----------
" Oh my god! " sigaw ko, hindi ko alam kung anung gagawin ko dahil nakakita ako nang lalaking hubad sa harapan ko. kagigising ko lang and dumiretso agad ako sa banyo dahil sa naririnig kong pagragasa ng tubig and ito ang sumalubong sa akin. Hindi ko naman akalain na 'to ang bubungad sa akin-- a naked man na naliligo!
" Anung ginagawa mo dito?! " He asked saka kinuha yung towel sa tabi niya para takpan yung katawan niya.
I arched my eyebrows.
" I should be the one asking you, this is my room and bakit ka nakikiligo dito?! Magnanakaw ka ba! " Nagsisigaw ako dahilan para mataranta siya.
" Oh my god! " sigaw ko nang magbihis siya sa harapan ko, asan ba ang manners ng taong 'to?!
" Huwag kang tumingin! " he hissed saka tumalikod, namumula ko namang iniwas yung paningin ko pero sumilip din ng kakaunti. Napangiti ako, Infairness. Maganda ang hubog ng katawan niya, well-built na parang batak na batak sa trabaho hindi mo rin maikakaila na may itsura siya. He's tall and has a fair skin, medyo mahaba ang buhok niya and I guess may lahi siyang banyaga dahil na rin sa mata niya. I don't know him dahil bago lang ako dito sa Batangas, ipinatapon ako nina Mommy dahil bakasyon ko.
" Anung nangyayari dito Miss Therese? " bulalas ng mayordoma namin sa bahay si Nanay Amelia. May mga katulong din na nasa likod niya.
" may nakapasok sa bahay especially sa banyo ko. " reklamo ko, first thing kasi na ayaw ko ay may nangingialam o pumapasok na lang basta. Sinilip naman iyon ni Nanay and good thing ay nakabihis na siya. Simpleng shirt and rugged pants pero ang gwapo pa rin, I wonder kung trabahador namin siya dito sa bahay.
" Ay jusko, Kairos! Bakit dito ka naligo? Nasa kabilang kwarto yung banyo ng mga katulong. " saway ni Nanay sa kanya. Napahawak naman ito sa batok niya't humingi ng paumanhin dito. So Kairos ang pangalan niya? Hindi naman sounds pangmahirap, more of Greek pa nga.