MARIA LINA ISABEL
HANGIN
Iyon ang trato sa akin ni Dionysus sa dalawang linggong pagsasama namin sa bahay. He always act na parang wala ako sa paligid niya. He always act na hindi ako nahge-exist sa buhay niya at ang sakit sakit ng pakiramdam na iyon dahil nasa iisang bahay lang kami pero pakiramdam ko wala akong kasama. Nasa iisang bubong at kama kami yet I felt lonely sa trato niya. Hindi ko na nga siya tinanung noong nawala siya sa reception, kahit nung umaga na siya nagpakita sa suite namin. Hindi siya nakarinig ng kahit anu dahil ayaw kong sirain ang unang araw ng pagiging mag-asawa namin at nagpapatuloy yun hanggang ngayon. Masakit at nakakapandurog ng puso pero wala kong karapatang magreklamo. Wala akong karapatan.
---------------------------
“ kumain ka na Dion.” Yaya ko sa kanya sa hapag kainan, inayos ko na ang mga plato at kubyertos siya na lang ang hinihintay. Nagluto ako ng mga paborito niyang ulam, pinagtyagaan ko rin na matutunan yung dessert niyang leche flan. Alam ko kasi na pagod siya sa trabaho niya kaya gusto ko na pag-uwi niya ay may madadatnan siyang ganito. Nabanggit din kasi ni Madeleine na dinadagsa ang law firm nila ng mga taong maraming hustong ihain at ikonsulta na kaso sa kanila. I believe dahil parehas silang magaling at ang goal nila ay tumulong talaga kaya sinuswerte sila.“ kumain na ako. “ mas malamig pa sa aircon dito sa bahay ang boses niya. I missed the old Dionysus kung saan lalambingin ka niya para paglutuan mo siya. Maglalambing siya para subuan mo na parang bata.
“ Maybe you should try to eat kahit kakaunti lang. “ pagpipilit ko. Tikman man lang niya yung efforts at luto ko.
“ kumain na nga ako Isabel! Anu bang hindi mo maintindihan doon?! “ he hissed. Nagulat naman ako sa pagtataas niya ng boses. Tinatanung ko lang naman siya. He doesn’t need to shout at me. Maybe he realized na sumigaw siya kaya napailing ito at napabuntong hininga.
“ magpapahinga na ako. “ paalam niya. Hinayaan ko naman siya at pinagmasdan na lang na umakyat sa itaas. Tinitigan ko yung pagkain, paano ko uubusin ‘to? Alam ko namang mangyayari ‘to and yet nagluto pa rin ako. Umasa na naman ako na baka.. baka lang naman sumabay siya sa pagkain. Simula kasi ng lumipat kami sa bahay na ‘to ay walang pagkakataon na nagkakasabay kami. Tuwing agaha, maaga siyang umaalis para pumasok. Kung malalate man siya ay nagmamadali na ‘to kaya nawawalan din ito ng oras para kumain pa. Wala naman akong tuwing tanghalian dahil na rin sa shop na inaasikaso namin ni Jus. Minsan lang ako umuwi ng maaga sa tuwing gabi kaya minsan ko lang siya nagagawang ipagluto and yet nangyayari pa ‘to. Sinubukan kong ubusin yung kaya ko lang at marami pa rin talagang natira. Wala kaming aso at lalong wala akong kakilalang kapitbahay na pwedeng pagbigyan nito.
The doorbell rang at iniluwa nun ang mga kaibigan niya minus Kairos.
“ good evening! “ bati sa akin ni Maddie. Nakasuot pa siya ng lawyer attire niya at mukhang dumiretso na agad dito.“ anung ginagawa niyo dito “ takang tanung ko. Deann smiled widely. Nakakatakot iyon dahil mukha siyang manyak sa kanto.
“ naamoy kong may pagkain kaya dumiretso na kaagad kami dito. “
“ Patay gutom! “ komento ni Icarus sa tabi niya. Mukhang may balak silang magbangayan kaya pinapasok ko na sila. Pagdating namin sa loob ay naghain na ako ng pagkain para sa kanila. Pahglapag nun ay saglit lang silang nagdasal at kumain na. Napapangiti na lang ako dahil mukhang tuwang tuwa naman sila sa pagkain kahit papaano ay may nakaka-appreciate ng luto ko.
“ ang galling mong magluto Isabel, Masarap! “ Maddie commented na nagpataba sa puso ko. I offered her na minsan ay tuturuan ko siya at pumayag siya.