Chapter 21

55.8K 1.1K 192
                                    


Tinatamad sana akong mag-update eh! Gusto ko sanang magsenti-senti muna dahil umuulan. Kaya lang ang kulit talaga ng iba diyan. 😂

You know who you are. 😁

~~

"Oh my God! Ba't ang lamya mo maglakad ha?! Bakla ka ba?!" Umagang-umaga ay tungayaw niya sa isang modelo na biglang namutla dahil sa binitawan niyang mga salita. Kanina pa mainit ang ulo niya pagkatapak niya sa agency niya. Paano kasi, nauna pa siyang dumating sa mga modelo niya. Walang mga work etiquette.

"I'm sorry, Miss Elle." Nakangiwing nagbaba ito ng tingin na lalong ikinainit ng ulo niya.

"Raise your head up and stand straight. I'm still talking to you!" She shouted making all of them stand firm and composed. As much as she doesn't want to shout or curse, she just can't filter what's going out of her mouth when she's this angry.

"Elle, ang wrinkles. Mamaya ako ang pagalitan ng mommy mo kapag umuwi kang mukhang matanda." Mahinang awat ni Patty na kanina pa nakatakip sa tenga ang dalawang kamay.

Inis na binalingan niya ito ng tingin habang nakataas ang kanyang dalawang kilay. Nanlalaki ang matang napaatras ito nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. Tss. Napailing nalang siya at muling binalingan ng tingin ang mga modelong kanina pa tahimik sa harapan niya.

"Ayusin niyo ang paglalakad niyo. The show will be in less than a month from now. Do you want to be a laughing stock in front of those people huh? Dahil ako?" Aniya habang nakaturo pa sa sarili. "Hinding-hindi ko gustong maging katawa-tawa sa harapan nila. Do you even love your job? If you do, then do your best. You can all go now. Continue your rehearsal." Mahabang litanya niya bago tumalikod at dumiretso sa opisina niya. Tahimik naman na nakasunod si Patty sa kaniyang likuran.

"Pat, you know what to do with them. Train them hard, please? I'm not confident that we can pull this off if they continue to be like that. I don't like their attitude towards work. They think it's just a joke. Well,its not funny for me." Aniya habang hinihilot ang sentido niya. Mahigit isang buwan palang mula ng bumalik siya ngunit sobra-sobrang stress na ang naging dulot niyon sa kanya. Ni wala na nga siyang social life. Pati pagbisita o pakikipagkita man lang sa mga kaibigan niya ay hindi pa niya magawa.

"Ibalato mo na sa akin to,Elle. You're too pressured that's why you're too stressed. Are you worried that Sabrina's fashion show will be much better than yours?" Anito na nagpaseryoso ng mukha niya.

Yes. Patty's right. She's too pressured. Ayaw niyang matalo siya ni Sabrina. Kahit noon pa man magkalaban na talaga sila. Halos sa lahat kasi ng bagay magkakaparehas ang gusto nila. Pati nga sa lalaki pareho pa sila ng gusto. Tss. Ewan ba niya. Pero feeling niya inggitera talaga ang babaeng iyon. Hindi talaga nagbabago. Ang sarap tuloy isaksak sa baga nito si Nathaniel. Magsama pa silang dalawa. Tatlo pala. Isama pa nila ang santa-santitang si Angela. Hinding-hindi niya uurungan ang mga ito. Ano siya bale? Talunan? Pangangatawanan na niya ang pagiging bitch at brat niya. Hmmp.

"Fine,Patty. I don't want any mistakes. Make sure that everything will be perfect." She answered while sighing. "I'll be out for now. I'll be meeting my friends. I missed them already."

"Okay,Elle. Just enjoy. You're a lot sexier and prettier than Sabrina anyway. You don't have to worry about her." Nakapilantik ang daliri na saad nito sa kanya. She grinned at him. That's what she likes about Patty. He's very honest.

"I know, right." Aniya at dinampot ang bag niya. Hinalikan niya ito sa pisngi at umalis na siya.
















Pagkarating niya sa The Queen ay ang nagtatawanang mga kaibigan niya ang nadatnan niya. Amanda is holding her five-month old son while Krizzia is eating. The latter looked so radiant and glowing. Her pregnancy looked good on her. Nakangiting nilapitan niya ang mga kaibigan na halatang nabigla sa pagdating niya.

"You're here! I thought you can't go see us. We should have waited for you." Anang Amanda habang mahigpit na nakahawak sa anak nitong nagsimulang maglumikot.

"It's okay, Amanda. Bawal gutumin ang buntis. Right,Kriz?" Baling niya sa kaibigang busy sa kinakain nito. Kaya ang taba na nito. Patay -gutom talaga ang mga buntis.

"Sorry, Elle. Hindi ka naman kasi nagsasabing makakarating ka kaya kumain na ako." Anito na puno ng pagpaumanhin ang boses. Okay lang naman talaga sa kanya. She wanted to surprise them anyway.

"It's fine with me,really. No worries,guys. Tumakas lang naman talaga ako sa trabaho."

"You looked stressed,Elle. Halata ang pagiging brokenhearted mo." Natatawang pakli naman ni Amanda na ikinasimangot ng mukha niya.

"I'm not that brokenhearted, Amanda. I'm stressed with work." She answered, brows raised as she called for the waiter. Nag-order nalang siya dahil hindi pa naman siya naglalunch. She's famished already.

"Sus. Hindi daw? Magsisinungaling ka pa ba sa amin, Elle?"

"Yeah. Your eyes are sad. You are not okay, Elle." Sabat naman ng buntis na walang tigil parin sa kakakain.

"You got pregnant and engaged. Nag-eenglish kana?" Natatawang pakli niya na ikinasimangot nito.

"Nakakatalino ang pagiging buntis,Elle.Try mo." Natatawa ding sabat ni Amanda.

"I don't need to be pregnant to be smart. I'm smart already." She scoffed as she started eating. Ang hirap talaga kapag ikaw nalang ang single sa barkda. Palagi ka nalang nabubully. Ang sarap talaga magkaroon ng kaibigan. Right?

"Sana nagpabuntis ka kay Nathaniel bago kayo nagbreak. Sayang din ang lahi nun." Anang Krizzia na nagpahagalpak ng tawa kay Amanda. Napatingin na naman tuloy sa kanila ang ibang tao sa loob ng restaurant.

Napaubo siya bigla dahil sa sinabi nito.Muntik pa siyang mabulunan. Gad! Akala niya katapusan na niya. Tinitigan niya ito ng masakit. Kunot -noong tinitigan lang siya nito pabalik.

"Are you going to kill me, Kriz?!" She said half-shouting.

"Of course not! Bakit ko naman yun gagawin? We're best friends kaya."

"Then why say those things?" Her face scrunched. "You almost killed me!" Napapailing na saad niya at uminom ng tubig.

"Wala namang masama sa sinabi ko ah!" Krizzia answered back,pouting. "At least kahit hindi kayo magkabalikan,may remembrance ka sa kanya."

Goodness! Ang sarap batukan ng kaibigan niya. Parang ang tino -tino ng suhestiyon nito kung makapagsalita. Paano ba natagalan ni BuenaFlor to? Nakakaloka!

"I won't do that, Kriz. I'm not that cheap." She answered as she rolled her eyes at her. "He's not the only handsome guy in the world anyway."

"Maybe he's not. But the question is, mahal mo ba gaya ng pagmamahal mo sa kanya?" Amanda butted in making her speechless. Napakurap siya at mapait na ngumiti sa kaibigan.

"I'll learn to love another guy, Amanda. Natututunan naman ang pagmamahal diba? It may not be that easy but I have to try, right?" Mahina ang boses na saad niya habang pilit pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa pisngi niya.

"You can cry if you want,Elle. Nandito lang kami para sayo." Malungkot ang boses na saad nito. Kahit si Krizzia na busy sa pagkain ay hindi naiwasang maging malungkot pagkakita sa hilatsa ng mukha niya.

She doesn't want to look vulnerable. Being Ella Eunice Mendez is far from being vulnerable. She never cried in public. She doesn't have plans to. That would be a big shame on her part. But her friend's words and their presence made her cry her heart out in public. She cried her pains, her anger, her disappointments. It's a first but it made her a lot better.

Hindi naman pala masama ang magpakita ng iyong kahinaan. It doesn't even made you feel less as a person. It actually made you grow up. Growing up in a sense that you were able to accept defeat, failures and heartbreaks. Acceptance is a must ika nga nila. That's true. When you start to accept things, you'll move on eventually.










~~

I just finished my reports.

Inaatake ako ng migraine ko. 😢

**

Click the 🌟 and hit comment.

OiBhabie

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon