Chapter 23

56.1K 1.2K 29
                                    

Nasa isang grocery store siya noong araw na iyon. She needed to buy her stocks on her own condo unit. Her mom and dad already agreed to let her be independent this time. She's already old anyway. Dapat nga pagkatapak niya ng labingwalong taon bumukod na siya sa pamilya niya kung hindi lang masyadong naging OA ang mommy niya. Naiiintindihan niya naman kung bakit ayaw siya nitong payagan na bumukod. Nag-iisang anak siya. Baka mabaliw pa ang mommy niya kung walang anak itong sinisinghalan.

She's making her way to the veggies section when someone bumped on her. Her face scrunched with annoyance and irritation. Sa lahat pa naman ng ikinaiinis niya ay yung binabangga siya. Sa taas niyang ito. Imposibleng hindi siya mapansin. Well, maliban nalang kung bulag ang makakabangga sa kanya. Akmang sisinghalan na niya ang taong nakabangga sa kanya nang biglang manlaki ang mata niya ng makilala ito.

The fck!

What a small world indeed! Ang pagkakataon nga naman. It's been how many years since they last saw each other. She smirked. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa nito. Wala naman itong ipinagbago. Mukhang santa parin sa ganda ang mukha nito. Looks can really be deceiving.

But her brows knotted when she noticed a small hand on her side. Nakakapit sa damit nito ang isang batang lalaki habang nakasimangot. How adorable! The fudge! She didn't say that, did she?

"E-Elle!" Anito habang nakatitig sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala na nasa harapan siya nito.

"Angela." One word. One name. And she sounded so off. Who wouldn't be? Siya lang naman ang naging dahilan kung bakit nagkandaletse-letse ang buhay pag-ibig niya.

"I-can we talk?" Puno ng pagsusumamo ang boses na saad nito. "Please?"

"Honey?"Anang isang gwapong lalaki na biglang tumabi kay Angela. He has the aura and a face of a bad boy. He looked intimidating.

"Da-da." Agaw-pansin ng batang lalaki habang inaangat ang kamay nito sa hangin. Mukhang gusto na nitong magpakarga.

"Hello, baby boy! Did you missed, daddy?" Agad na binuhat nito ang anak na tawa ng tawa habang nilalamukos ang mukha ng ama nito. Tss. How can he laughed like that? Nakakatakot kaya ang ama nito.

Binalingan niya ng tingin si Angela at nakitang titig na titig ito sa dalawang tao na nasa tabi nito. Her love for them is palpable in her eyes. Napailing siya at agad pinapormal ang mukha nang bumaling ito ng tingin sa kanya.

"Can we talk, please?"

"Don't you think it's too late for that?" Aniya habang nakataas ang kanyang dalawang perpektong kilay.

"What is it, honey? Do you know her?" Sabat ng lalaki sa seryosong mukha. Napaiwas siya tuloy ng tingin dito. He really screamed danger. Saan kaya pinulot ni Angela ang ama ng anak nito?

" Yes, I know her honey. I'm just going to talk to her. You and baby Kei can roam around first." She said smiling as she kissed the baby and the guy's lips. Tumango lang ang lalaki ngunit iniwanan pa siya nito ng tingin na parang binabalaan siya. Napairap siya sa hangin. Mukha lang siyang maldita pero mas masama ang ugali ng ina ng anak nito noh!

"There's a coffee shop nearby. Maaari bang doon tayo mag-usap, Elle?" Anito sa mahinang boses. Halatang tinatantiya ang magiging reaksyon niya.

"Fine. Suit yourself." Aniya at sumunod sa paglalakad nito. Actually, she's trying to figure what changed in her. Her looks doesn't changed. But, she can tell that she's changed. Maybe, a bit. But she doesn't have to let her guard down. She doesn't want to commit the same mistake twice. Ayaw na niyang maging tanga na nagpapaniwala sa mga taong nasa paligid niya. For all she knows, they are just planning to ruined her. Ang dami pa namang naglilipanang inggetera sa mundo.

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon