MARIA LINA ISABEL
I woke up early doing my rituals, wala na si Dionysus sa tabi ko siguro ay maagang pumasok iyon o nasa bahay nung kabit niya. I fixed my things dahil marami rin akong aasikasuhin sa shop ngayon, natapos ko na sana yun kung hindi ako kinukulit ni Kintaro nitong mga nakaraang araw. Dionysus and I haven't talk about sa nangyari noong nakaraan sa mall bukod sa hindi na naman kami nagpapang-abot ay useless naman kung magpapaliwanag pa ako sa kanya dahil hindi naman niya ako pinakikinggan. Gusto ko man na maasar dahil sa sarado niyang isip ay wala akong magagawa. It's seems like parang nauulit lang ang nangyari noon, ang naiba nga lang ay wala na kaming relasyon ni Kintaro ngayon.
I took a deep sighed.
Umagang umaga ang dami ko kaagad na pinoproblema, idagdag mo pa na kanina pa text ng text si Jus. Some of our designs and clothes are featured sa isang photoshoot and hinahabol namin yung mga damit na kailangan nila dahil next week na ito gaganapin.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad akong nakaamoy ng kape. Weird iyon dahil si Dionysus lang ang nagkakape sa aming dalawa.
" Dionysus!? " I blurted. He was sitting comfortably sa couch habang may hawak na kape. He's still wearing his robe at mukhang katatapos lang maligo.
" Yeah, the one and only, are you expecting someone ba? " may pang-aasar sa tanong niya na yun. Alam ko naman kung anung pino-point out niya.
" Wala kaming relasyon ni Kintaro. "
" How can I assure that? Magaling kang magsinungaling Isabel, Magaling kang magtago. " Napabuntong hininga na lang ako as a sign of defeat, ayokong makipag-away sa kanya ngayon. My mind are occupied by works.
" I don't want to have an argue with you sa umagang 'to. Bahala ka kung ayaw mong maniwala. " saka ako pumunta ng kusina para mag-agahan.
" Wag mo akong titigan. " Inis na singhal ko sa kanya. Tahimik akong kumakain sa nung pumasok siya't nakatitig lang sa akin. I feel conscious sa mga titig niya na yun, idagdag pa na wala namang kaemo-emosyon ang mga mata niya.
" Binabantayan lang kita baka kontakin mo bigla yung hayup na Kintaro na yun at makipagkita sa kanya. " I rolled my eyes. Bakit ba napakaParanoid niya?! Kaagad naman na nag-Ring yung phone ko, pagtingin ko si Jus iyon. Bakit ba ang aga aga ay nakikigulo din 'to?!
" Hello. "
" Nasaan ka na ba? "
" Nasa bahay pa ako, Anu bang problema? "
" Kulang tayo sa gamit, dala ka naman bago ka pumunta dito. "
" Sige, text mo yung mga kailangan. Tatapusin ko lang 'to then pupunta na ako. "
" Makikipagkita ka sa kanya? " sinamaan ko siya ng tingin.
" si Jus ang kausap ko, tignan mo pa. " sagot ko saka inabot sa kanya yung phone. Nilayasan ko siya para magbihis.
" you still have cont-Fuck! " Nanlaki naman ang mata ko, Idagdag mo pa na wala akong mahila para takpan ang katawan ko. I'm still naked dahil pumipili ako ng susuotin ko! Bakit ba bigla bigla itong pumapasok ng hindi man lang kumakatok?!
" Lumabas ka nga! " imbes na gawin ay nagpamulsa siya tapos sumandal sa pader. He’s smiling like a maniac.
“ Dionysus! “ I hissed again. Hindi ko alam kung paano tatakpan ang sarili ko. Namumula na ako bakit ko ba kasi iniwan sa banyo yung towel saka robe ko.