Kanina pa niya kinukulit ang fiance na samahan siyang magpagupit ngunit nakadikit na ata ang pwet nito sa upuan kaya wala itong planong umalis. Nakakabanas!
"Jerk!" Anang nakasigaw ngunit hindi man lang ito nag-abalang mag-angat ng tingin sa kanya na lalong ikinainis niya.
"Nathaniel!" Ulit na sigaw niya dito. Kunot ang noong binalingan naman siya nito ng tingin.
"What is it again, brat?"
"I've been calling you a hundred times, Nathaniel! Ni hindi ka man lang sumasagot! Gusto ko ngang magpagupit eh!" Tungayaw niya dito habang nangangalaiti. He heaved a deep sigh as he stared at her.
"I can't go with you, brat. Marami akong kailangang tapusin ngayong araw. I still have a meeting to attend to." Masuyong paliwanag naman nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at inirapan.
"Fine. Pakasalan mo nadin ang lahat ng nakapending mong paperworks, jerk! I hate you!" Aniya at agad tumalikod paalis. Pabagsak pa niyang isinara ang pintuan nito sa sobrang inis. Kahit nga ang sekretarya nito ay nabigla dahil sa ginawa niya. Dire-diretso lang siyang naglakad na parang toro na may susugurin. She can almost picture out herself. Namumula ang buong mukha at umuusok ang ilong dahil sa inis.
"What?! Stop calling me,jerk! Malolowbat ako sayo eh! Kainis ka!" Aniya pagkasagot niya sa paulit-ulit nitong pagtawag.
"Where are you, brat? Wait for me,okay?I'm on my way down there."
"Tss." Aniya at agad binabaan ito ng tawag nang mamataaan niya itong humahangos na palapit na sa kanya. Puno ng pag-aalala ang buong mukha nito nang makalapit na sa kanya.
"Why did you follow me? Aren't you busy?" Aniya habang nakaismid. Pinandilatan niya pa ang mga empleyado nito na halos nakatunganga na sa kanilang dalawa. Dali-daling nagsibalik naman ito sa kani-kanilang pwesto pagkakita sa ginawa niya.
"I can't work knowing your pissed with me,brat. And I'm worried something bad might happen to you." Hinawakan nito ng mahigpit ang dalawang kamay niya at hinila siya palapit dito. Niyakap siya nito ng mahigpit bago dinampian ng masuyong halik ang kanyang labi.
"Papakasalan mo parin ako, right? Nagbibiro kalang kanina diba?" Anito habang nababanaag niya ang takot sa mga mata nito. Nakonsensya din tuloy siya. Hindi niya naman gustong takutin ito. Sadyang naiinis lang siya kung kaya't kung anu-anong lumalabas sa bibig niya.
"I-I'm sorry, jerk. Hindi ko naman talaga gustong sabihin yun. Of course, I'm gonna marry you. Ang laki na ng ininvest kong feelings sayo noh! Papakawalan paba kita! No way!" Aniya at ikinawit ang dalawang braso sa leeg nito. Nginitian niya ito ng matamis bago hinalikan ng mariin sa labi. PDA kung PDA. Bahala na. Naaakit na talaga siya sa labi nito. Gumanti naman ito at lalong lumalim ang halikan nila. Napahigpit na ang pagkakakapit niya dito dahil sa marubdob na halikan nila. Kung hindi lang siguro sa isang tikhim ay hindi pa sila maghihiwalay na dalawa. At gusto niyang lamunin na siya ng lupa nang bumungad sa kanila ang mukha ng mommy at daddy niya. Nakangiti lang naman ang daddy niya habang nakataas ang kilay ng mahaderang mommy niya."I didn't know you're that fond of PDA,Ella Eunice?"
"Mom!" Aniya habang nakasimangot. Dinampian niya ang mga ito ng halik sa pisngi bago bumalik sa tabi ng kanyang fiance. Tinanguan naman ni Nate ang kanyang daddy at humalik sa pisngi ng mommy niya bilang pagbati.
"What? I'm just asking you. There's nothing wrong with that." Ismid nito habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Napaayos siya tuloy ng tayo habang sinisikop ang bestidang medyo nagulo.
"Oo na mommy." Labas sa ilong na sagot niya. "What are you doing here anyway?"
"We have to discussed something to your mother-in-law, baby girl." Anang daddy niya na malaki ang ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.