DIONYSUS MATTEO
" Ayos ka lang ba? " I asked her dahil may mga galos at pasa ito sa katawan. Pagkatapos ng pag-aaway nila doon ay binilhan ko siya ng damit sa pinakamalapit na shop. She looks like a messed mukhang napagtulungan siya nung dalawa.
" I'm fine, Thank you Dionysus. " Ngumiti lang ako saka kinuha yung betadine at bulak sa tabi ko.
" Anu ba talagang nangyari Jessma? " hindi ako matahimik, Kilala ko si Isabel at hindi siya bayolenteng tao. Hindi siya susugod kung hindi siya sinimulan. I mean kahit nga simulan mo siya ay hindi siya gaganti, She got a lot of control when it comes sa away dahil iyon ang itinuro ko sa kanya noon.
" Sinabi ko na sayo ang katotohanan Dion, Sila ang nagsimula lalo na yung bestfriend niya. Pinagtulungan nila ako, hindi pa ba halata sa mga sugat ko? " napabuntong hininga ako. I look at Jessma's face na may mga kalmot at doon ay nabaling ang atensyon ko sa mga kamay ko.
I slapped her.
Damn! I never imagined in my life na masasampal ko siya. Naalala ko kung paano nagulat ang mga mata niya sa ginawa ko, maski ako din naman. Nabigla lang ako sa mga pangyayari kaya hindi ko na naControl ang sarili ko. Noong mga oras na nakatingin ako sa mga mata niya ay gusto ko na siyang yakapin para maiwaksi ko yung ginawa ko but I can't, pinangunahan ako ng takot. Takot na baka itulak niya ako palayo at itaboy and hindi iyon tamang gawin sa harap ni Jessma.
" Dionysus, ayos ka lang ba? " Nabalik ako sa realidad at tumango.
" Impossibleng gawin ni Isabel 'to. " I said dahilan para kunutan niya ako ng noo.
" So anung sinasabi mo Dion? Na nagsisinungaling ako at pinapalabas ko na masama ang magaling mong asawa?! "
" Hindi sa ganun Jessma, Kilala ko si Isab- "
" So ako hindi?! Kakampihan mo siya kasi asawa mo siya tapos kabit mo ako?! " Tinulak niya ako palayo.
" Jessma. "
" Edi sige! Bumalik ka sa asawa mong manloloko! " Napabuntong hininga na lang ako ng tinalikuran niya ako't iniwan. I tried to call her name pero hindi na niya ako binabalikan pa. Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko dapat ginagawa ang bagay na yun, siya dapat ang kinakampihan ko, paano kung nagbago na si Isabel at ganoon na siyang tao. Maraming kayang gawin ang pagbabago sa isang tao, minsan maghanda pero minsan masama.
*************
" Wala ka na ba talagang delicadeza Isabel?! Doon ka pa talaga sumugod sa publikong lugar! " I hissed. Iyon ang binungad ko sa kanya pagkauwi ko, I need to talk with her sa bagay na yun dahil bukod sa nakikipag-away siya ay hindi na siya nahiya sa mga pangalan nila.
" Siya ang nauna Dion, Ang dami niyang pang-asar na sinabi. " napahilamos naman ako ng mukha ko.
" Hindi mo na dapat pinatulan! Hindi ka naman na bata para makipag-away pa. "
" Si Jus ang sumugod, sa tingin mo ba ganun ako ka-bayolente? Sa lahat ng tao ikaw dapat ang nakaalam ng mga kaya kong gawin. Sa lahat ng tao ikaw ang nakakakilala sa akin. " napabuga na lang ako sa hangin.
“ hindi rin, hindi ko nga alam na magagawa mo akong lokohin e. “
“ Dionysus, this is all about Jessma at sa naging away namin, don’t bring up the past. “
" Tsk fine, si Jus na ang sumugod tapos tumulong ka sa pananakit sa kanya?! "
" Anu bang hindi mo maintindihan Dion?! Inawat ko sila pero sinampal niya ako, doon ay nawalan na ako ng control at ginantihan siya. May karapatan akong ipagtanggol ang sarili ko, hindi sa lahat ng oras ay magpapasensya ako. "