OMM-II

1.9K 66 1
                                    


-------------

Umiwas ako ng tingin pati ng direksyon nang dadaanan ko noong makita ko iyong anak ng amo namin. Si Ms. Therese, naalala ko kasi noong huli ay sinabi niya na huwag akong lumapit sa kanya, maybe she's still mad at me sa mga nagawa ko, kung hindi ba naman ako pariwara sa mga ginagawa ko. Hindi ko naman sinasadya iyon dahil natataranta lang talaga ako tuwing nakakaharap ko siya. Bukod sa nahihiya ako dahil nakita niya akong walang suot doon sa banyo niya, ay amo ko rin siya. Idagdag pa na may kung anu sa kanya na humihigop sa katawan ko, siguro ganun talaga iyong aura ng mga mayayaman---Nakaka-intimidate. Dalawang linggo ko na siyang iniiwasan, mas malayo sa kanya at mas malayo sa gulo. Nakakatakot pa naman na matanggal dito dahil mawawalan ako ng ipon na ipang-aaral ko sa Kolehiyo.

Nanlaki naman ang mata ko sa nakabunggo ko, Tss! Lapitin talaga ako ng disgrasya!

" Miss Therese, sorry po. " nakatungong hinging paumanhin ko sa kanya. Nakakaasar talaga ang palagi kong pagkakamali sa direksyon.

" Sorry po, hindi na po ulit iyon mauulit. " then I find my way para makaalis sa harapan niya. Ayokong humarap at salubungin ang mga tingin niya, pakiramdam ko kasi ay malulunod ako.

" Kairos. " Natigilan naman ako. Tama ba yung naririnig ko? Tinatawag niya yung pangalan ko?

" Kiann Kairos. " I took a glance on her and she was smiling. Natigilan ako, bukod sa hindi usual ang ngiti na yun ay ang ganda ganda niya pala lalo kapag nakangiti.

" Bakit po? " hindi ko pinahalatang kinakabahan at nanginginig ako. She's so intimidating para siyang may black hole na anytime ay hihigupin ako.

" Sorry. " Mabilis namang kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ilusyon ko yun o nabibingi ako.

" P..Po? " humagikhik naman siya saka hinawakan ako sa pisngi. Hindi ko na nga nagawang gumalaw dahil ang lambot-lambot ng mga kamay niya.

" your so cute. " she whisper then bumitaw na. Mabilis itong naglakad patalikod at iniwan akong nakatulala lang habang nahawak sa pisngi ko. Ilusyon ko lang ba yun dahil nagugutom ako ngayon?

*********

" Hi. "

" Miss Therese. " bulalas ko. Ibinaba ko yung hawak kong gunting sa damo dahil baka may magawa na naman akong aksidente.

" you looked surprise? May kagulat gulat ba sa akin? " mabilis naman akong umiling, Kagulat gulat yung kagandahan niya. Sobrang blooming niya kasi without applying a make-up ata ang tawag doon.

" Anung ginagawa mo? " tumungo pa siya dahilan para mas lumapit yung mukha niya sa akin. Napalunok naman ako dahil talagang kakaiba yung mga kilos niya, nakakapanibago. Unang dating niya dito ay napakasungit then suddenly para na siyang anghel na mabait--- anghel naman talaga siya lalo na ngayon na malapitan ko siyang nakikita. Miss Therese have an aura na pangbeauty queen, she have a wavy hair and sobrang ganda ng mukha niya lalo na ang mga mata niya. It was deep and expressive. Napamura ako dahil mali ang ginagawa kong paglalarawan sa kanya.

" Namumula ka. " nakangising tudyo niya. Napaiwas naman ako nang tingin sa kanya.

" Sa init lang po siguro iyon ng araw. " sagot ko, alangan namang sabihin ko na nabibighani ako sa kagandahang taglay niya, malaking gulo iyon.

" siguro nga, I’d noticed that you had a fair skin. May foreign blood ka ba? " napalunok naman ako nang titigan niya ako sa mata. Iyon na naman ang pakiramdam na nakakalunod. Kakaiba talaga ang mga mata niya.

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon