Kunot-noong nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid nang bigla siyang makaramdam na mayroong nagmamasid sa kanya. Nasa mall kasi siya dahil kailangan niyang bumili ng mga personal na pangangailangan nilang dalawa ni Nathaniel. He doesn't want her to go but she just can't stay always on her condo unit. Mamamatay siya sa pagkakabagot. And besides,may mga bodyguards naman siyang kasama. Kampante naman siyang hindi siya makakanti ng kung sinuman.
Ngunit ngayon ay hindi niya mapigilang matakot dahil sa pakiramdam na may nagmamasid nga sa kanya. Call her paranoid ngunit iyon talaga ang nararamdaman niya. Pasimpleng sinenyasan niya ang isang bodyguard na agad namang lumapit sa kanya.
"Ano po iyon, ma'am?"
"Check the vicinity. I can feel someone is staring at me. Kanina ko pa iyon nararamdaman." Seryosong saad niya habang palinga-linga parin sa paligid.
"Marami naman talaga ang nakatingin sa inyo,ma'am. Tingnan niyo po." Anito sabay turo pa sa mga taong nakatingin nga sa kanya. Admiration and envy on their faces. Lukot ang mukhang pinandilatan niya ito ng kanyang mga mata.
"That's not what I'm referring to!" May halong inis na singhal niya. Napaatras tuloy ang lalaki sa kanya. Nabigla ata sa pagtaas niya ng boses. Hindi ata ito nainform na hindi siya isang mabait na babae.
"Pasensya na po, ma'am." Nakayukong saad nito. Dali-dali namang naglakad papunta sa kanya ang isang lalaking lider nila.
"May problema po ba dito,Miss Mendez?"
"Double check or triple check the vicinity. Nararamdaman kong kanina pa may nagmamatyag sa akin. I'll just pay this one and I'll be going home already." Aniya at agad naglakad patungong cashier section. Pipila na sana siya nang biglang makita na naman niya ang isang taong kinaiinisan niya. Feeling nga niya overstressed na siya ngayong araw. It's not good for her baby.
"Ella Eunice Mendez. Hello there my dear cousin!" High-pitched ang boses na bati nito sa kanya. Gusto na niya tuloy itago ang kanyang mukha sa sobrang hiya dahil napatingin sa kanila ang mga tao malapit sa pwesto nila. Ang pangit kasi ng boses nito. Nakakadistract. Parang inipit na ipis ang boses. So eew!
"Tss. Not so hello,Amber girl!" Nakatirik ang mga mata na sagot naman niya. Sinenyasan niya ang isang lalaki para pigilan sa paglapit sa kanila. Nakita kasi niyang maglalakad na sana ito patungo sa kanya.
Natatawang lumapit pa ito habang nakangiwi sa kanya. "You're here alone? Seriously? Naghirap kana ba at wala kang alalay?"
Napangisi siya dahil sa sinabi nito. Baka isampal pa niya dito ang mga bodyguards na kasama niya. Isang pipitsuging alalay lang naman na kamukha nito ang dala nito ngunit kung makapagyabang ay akala dala nito ang lahat ng tao sa mundo. Her cousin is really a lowlife-creature. Hindi parin talaga ito nagbabago.
"Don't worry,Amber. Huwag kang pahalatang concern ka sa akin. And besides, kayang-kaya kitang bilhin. Isama mo narin iyang katabi mo."
"Hah! Ang hambog mo talaga,Elle! Sino ka ba sa akala mo?!" Namumula ang mukha at lumalaki ang ilong na sigaw nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapatakip sa kanyang tenga dahil sa sigaw nito. Kung nakaririndi na nga ang boses nito. Nakakamatay naman ang sigaw nito.
"Oh God! Don't fvcking scream, Amber. Masisira ang pinakamamahal kong eardrums dahil sa bwisit mong boses."
"Bwisit ka talaga,Elle! Ano bang nagustuhan ni Nathaniel sayo ha?!" Pagmamaktol nito habang nakatitig sa kanya ng masakit.
" I'm your total opposite,Amber. Do I still need to stressed the obvious?"
"I hate you,Elle!"
"I hate you too." She answered with a sweet smile on her face. She then flipped her hair and walked away with a proud grin on her pretty face.
"Where have you been, Elle?" Agad na salubong sa kanya ng kanyang ina habang nakaupo na parang nasa trono. Katabi nito ang kanyang daddy na walang kangiti-kangiti ang hilatsa ng pagmumukha. Nakakatakot tuloy ito ngayon tingnan.
"I just bought some things,mom." Aniya at binigyan ng halik sa pisngi ang mga ito. Naupo siya sa sofa na nasa harapan ng mga ito bago inayos ang kanyang nalukot na damit.
"Pinagsabihan na kita na huwag ka munang maglalalabas dahil delikado. Bakit ba ang pasaway mo Ella Eunice Mendez? Gusto mo ba talagang tumanda ako ng maaga?" Nangangalaiting singhal nito sa kanya.
"Mom, matanda narin naman kayo. Bakit ako ang sinisisi niyo?" Nakangusong sabat niya na ikinalaki ng mga mata nito.
"Aba't sumasagot kana talaga, Elle?Hah! Ewan ko lang kung hindi ka layasan ni Nathaniel dahil sa sama ng ugali mo." Anito sabay ismid sa kanya.
"Hindi ka nga nilayasan ni daddy eh! Mas masama naman ang ugali mo kaysa sa akin, mom." Aniya at hindi niya napigilang mapatingin sa kanyang daddy na ngayon ay tawang-tawa na habang katabi ang mommy niyang namumula na ang mukha dahil sa inis.
"Hai naku! Magka-ugali talaga kayong dalawa. Stop bickering already." Anang daddy niya at agad namang dinampian ng halik ang pisngi ng mommy niya na agad namang kumalma. She smiled at the sight of her parents. They still loved each other despite of how many years had gone by.Naniniwala na tuloy siya sa forever.
"As I was saying, Elle you should heed your mom's advice. You should stay here in your condo. Iwasan mo muna ang paglabas-labas habang hindi pa nahuhuli ang kung sinuman na nananakot sayo. Your wedding is fast approaching. Focus on that and let the agents do their job. Do you get me, Elle?" Mahabang litanya ng mahal na hari kaya wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon. Tumango-tango pa siya na parang isang mabait na bata habang nakikinig sa mga sinasabi ng mga ito. Nababagot na nga siya at gusto na niyang matulog. Napagod pa ata siya sa pagpunta ng market.
"Brat." Napapitlag siya at napaupo ng maayos nang bigla siyang halikan sa pisngi ng kanyang nobyo. Napaangat ang tingin niya sa pagod na mukha nito.
"Are you okay, jerk? You looked tired." Masuyong hinaplos niya ang pisngi nito at binalewala ang pagtikhim ng kanyang mommy.
"I'll be fine,brat." Nakangiting saad nito. "How's your day? Hindi kaba napagod sa pamimili?" Nakangiting napailing siya at maingat na isinandal ang katawan sa dibdib nito. Dinampian nito ng halik ang kanyang noo bago binalingan ang kanyang mga magulang na nasa kanilang harapan.
"Ano po ang pag-uusapan natin?" Anang nobyo habang siya naman ay papikit-pikit na dahil sa sobrang antok. He might have noticed it so he excused himself and brought her first on her room. He carefully laid her on her bed as he dropped a soft kiss on her lips.
She was startled when she heard a series of curses and talks outside of her room. Dahan-dahang bumangon siya at maingat na binuksan ang pinto sa kanyang kwarto. Napatingin siya sa dalawang taong nag-uusap sa sala. It was Nate and Corpuz. And she couldn't help a loud gasps from escaping on her mouth when she saw blood on Corpuz's body. Napatingin tuloy ang dalawa sa direksyon niya.
"Brat." May pag-aalala sa mukhang saad ng nobyo. She paled as she inched closer to them.
"What -what happened?" Her voice almost inaudible because of fear. "Why are you covered with blood?"
Napailing lang si Corpuz at agad na sinenyasan si Nate nang may marinig silang kalabog mula sa labas.
"What's that?" Nahihintakutang tanong niya. Agad naman siyang hinila ng nobyo papasok sa kanilang kwarto at pinaupo sa kama. Binuksan nito ang side drawer at kinuha ang dalawang baril na nakatago doon. Napatayo siya at naiiyak na pinigilan ito nang akmang lalabas na ito ng kwarto.
"No! No! You're not going out,Nathaniel! Mapapahamak ka!"
"I'll be fine,brat. Don't worry. I already called for help.Walang mangyayaring masama sayo." Anito at dinampian siya ng halik sa labi. " I love you, brat. Mahal na Mahal kita."
"No! Don't! I said don't Nathaniel! Gusto mo ba akong mastress ha?! Don't you ever leave me here! Magagalit ako!" Humahagulgol na saad niya habang yakap-yakap ito ng mahigpit.
Ilang putok ang narinig niya mula sa labas kaya mas lalo lang siyang napahagulgol ng iyak. Takot na takot siya. For her life, for her baby's life and for Nathaniel's life.
Napahigpit ang yakap niya sa nobyo at halos panawan siya ng ulirat nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto. She stood there pale-faced, shocked and terrified before darkness consumed her.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.