"Anak namin si Ysabel." Sambit ni Icarus kay Dion habang nag-uusap sila sa sala.
"Huh?!"
"May nangyari sa amin bago ako umalis papuntang Europa para sundan si Jho."
"Teka anung sinasab- Nakakaalala ka na?!" Gulantang na sigaw ni Dion dahil hindi niya naman akalain na magagawang magpanggap ng kaibigan niya.
Sasagot sana siya nang...
"Nakakaalala ka?!" Iyon ang boses na gumimbal sa kanya, kasabay noon ay ang mga yapak ng dalaga na mabibigat saka sinalubong si Icarus ng sampal na pagkalakas lakas. Hindi akalain ni Madeleine na sa pagdaan niya para kumuha ng gamit ay maririnig niya ang katotohanan.
"Kailan pa Icarus?! Kailan mo pa ako ginagago?!" Hindi naman makapagsalita si Icarus, ni ang pigilan siya sa bugso ng damdamin niya ay hindi nito magawa. Nanatili itong mahina sa harapan niya hindi para kaawaan kundi dahil hindi siya makagalaw dahil hindi niya inaasahan na malalaman agad ng dalaga ang pinakatatago niyang sikreto.
"Sagutin mo ako!" Sigaw niyang muli, lumapit na si Dionysus para pigilan siya sa muling pananakit sa binata. Nanghihina ang tuhod ni Maddie dahil hindi niya lubos maisip na magagawa ni Icarus na magsinungaling.
"Kumalma ka muna." Bulong ng binata dito dahilan para masampal siya.
"Kumalma? Pagkatapos niya akong gaguhin, kasabwat ka ba niya?!" Sigaw niya dito. Napaatras naman si Dion.
"Madeleine, wala siyang kinalaman dito. Ako lang." Muli siyang sinampal ni Maddie.
"Kailan pa?"
"Wala akong amnesia. Kuntsaba ko si ate Den dahil gusto kong maitama ang lahat. Gusto kong mailayo si Jhoana sa kahihiyan na makukuha niya kapag nabunyag ang relasyon namin."
"Wait. Wtf!" Sigaw ni Dion. Sinamaan naman siya ng tingin ni Maddie.
"Bakit kailangan akong maipit, Icarus? Nanahimik ako tapos nadamay na naman ako sa inyo ni Jho."
"I can't do anything. Gusto ko naman talagang aminin ang lahat sa iyo pero ayaw mo akong kausapin."
"So kasalanan ko pa?!"
"Sorry." Sinampal siyang muli ni Maddie.
"Sasabihin ko sana ang lahat then I saw Ysabel alam kong anak ko siya dahil May nangyari sa atin no-" Maddie cutted her.
"So?"
"Gusto kong maitama ang lahat. Bubuuin ko ang pamilya natin. Ikaw at ako pati si Ysabel." Pagak naman na tumawa si Maddie saka napailing.
"Itama? Sinira mo na ang lahat Icarus dahil sa mga walang kwentang desisyon mo. Wala kang makukuha sa akin. Buo na ang pamilya ko. Ysabel knows na si Zolo ang tatay niya at nawalan ka ng karapatan noong iniwan mo ako. Stop ruining my life, Icarus. Wag ako, iba na lang." Saka siya tumayo para muling sampalin ang binata saka tuluyan nang umalis.
Hinabol niya si Maddie but the person next to her surprised him.
"Jho." Namumugto ang mata ng dalaga habang nakayukom ang mga kamay. Mabilis niyang sinampal si Icarus.
"Jho, I'm sorry."
"Buong buhay ko, naniwala akong tadhana ang naglalayo sa atin. Ang tadhana ang may ayaw sa atin pero ang totoo, ikaw yun Icarus! Ikaw ang sumisira sa atin. Para saan? Para sa anu?!"
"Ayaw lang kitang masira lalo na't nagbanta na si Daddy sa atin noon. Ayaw kong masira ang pangalan ng pamilya natin, ang pangalan mo." Pinaghahampas ng dalaga ang dibdib niya.
"Sirang sira na ang buhay ko ng dahil sayo, Icarus! Ikaw ang sumira ng buhay ko, ang sumira sa atin. Kasalanan mo ang lahat kung bakit ganito ang buhay ko!" Tinulak siya ng dalaga na punong puno na ng luha ang mga mata.
"Nagsisisi akong minahal kita. Isa kang duwag, Icarus." Mahina pero madiin niyang sambit saka iniwan ang binata. Natulala lang naman si Icarus habang dahan-dahan na nawalan ng lakas.
"Tama sila, isa akong duwag at gago."
XxxxX