After 3 months Icarus went back, alam na niyang tahimik na ang lahat at hindi na siya inaalala pa.
"You're back." Dion said noong makita siya sa labas ng unit nito. Tipid naman itong ngumiti.
"Kamusta ka na?" Tanong sa kanya nito habang umiinom sila ng kape sa coffee shop.
"Okay naman. May maliit na nakong business sa Chicago." Napatango naman si Dion at ngumiti.
"Ayos, mabuti iyan."
"Have you heard about, Madeleine?" He asked. Sumeryoso naman ang kaibigan.
"Galit pa rin kaya siya sa akin?" Dagdag na tanong niya.
"Iyon ang hindi ko alam pero alam kong masaya na siya. Kakasal lang nila ni Zolo noong nakaraang buwan."
"Yes, nakita ko." Natahimik naman si Dion.
"Ang laki kasing gulong ginawa mo pre."
"Akala ko kasi iyon ang tama. Tulad na lamang noong dating desisyon ko na takbuhan siya."
"Atleast you learned your lesson na."
"Anu pa nga ba. Sobrang kagaguhan iyon."
"Wala namang bago doon haha." Napailing naman siya saka humigop sa kape.
...
"Maddie?" Mahinang bulong niya nang makita ang dalaga sa pintuan.
"Yes. How are you?" Ngumiti naman siya at pinapasok ito.
"I'm alright, how about you?"
"Good."
"Sorry." Mahinang bulong niya.
"I already forgive you."
"Sorry dahil nadadamay ka sa mga bad decisions ko."
"It's alright, Icarus. You made me stronger and braver. Without those problem you gave Hindi ko alam kung magiging ako ba si Madeleine ngayon."
"I'm really sorry. I hope na makabawi ako sayo."
"You don't need to do anything."
"Thank you, Madeleine." Mabilis naman siyang niyakap ng dalaga. Niyakap niya ito pabalik at hinalikan sa noo.
"Congratulations pala sa inyo ni Zolo."
"Thank you, i received your gift." Nagulat naman siya sa sinabi ng dalaga.
"Paano mo nalaman?"
"Ikaw lang naman ang tanging nagreregalo ng ganun." Napangiti naman siya.
"Kilala mo talaga ako."
"Of course you're my bestfriend." Muli silang nagkwentuhan ng kung anu-ano until may naalala si Maddie.
"You received an invitation, don't you?" Napatango naman siya.
"Yes, pero hindi ako magpapakita kay Daddy. Tama na, na malaman niyang nasa malayong lugar ako."
"But it's his birthday and he deserves na magkaroon ng kompletong pamilya sa araw na 'to."
"Pupunta ako pero hindi magpapakita."
"Ikaw bahala." Ngumiti naman siya at tumango.
....
Magarbo ang selebrasyon ng kaarawan ni Mr. De Leon. Maraming sikat na panauhin ang nandoon. Nasa likod ng kurtina si Icarus habang pinagmamasdan ang ama na masaya. Napukaw rin ng kanyang mga mata ang dalagang matagal niyang iniirog at hanggang ngayon ay May puwang pa rin sa kanyang puso.
"Jho."mahinang bulong niya, kasabay noon ang pagpatay ng mga ilaw. Noong muling magbukas ay nandoon na siya gitna at kasayaw ang kasintahan na si Nico kasama ang anak nilang si Nicolas. May gumuhit na pait sa puso niya pero alam niyang deserve niya ang sakit na ito pagkatapos ng mga ginawa niya.
"Jhoana, will you marry me?" Tanong ng binata sa kasintahan. Natahimik naman ang lahat at ang matamis na oo ng dalaga ang namayani. Tumulo ang mga luha sa mata ni Icarus habang naglalakad siya palayo sa kasiyahan.
"You deserve to be happy pagkatapos kong sirain ang buhay niyo." Mahina niyang sambit at tuluyan nang umalis ngunit bago iyon mangyari ay may nasagi siyang dalaga.
"Pasensya na." Sambit niya at hindi naiwasang mabighani sa kagandahan nito.
"Icarus De Leon? Hindi ba't anak ka ni Senador?" Tipid naman siyang ngumiti.
"Ako si Bang, isa sa mga tagahanga ng pamilya niyo." Inabot nito ang kamay niya at hinayaan na lamang niya.
"Nagagalak akong makilala ka binibini."
XxxxX