Icarus Benedicto
"What's wrong with you Jhoana?!" naguguluhang asik ko sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan ang timpla nito, kanina niya pa ako hindi pinapansin sa hindi malamang dahilan."Hey, look at me!" sambit ko at pinipilit na pakalmahin ang aking sarili, pilit ko na lamang iniintindi ito dahil baka may buwanang dalaw siya.
"Icarus, please." mababanaag sa boses nito na parang hirap na hirap siya, kung anung dahilan? iyon ay di ko din alam. Kagagaling ko lang kasi mula sa conference sa Bacolod kung saan ako ang pina-attend ni Daddy as his representative. One week kaming hindi nakapag-usap kaya nagtataka ako kung bakit ganito siya makitungo, hindi ba siya nangulila sa akin?
"Look, Hon. I'm sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sayo bago ako umalis. I'm on rush, si Daddy kasi pabigla-bigla. Isa pa, alam ko naman na masyado kang busy para sa art masterpiece mo." masuyong pagpapaliwanag ko sa kanya. Dahan-dahan akong umusog palapit sa kanya at niyakap ito patalikod, marahan kong hinagkan ang mga buhok niya. I really found my home kapag nasa mga bisig ko siya. God knows, how much I missed her. Those sleepless nights make me insane and now that I'm with her again, I guess I brought my sane back again.
"Don't you miss me?" I asked her, bumuntong hininga ito saka humarap nang maayos sa akin. Ngiting ngiti naman akong sumalubong sa kanya pero hindi iyon naging dahilan para mapangiti ko ang aking mahal, ni hindi man lang nga umabot sa mata nito ang kanyang ngiti.
"Don't you miss me, Hon?" pag-uulit ko na may himig ng pagtatampo. I found my home but I guess yung agam-agam niya ay hindi mawala.
"I miss you too, Icarus." sagot niya pero I can't see to fondness in her eyes.
"Kiss me." I said with conviction. Tumingin lang naman 'to sa akin na parang naguguluhan, so I grabbed her and claimed ger lips in a passionate way. Ninamnam ko ang labi nito na parang iniibsan ang pangungulila na bumalot sa akin sa nagdaang linggo, hindi naman ako nagkamali nung tumugon ito sa aking halik at ikinawit pa ang kanyang mga kamay sa aking batok. Mas lalo ko siyang inilapit sa akin kung saan wala nang espasyo na namamagitan sa aming katawan. Humiwalay lamang kami sa isa't isa noong hindi na kami makahinga, halos umabot naman sa aking tainga ang mga ngiti dahil ramdam na ramdam ko ang pagka-miss niya.
"Do you want to continue it, inside?" pilyong tanong ko sa kanya, napabuntong hininga naman ito at umiling.
"Magtigil ka nga, Icarus." namumulang tugon nito sa akin.
"I know you miss me a lot, kung alam ko lang na halik ko lang pala ang magpapawala sa pagiging moody mo ay kanina pa kita sinunggaban."
"Icarus!" bulalas nito at nanatiling namumula na parang kamatis.
"I love you, Jhoana." masuyong sinabi ko sa kanya, hinuli ko ang kamay nito at marahang hinalikan habang hindi pinuputol ang nakakatunaw kong tingin sa kanya.
Matagal naman niya akong tinitigan, hindi ko alam kung dahil naiilang siya sa titig ko o may malalim pa na dahilan.
"I love you too, Icarus."Muli kong inangkin ang mapupulang labi nito, muli siyang hinapit para maramdamanan ang singaw ng init na nagmumula sa katawan nito hanggang sa hindi ko na napigilan at inangkin ko na din siya. Pakiramdam ko ay napunan ang pagkukulang sa sarili ko noong maging isa ang aming katawan. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa aming katawan na rin ang napagod.