OMM-XVIII

2K 74 20
                                    

KIANN KAIROS

" do you have any idea kung saan siya nagpunta? " tanong ko sa mga tauhan ko, ilang linggo pa lang mula nang pagkakalabas ko galing sa presinto ay ang paghahanap ko na kay Therese ang inatupag ko. I really need to find her, hindi na ako mag-aaksaya ng panahon para sa amin dalawa. Masyado nang mahaba ang apat na taon para mawala siya sa akin at ayaw ko nang madagdagan ang bagay na iyon.

" gagu ka ba! Kami ba ang lagi niyang nakakasama nitong nakaraang taon?! " asik ni Ignatius sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Siya lang ang kasama ko ngayon pero the rest of the gang we're doing their best para sa mga contact nila.

" Joke lang. " bulalas niya sa akin. Ignatius got a lot of contacts dahil na rin sa piloto ito. Idagdag mo pa na kabisado niya rin ang mga navigations kaya wala akong choice kundi umasa sa kanya.

" baby, magiging kabit kita kapag nahanap natin si Therese ah. " nakangisi niyang sambit, itinaas ko naman yung middle finger ko dahilan para humalakhak siya.

Napabuntong hininga ako, kung kinakailangan na ubusin ko ang lahat ng aking pera ay gagawin ko, mahanap ko lang siya--- sila.

**********

It's been three days ang lumipas and wala pa rin akong balita tungkol kay Marguerette, hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong mahahanap ko siya, makikita ko siya at magkakasama kaming muli, dahil doon ay nagHire ako ng mga tao kung saan lilibot sila sa buong Pilipinas para hanapin ang babae nangngangalang Therese Marie Marguerette Gaston sa kahit saan mang lupalop ng bansang ito, kahit sa kasuluk-sulukan at eskinita, kung kinakailangan na baliktarin ko ang mga lupa, tubig at isla ay gagawin ko. Nandito lang naman siya dahil walang records na lumabas siya ng bansa, kahit yung illegal na paglabas pinatos ko na rin para masigurado na nasa inang bayan lang siya.

" Huwag kang mawalan ng pag-asa baby, mahahanap natin iyang lovelife mo. Maliban na lang kung naging sirena siya at nasa ilalim na ng tubig. " tinapik-tapik niya pa iyung braso ko saka tumango-tango.

" gagu. " asik ko sa kanya pero nagpasalamat sa tulong niya sa akin samantalang noon ay halos patayin niya ako.

" mahahanap natin si Marguerette. Sigurado ako doon, wala akong pakialam kung ayaw niyang magpahanap dahil gagawin ko ang lahat, baliktadin man itong Pilipinas mahagilap ko lang siya. I'll conquer anything and everything, mahawakan lang ang kamay niya't mahagkan ang labi nito. " punong puno ng determinasyon ang boses at paniniwala ko.

" kapag nakita mo siya, makipagWelcome make love ka na agad-agad. Iparamdam mo sa kanya kung paano mo siya namiss. Iparamdam mo kung gaano mo siya kamahal. Once na nahawakan mo na ang mahal mo, higpitan mo ang hawak yung kahit na nakakasal na, hawakan mo siya na parang siya na ang mundo mo at halikan mo siya na parang walang bukas. Tell to her na hindi mo na siya hahayaan na bitawan ulit ang kamay mo. " Ignatius eyes sparkled na parang binabalikan ang alaala niya. Tumango ako't sumang-ayon sa mga sinabi niya.

" I will. " sambit ko saka inakbayan siya.

Kapag nakita ko si Marguerette gagawin ko ang lahat wag lang siyang muling mawala sa akin but of course gagawin ko yun sa paraan na kalmado at hindi siya masasaktan.

I decided na maggala-gala sa Airport para maghanap, although sinabi naman na ni Ignatius na walang record ng pag-alis ni Marguerette. Nagikot-ikot ako at nagbabakasali nang may mabunggo ako, nanlaki naman ang mata ko nang makilala ko kung sino 'to.

" sht, Pauline Marie Monique?! " bulalas ko, then I offered my hand para tulungan siya. Nung makatayo ito ay inirapan niya ako't nakatanggap ng batok mula sa kanya.

D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon