Isang nakabibinging sigaw ang nagpalukot ng mukha niya. Gosh! Hindi talaga nagbabago ang dalawang kaibigan niya. Ang iingay parin. Magkasunod na lumapit sa kanya si Amanda bitbit na naman ang gwapong anak nito habang nasa likod nito ang bundat na si Krizzia. Nagmukha tuloy itong butete na naligaw sa mall. Ang taba na talaga nito.
Hinalikan niya sa pisngi ang dalawa habang pinanggigilan niya ang pisngi ng gwapong inaanak niya. Haisst. Sakit ng ulo din ito paglaki nito. Huwag lang sana itong gumaya sa daddy nitong mahilig sa malalanding babae. Ang kaibigan niya lang talaga ang exception.
"Huwag mong masyadong panggigilan ang pisngi ni Ice, Elle. Gumawa na kasi kayo ng sariling anak niyo." Natatawang saad ni Amanda habang kinukuha ang anak sa kanya.
"Don't say that, Amanda! I'm not yet ready on bearing a child. Oh God! I can't imagine myself being as fat as Krizzia here!"
"I'm not fat kaya. Natural lang yan dahil buntis ako noh!" Defensive na sabat ng kaibigan niya habang nilalantakan na naman ang pagkain sa harapan nito. Napangiwi lang siya dahil sa kakatitig dito. Kaya ang taba nito eh! Ang hilig kumain.
"What if gusto ng magkaanak ni Nathaniel?" Anang Amanda na seryoso ng nakatitig sa kanya. Napaisip siya tuloy dahil sa sinabi nito. She's just 25. Isn't that too young to bear a child? Kakabalik lang niya sa pagmomodelo at pagmamanage ng business niya. Masyado pa siyang busy para magkaroon ng sarili niyang pamilya.
"If he really loves me, he'll wait when I'm ready. And I think I'm not yet ready to be a mother guys."
"Ganyan din ako eh! Hindi ako ready magkababy. Kaya lang andiyan na eh! I don't regret being pregnant after knowing Jeremy for just how many months." Sabat naman ni Krizzia na seryoso na din habang nakatitig sa kanya.
"Are you using a protection when you're doing it with him, Elle? If you don't wanna get pregnant, you have to be extra cautious."
Nakasimangot na binalingan niya ng tingin si Amanda na busy na sa pagpapakain sa anak nito.
"Why are we talking about this anyway? Gosh! We're in public. I'm not comfortable talking about my sexlife with so many people around me."
"Pa virgin kapa, Elle! I'm sure hard fuck din ang gusto mo!"
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ng kanyang nanlalaking mata si Krizzia na nagkibit -balikat lang sa kanya. Goodness! Magiging ganyan din ba kabastos ang lumalabas sa bibig niya kapag nabuntis siya? Her mom will surely freak out if she'll hear about it.
"Filter your mouth guys, will you?!" Nababaghang anas niya dahil sa hiya. "We have a child here with us."
"My baby Ice can't understand us, Elle. He's still a baby." Natatawang saad ni Amanda habang nagmamake-face sa harapan ng anak nito na tawa na ng tawa.
"But still, sana sa bahay nalang tayo kung ganito din pala ang pag-uusapan natin. I'm worried someone might hear us and it'll be out in public."
"Come on, Elle! Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa ibang tao?"
"Just now?" Nakangiwing sagot niya at iginala ang paningin sa kanilang paligid. Natrauma na ata siya magmula ng lumabas ang kahiya-hiyang paghahalikan nila ni Nathaniel in public months ago.
"Fine. How are you two doing anyway? Are you really good now?"
"Yes, Amanda. He's back to the Nate I knew when we're still in college. He's sweeter actually." Kinikilig na nagpangalumbaba pa siya sa harapan ng mga ito habang iniimagine ang mga panunuyo na ginawa nito sa kanya.
"Sus. Baka may ginawang kasalanan kaya naging sweet." Natatawang komento ni Krizzia. Tinitigan niya ito ng masakit. Kung hindi lang ito buntis kanina niya pa ito inaway.
"Why are you being hard on him?"
"Jerk yun eh! Kaparehas ng asawa ko. Mas malandi nga lang ang asawa ko." Kibit-balikat na sabi naman ni Amanda.
"Jeremy is a jerk also but he's a changed man. Dahil kung hindi hihiwalayan ko talaga siya kahit kasal na kami at buntis pa ako. Hah! May naipon na kaya akong pera. Mas madali nalang siyang layasan kapag nambababae pa siya."
"Oo na! Ang ingay niyo! Tss." Nakaismid na saad niya ngunit biglang nanigas siya nang may humalik sa pisngi niya. She knew that smell. It's her first gift to him when they're together. Magmula kasi ng niregaluhan niya ito ng pabango ay iyon na ang ginagamit nito.
"Hi, brat!Missed me?" Nakangising tumabi ito sa kanya bago tinanguan ang dalawa niyang kaibigan.
"Shut up! Huwag malandi, okay? Ice is here." Aniya at siniko ito ng palihim. Nginisihan lang siya nito bago nito binalingan ang batang kalong ni Amanda.
"Hi there young man! Do you missed Tito Nate?" Magiliw na bati nito kay Ice na nagsimulang maglumikot at kumawag-kawag. Nakasimangot na inabot ni Amanda ang anak sa boyfriend niya na ngiting -ngiti habang nilalaro ang bata. His smile is too bright that she could imagine him holding their child. Her expression softened as she looked at them.
"Mahilig ka pala sa bata, Nathaniel?" Hindi napigilang komento ni Krizzia habang nakataas ang kilay na nakatingin sa boyfriend niya.
"Yeah. I'm an only child. I want a big family actually."
"Talaga? Alam mo ba iyan,Elle?" She rolled her eyes at her friend. Pahamak talaga ang bunganga ng mga kaibigan niya.
"Don't talk to me, Krizzia. Kumain ka nalang diyan para maging balyena kana." Aniya habang iniirapan ito.
Imbes na mapikon ay tinawanan lang nito ang mga parunggit niya. Siya pa tuloy ang nainis.
"Don't you want a big family, brat? Nag-iisang anak kadin. I'm sure you want to have many babies too." Seryosong anas nito sa kanya na nagpapula ng pisngi niya. Gusto niya tuloy tumakbo ng mabilis dahil sa pinag-uusapan nila. Parang alam na niya kasi ang patutunguhan nito. She bit her lips and tried to smile at him.
"Have you eaten, Nate? I'll order for you." Pag-iiwas niya sa tanong nito. Napangiwi nalang siya nang masulyapan ang mga kaibigan na napapailing nalang sa harapan niya. His smile suddenly faded. His face turned stoic as he gave Ice to her mother. He seemed hurt and it's making her guilty.
"No need. I just came here because I missed you. I'll just see you later. I have a meeting to attend to." Hinalikan lang siya nito sa pisngi at agad na tumalikod na pagkatapos magpaalam.
Naiwan siyang hindi makapaniwala dahil sa inakto nito. Is he that hurt to leave? She heaved a deep sigh and tried to smile at the two ladies in front of her.
"You have to talk to him, Elle. Nagtatampo lang yun.Baka isipin nun ayaw mo talagang magkaanak sa kanya."Kiming ngiti ni Amanda. Kalong-kalong na nito ang tulog na si Ice.
"Sundan mo na. We'll be fine here." Anang Krizzia at nakakaunawang nginitian siya. "He'll think worst. Dapat mo na siyang kausapin. Mamaya mag-away na naman kayong dalawa."
"Is he not angry?" Nag-aalalang saad niya sa dalawa. Baka kasi galit ito at singhalan siya nito sa harap ng mga empleyado nito. Siguradong mag-aaway na naman sila dahil hindi siya makakapayag na maagrabyado.
"He's not, Elle. Believe me. Nagtatampo lang talaga iyon. Lambingin mo nalang." Humahagikgik na usal ni Amanda habang tinataboy na siya paalis. Nakasimangot na tumayo siya at hinalikan nalang sa pisngi ang dalawang kaibigan at tumalilis na palabas ng restaurant.
Pabebe talaga si Nathaniel. Hindi niya naman sinabing ayaw niyang magkaanak dito. Hindi lang talaga niya alam kung ano ang isasagot dito kaya niya iyon ginawa. Assuming din kasi ito. Parang hindi negosyante. He must always think rationally not emotionally. Baka yun pa ang ikababagsak ng negosyo nito. Parang hindi nag-iisip. Ayaw niya kayang maghirap sa future. Bahala na nga.
~~
I'm so busy this week and until next week. 😢 I'm sorry mga be.
And mind you guys, this story is still on-going. Bitin talaga ito! Paulit-ulit tayo?
**
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.