C-I

7.9K 102 5
                                    

LIHIM kong pinagmasdan si Isabel habang nakatitig siya sa mga bituin sa langit. Unti unti ay sumilay ang mga ngiti sa labi ko.

Siya na..
Siya lang..

Mga salitang pumasok sa isip ko. Alam kong siya na at siya lang ang natatanging babae na gustong makasama sa buhay ko. Siya lang ang gusto kong nasa tabi ko hanggang sa pagtanda. NapakaKorni man at Kaswal na pakinggan pero alam kong siya na ang Kasalukuyan at Hinaharap ko.


" Matunaw naman ako. " Nakangiting bulalas niya, Doon ay napagtanto ko na sobrang tagal na akong nakatitig sa kanya, Hindi kaya may tumulong laway na sa mga labi ko?


" Mahal kita " bulong ko saka pasimpleng hinawakan ang mga kamay niya.



" Mahal din kita. " masuyo niyang sagot dahilan para magwala ang dibdib ko. Malinaw pa rin sa isipan ko kung paano ko naramdaman ang bagay na 'to sa kanya, Kung paano nagbago ang tingin ko at hindi na lang siya bilang isang kababata o kaibigan sa akin. Yung tipong hindi na lang siya yung batang madungis dahil laging kumakalat ang sorbetes na kinain niya sa kanyang damit. Hindi na lang siya yung batang babae na pilit akong kinukulit para maglaro. Sa isang iglap ay biglang nakita ko na lang siya bilang isang babae na dapat mahalin at alagaan.

------------

" Isabel? " kunot noong tanong ko sa magandang babae na nasa harapan ko. Nakabawi ako mula sa matagal na pagkakatitig at pagkamangha sa kanya, Nung nagsalita siya ay halos magulantang ako, Baka kasi nagkakamali lang ako't magkaboses sila ng Kababata ko.


Tumango siya't sumimangot.

" Maria Lina Isabel. " Nanlaki naman ang mata ko na parang mindblowing ang pangalan na yun. Ibang iba kasi siya ngayong araw, nakaPostura at pormal ang suot na pananamit samantalang Ililibre ko lang naman siya dahil mas mataas ang marka na nakuha niya sa exam namin.



" Wag mo akong titigan ng ganyan Dionysus Matteo! Sabi kasi ni Mommy ay umayos na daw ako dahil dalaga na ako. Gumalaw na daw ako na naayon sa edad. " Napanguso naman ako.



" Hindi ka nga marunong bumili ng sanitary napkin mo. Kailangan pa kitang dal- " Nakatanggap naman ako ng batok sa kanya.


" Sira! Marunong na ako! " Nagkibit balikat lang ako.



" Tsk, Oo na lang! Tara, Nagugutom na ako. " saka ko siya hinila.

*************

" May dumi ka sa gilid ng labi mo. " sambit ko habang nakatitig sa kanya, sa mga titig na yun. Alam kong may namumuo ng kakaiba. Kakaiba na alam kong gusto ko, Gusto kong magpasakop at palalimin pa 'to. Hindi pa rin ako makapaniwala na may tinatagong ganda si Isabel although magulo pa rin siya kumain ng Ice cream.



D.A.R.K SERIES ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon