DEANN IGNATIUS
Napabuntong hininga na lang ako habang inililibot ko ang mata ko sa paligid nitong kwarto niya. Every corner of this room reminds me of her, Felicia's scents are scattered everywhere which made my body system depend on it. Ang hirap hirap alisin na kahit ilang beses akong magpakalasing sa alak ay ayaw mawala. Dalawang buwan na siyang hindi bumabalik dito pero putangina! Ang sakit sakit pa rin tuwing naalala ko na iniwan niya ako ng walang malinaw na dahil. Hindi ko maintindihan, maayos naman ang lahat, naiintindihan niya naman 'tong kalagayan ko then suddenly bigla na lang siyang umalis na hindi malinaw yung gusto niyang iparating tapos sumusuko na sa laro namin. Bullshit! Fcking bullshit! Ang nakakagago, iniwan niya ako pero araw araw umaasa ako na bigla siyang susulpot sa pintuan at yayakapin ako. Tatanggapin ko siya pero hindi na siguro ako makikipaglaro.
" Damn. " I hissed then grabbed the pillow and throw it away. Naiyukom ko ang kamay ko. This is like a nightmare, nangyari na naman sa akin ang mga naganap noon. Naiwan na naman akong mag-isa! Bakit lahat ng tao gustong gusto akong iwan mag-isa?!
" Oh?! Nagkakalat ka na naman. " It was Dion interrupting my private life. Yung mukha niya mukhang marami ding dinadala sa buhay.
" What are you doing here? "
" Getting away from my fcking problem. " Saka siya umupo sa tabi ko. He looks depressed also which hindi naman na nakakapagtaka. Magkabati na sila ni Isabel pero si Jessma naman yung pinoproblema niya. Dapat mga babae na lang din yung problema ko hindi iyong iisang babae lang na ang sakit sakit sa ulo't puso.
" Inom tayo. " yaya niya saka binatukan ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
" Problema mo? "
" Tigilan mo na yang pagiging emo, hindi bagay sayo. "
" Gagu! Kasalanan niyo 'to e! Kung hindi niyo siya kinausap hindi naman siya makikipaglaro! "
" We just said na I-tame ka. Hindi namin sinabi na maglaro kayo! " asik niya sa akin.
" Kahit na! Kasalanan niyo kung bakit kami nagkalapit sa isa't isa! "
" Ulol! Wag mong isisi sa amin iyang problema niyo ni Felicia. Tumutulong lang kaming putulin iyang sungay mo and I guess naputol na nga. Stick to one ka na ulit gagu! "
" Ulol! Hindi pwedeng mangyari yun, makikita ni Felicia na kaya kong maghanap ng ibang babae. Makikita niya kung anung pinakawalan niya! "
" Patunayan mo! Tara magMount Olympus tayo! Maghanap ka ng mga babae mo doon. "
" Ayaw ko, Dito na lang ako. " I hissed dahil tinatamad akong umalis, gusto ko lang sa lugar na 'to kung saan napapaligiran ng presensya ni Felicia.
" Tch, Don't tell me broken hearted ka dahil sa kanya? Don't tell me naging seryoso na talaga ang lahat, sinabi ko sayo Ignatius diba? Ingatan mo ang puso mo! "
" Nasa akin pa naman! "
" Hindi ganun ang nakikita ko! Yung inaakto mo ngayon ay kaparehas nung nangyari sayo noon nung iwan ka n- "
" Don't you dare na sabihin ang pangalan niya Dionysus! "
" Tss, iyon ang totoo, Ignatius! Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon? Miserable ka ulit at dahil sa babae na naman iyon. "