanding iba.




Isa pa, ayaw kong makikita niya akong namamaga ang mata dahil umiiyak sa hindi malinaw na dahilan. Mamaya lumaki pa ang ulo nun dahil malamang iisipin niya na iniyakan ko siya which is dapat hindi niya maisip dahil hindi ko naman talaga dapat siya iniiyakan--- napuwing lang ako sa labas yun lang iyon. Ay bwisit! Ang gulo gulo naman ng mga sinabi ko parang itong isipan ko ngayon!




" Open the door Felicia, please. "




" Anu pa bang kailangan mo? " I asked him.




" I need you. " naiyukom ko naman ang kamay ko sa ibinulong niya.




" Ulol! Gagu! " sigaw ko. Need niya iyang mukha niya o baka naman need niya ako dahil walang tumutugon sa needs niya!




" Please lumabas ka na dyan. "




" Ayaw kitang makita Deann Ignatius! Naiirita ako sayo! "




" Huh? Bakit, may ginawa ba akong mali?! " I mocked his voice nung sinabi niya yun. Napakagaling talagang umaktong inosente ng taong ito!




" Lumayas ka jan sa pinto! Bwisit ka! " sigaw ko sa kanya saka inihagis yung sarili ko sa kama't pumikit. Ipinapasok ko sa isip ko kung bakit ko iniiyakan si Ignatius at iisa lang ang pumapasok sa isip ko--- yung mga pinagsasabi ni Ate Patricia kaso ugh! Hindi pwedeng mangyari ang bagay na yun! Ayokong mangyari! Masyado lang talagang occupied ang isip ko ng mga sinasabi ni Ate--peer pressure kumbaga kaya pumapasok yun. Napuwing lang talaga siguro ako tapos baka magkakaroon na rin ako kaya naiirita ako sa pangit ng Wong na iyon.




" Hey Felicia! " naiirita na naman ako sa sunod sunod na katok sa pinto. Akala ko ay wala na siya dahil saglit an tumahimik ang paligid.




" Anu ba Ignatius! Layuan mo na ako at ang pinto! " naiiritang sigaw ko. Anu bang kailangan niya? Anu pa bang gusto niya?! Bakit nanggugulo siya sa buhay ko samantalang may babae naman siya dyan na pwedeng guluhin! Nanahimik na nga ako tapos ginugulo niya pa ang buhay ko! All I want is balikan yung mga gamit na naiwan ko and this is happening right now!




" Please, let's talk. " Napasubsob naman ako sa unan. Tinakpan ko yung tainga ko. Bahala siya diyan. Hindi ko na siya kakausapin para magtigil siya.




Nakatulog ako, mga tatlong oras. Tahimik na ang paligid at panigurado akong wala na yun sa paligid dahil sumuko na siya. Bored lang siguro ang gagu kaya wala siyang magawa!




Nakaramdam ako ng gutom kaya binuksan ko na yung pinto para kumuha sana ng pagkain sa labas.




" Fck! Finally binuksan mo na! " nanlaki naman yung mata ko dahil iniluwa siya ng pinto. Isasara ko na sana ang pintuan ng iharang niya yung daliri niya, nagsisigaw ito sa sakit samantalang tinititigan ko lang siya. He deserves it, para magtigil na siya kakabulabog sa akin. Sinubukan ko ulit isara iyon pero nakaharang na yung paa niya.




D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon