THERESE MARIE
" Mommy! " bulalas ni Thalia pagpasok niya ng bahay, she was holding a lot of paper bags. Tuwang tuwa ang mga mata nito habang binubuksan ang mga dala niya. Kulang na lang ay magpatayo kami ng Toy store sa ginagawang pagSpoil ni Kairos sa kanya.
" No hugs for Mommy? Ikaw ha, binigyan ka lang ni Daddy nakalimutan mo na ako. " nakasimangot kong sambit sa kanya. Binitawan naman nito lahat ng hawak niya saka tumalon sa akin.
" I love you, Mommy. " bulalas niya saka naglambitin sa akin. Hinagkan ko naman 'to sa pisngi niya.
" Nasaan ang Daddy mo? " I asked her dahil lagi kong hindi naabutan ang ama nitong anak ko. I always wake up sa text niyang kasama na nito si Thalia at nasa Metro na sila nagBo-bonding then uuwi sila pero anak ko lang sumusulpot sa pintuan. For three weeks ganun ang set-up naming dalawa, hindi ko siya nakikita o nakakausap man lang. Huling kita ko sa kanya ay noong may nangyari pa sa amin ang dalawa. Gusto ko na ngang isipin na iyon lang ang habol niya sa akin, na nakuha na nito yung gusto niya kaya hindi na magawang makausap pa ako.
" Umalis na po siya Mommy. May aasikasuhin pa po kasi si Daddy. " saka siya humagikhik, tipid akong ngumiti saka ibinaba na siya para makapaglaro.
" Mommy! " sigaw niya saka may inabot sa akin na maliit na box.
" anu 'to? " I asked dahil mukhang nahalo sa mga laruan niya.
" bigay ni Daddy Karrot, hindi ko po alam kung anu. " sagot niya saka ibinalik na yung atensyon niya sa paglalaro.
Binuksan ko yung maliit na box and it was a pair of earrings, imbes na matuwa ako ay gusto kong ibalik 'to at isapak sa mukha niya. Naiinis ako sa kanya, naasar ako sa mga ginagawa niya. Sinabi niyang mahal niya ako, sinabi niyang babawi siya sa amin at sinabi niyang miss niya ako pero matapos niyang makuha yung gusto niya parang bula siyang nawawala sa isang iglap. Pabigay-bigay na lang nitong mga bagay na akala mo masusuhulan ako sa mga ginagawa niyang pagtakas.
" Ibalik mo 'to sa Daddy mo. " saka ko inabot sa kanya, Thalia look at me with confusion.
" Ni-away kayo ni Daddy. Luuh, bakit po? Dapat lagi kayong bati. " napasimangot naman ako.
" Itanung mo dyan sa magaling mong ama, hindi man lang niya magawang magpakita sa akin kapag susunduin o ihahatid ka man lang. " lumapit naman ang anak ko saka niyakap ako.
" Ni-busy lang po siguro si Daddy Karrot. Kapag nagkasama po kami ulit sasabihin ko po na mag-talk kayo like po noong nasa top ka niya. " nanlaki naman ang mata ko't namula. Oh my god, bakit sa lahat ng pwedeng maalala ni Thalia na pag-uusap namin nung ama niya ay yung bagay pa na yun?!
" Hayaan na natin iyong Daddy mo. Masaya naman tayong dalawa na magkasama e. " sambit ko, ngumuso naman ito saka umiling.
" Nah, mas masaya pa rin po kapag kasama natin si Daddy, para po one big happy family po tayo! " saka siya humagikhik at nagtatatalon. Napailing na lang ako dahil mukhang walang balak naman iyang Daddy niya na maging one big happy family kaming tatlo. Can't he wait na sagutin ko na siya na-ready na kaming sumama sa kanya sa Metro. Tutal maayos na ang lahat, we're already safe from Rex, I heard na in comatose pa rin 'to. We just need time to cope up, kaya nga pinapahiram ko sa kanya si Thalia para masanay na sa Metro and kapag ready na ang anak namin ay sasama na kami sa kanya. Mahal ko siya and handa na akong makasama siya pero dahil sa ginagawa niya ngayon, gusto ko na lang umatras at batukan na lang talaga si Kairos.
I was holding our engagement ring na ibinigay niya noon sa akin nang may itim na van na pumarada sa harap ng bahay namin, noong una ay nagtataka ako kung sino pero laking gulat ko ng kuhain nila si Thalia.