"What?" Nangangalaiting sigaw niya sa kanyang katrabaho. Ang aga-aga ngunit umiinit na ang ulo niya. Kung bakit kasi tatanga-tanga ang ibang kasamahan niya. Nakakabobo."Are you a fcking idiot?! Why did you do that? Ipapasa na yan mamaya kay Boss!"
"Eh-Kasi nakalimutan ko,Ella." Kakamot-kamot lang sa ulo na sagot nito na lalong ikinahighblood niya.
"Eh kung kalimutan ko na kaya na nag eexist kapa sa mundo?! Bullshit!" She cursed out loud that made the poor guy walked backwards. "Get out of my sight!"
Naiinis at pabagsak na naupo siya sa upuan. Tamang-tama naman na papasok ang nakangiting si Krizzia.Nawala ang ngiti nito at taas-kilay na lumapit sa kanya.
"Ang aga-aga eh nakabusangot ka.Anong problema mo?" Anito nang makalapit sa kanya.
"You looked ugly." Aniya na nagpausok ng ilong nito sa inis.
"Aba't di naman tama na ako ang awayin mo Ella sungit! Kakarating ko lang kaya!" Sambakol ang mukha na anas nito at bumalik na sa cubicle nito.
"Tss." Inis na ibinaling nalang niya ang atensyon sa kanyang ginagawa. Pilit na winaglit sa isipan ang inis at galit na nararamdaman.
Dumagdag pa ang bwisit na lalaking iyon! Ang kapal ng mukhang titigan siya! Bakit kasi magkaibigan pa ito at ang boss niya? Nakakairita ang hinayupak!
Panget pa naman!It was past five in the afternoon and she's ready to go home. Bitbit ang bag ay dumiretso na siya agad sa parking space. Malapit na siya sa kanyang sasakyan nang makasalubong niya ang lalaking naging dahilan ng pagkulo ng kanyang dugo. Nakaabrisyete sa magandang braso nito ang pinakapanget na atang babae na nakita niya sa buong mundo. Yuck! Nakakasuka!
Nang magtama ang kanilang mga mata ay buong puso na inirapan pa niya ito. Napansin pa niya ang pagkunot ng noo nito. Hmmp. Serves him right. Magbibitbit lang naman ng babae, yung ang panget-panget pa!
Malakas na isinarado niya ang pinto ng sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon pagkatapos businahan ng pagkalakas-lakas ang dalawang malande na naglalakad. Napapitlag pa ang mga ito at napakalas sa isa't isa. Buti nga. Hindi niyo kasi hinihigpitan ang pagkakahawak. Nakawala tuloy. Parang lovelife niya. Nawala tuloy parang bula.
Napaismid siya at mabilis na nagdrive at dumiretso sa Italianni's. May family dinner kasi sila at bawal ang malate. Ayaw naman niyang masermunan naman. Ang tanda na niya para doon eh!
She left her key at the valet and walked towards the door. Poker-faced at nakataas ang kilay na tinitigan niya ang magsyotang may plano pa atang gawing motel ang daanan. Nakakasira ng gabi.
"Get out of the way! Ikiskis niyo yan sa pader." Walang habas na saad niya na nagpagulantang sa dalawa. Nanlalaki ang mga matang tumabi ang mga ito at hinayaan siyang makadaan. Dinnertime palang hindi sexytime. Ang babastos! Napaismid siya at nagpatuloy sa pagpasok sa restaurant.
"Miss Elle?" Anang waiter na nakasalubong niya.
She raised her brows at him.
"How did my mother describe me to you?" Aniya na nagpawala ng kulay nito sa mukha.
"Ah-eh..Kasi ano.."
Hindi mapakali at halatang kinakabahan na saad nito.Nakakatakot ba siya?
Mukhang hindi naman diba?
"What?"Pinasingkit niya ang mga mata at tinitigan ito ng masakit na ikinaatras nito. Ang gago. Bakla naman.
"Sabi niya matangkad po na parang modelo,maganda at mataray ang mukha at mukhang kalaban ang tingin sa lahat ng madadaanan." Mahina ang boses na sagot nito habang nakangiwi.
Her lips twitched at his answer. She scanned the places and looked for someone who looked like how her mother describe her. She rolled her eyes. Walang kapareho ng deskripsyon niya. Mukhang santa-santita ang lahat ng diners maliban sa kanilang dalawa ng mommy niya.
Napatango nalang siya dito at tahimik na sumunod nang maglakad ito papunta sa bandang gilid ng restaurant.
Napatikwas ang kilay niya nang mapagmasdan kung sino ang kasama ng mommy at daddy niya. Walang iba kundi ang mahadera niyang pinsan kasama ang manyak nitong boyfriend.
Seryoso ang mukha na lumapit siya at humalik sa pisngi ng mommy at daddy niya. Plastik na ngumiti lamang siya kay Amber. Ayaw niya kayang makipagbeso dito. Baka mahawaan pa siya ng virus nito at ng boyfriend nito.
"You didn't even bother to change, Elle?" Anang mommy niya pagkaupo palang niya. "You looked poor with your uniform." Napansin pa niya ang pagngisi ng malditang pinsan niya.
"Mom,I looked gorg with whatever I wear. Right, daddy?" Nakangiting binalingan pa niya ang kanyang daddy na natatawa lang sa tabi niya. "Di gaya ng iba diyan. Magdamit man ng versace o D & G mukha paring basahan." Pasaring niya na ikinadilim ng mukha ng pinsan niya.
Nakangising tiningnan niya ito at nagsimula ng kumain. Mamaya na siya makikipag-away. Sayang ang foods sa mesa.
"Tita,where is Elle's boyfriend by the way? I bet she doesn't have one." Anang Amber habang hawak-hawak ang kamay ng boyfriend nito na parang iniinggit pa siya.
Wala naman epek sa kanya. Ang pangit nilang tingnan na dalawa. Isang baboy at isang asal-aso.
"Aww..interesado ka, Amber?" She pouted her lips and smile. "Don't be. Hindi bagay sayo. Problemahin mo nalang ang hitsura mo. Huwag na ang boyfriend ko,okay?"
"Tita!" Padabog na napatayo ito at itinuro siya. "Ang sama-sama talaga ng ugali ng anak niyo! Kanino ba iyan nagmana?"
"Kay mommy siyempre. Alangan naman kay daddy,diba?" Natatawang sagot niya habang umiinom ng white wine.
"Elle!" Nandidilat ang matang saway ng mommy niya na ipinagkibit niya lang ng balikat.
"Huwag niya kasi akong inuunahan mommy. Matatalo lang siya. Mana kasi ako sayo. Kung ikaw ba ako,papayag ka?"
"Of course not!" Her mom answered."You go home first, Amber. Bring your boyfriend with you." Baling ng mommy niya sa kanyang pinsan na pulang-pula na ang buong mukha. Hindi niya alam kung sa hiya ba o sa galit nito sa kanya.
"Goodbye,Amber. Mag-iingat kayo,okay?" Ngiting-panalo na saad niya. Kumaway-kaway pa siya dito na parang beauty queen.
"Uggh! I hate you talaga,Elle! May araw ka rin sakin!" Galit na dinampot nito ang bag nito at kinaladkad ang boyfriend nitong kanina pa ata nastarstruck sa kanya. He couldn't blame him though. Nakakastarstruck naman talaga ang gandang taglay niya. Nakakastroke pa nga eh!
She gave her a flying kiss and waved her goodbye. Pikon talo.
Elle -1
Amber - 0
~~
AN:
Click the ★ and hit comment.
Thank you!
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.