Chapter 47

48.2K 1K 21
                                    


Fuck! That psycho lady escaped again, Hernaez. Ang dami niyang tauhan. Go fetch your woman! Siguradong doon papunta ang babaeng iyon.

Tarantang pinaharurot niya ang kanyang sasakyan pagkatapos niyang ibaba ang tawag ng kaibigan. He's sweating hard because of too much fear. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may mangyari ngang masama sa taong mahal niya.

Bullshit!

Ilang mura pa ang pinakawalan niya nang maipit siya sa gitna ng trapiko. He tried to dial her number but she's not answering. Ilang ulit niya pang dinial iyon ngunit hindi talaga nito sinasagot. He called his men instead and alerted them. Agad niya ring tinawagan ang mommy ni Elle. A couple of rings and she answered.

"Tita!Thank God you answered!" Panic in his voice.

What happened, Nathaniel? May nangyari ba?

"Can you please go now to Elle's condo? She's in danger, Tita. Hurry up, please?" Agad niya ring ibinaba ang tawag at lalong binilisan ang pagmamaneho nang makalampas na siya sa trapiko. Let them be okay, please? I'll be a better man for them. I won't ever leave them again. Just let them be safe, oh God! He chanted endlessly on his head.





Malalakas na katok at tawag ang nagpagising sa kanya. Pupungas-pungas na lumabas siya at nadatnan niya ang mga tauhan ni Nathaniel na alerto sa kanilang paligid. Bigla siyang kinabahan dahil sa nakikita niyang pag-aalala at takot sa mukha ng mga ito.

"Ma'am! Kailangan niyo pong magtago! Paakyat na po sila. Marunong po kayong bumaril?" Tumango-tango lang siya dahil sa sobrang kaba.

They're here? Tinotoo talaga nito ang sinabi niya? She was just joking that time.

"I have a gun with me. Paano kayo?"

"Gagawin po namin ang lahat, ma'am. Pumasok na po kayo at maglock ng pinto. Papunta narin dito si boss." Anito at bumalik na sa pwesto nito. Dali-daling isinara niya ang pinto at hinarangan pa iyon ng malaking sofa. Kagat-labing pumasok narin siya sa kanyang kwarto at inilock din iyon ng mabuti. Binuksan niya ang drawer sa sidetable at kinuha ang isang baril doon. Nakangiwing pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili. She's still on her nighties and her long hair is messy. Hinablot niya lang ang isang malaking t-shirt at isang shorts at agad iyong isinuot. Pinusod niya ang mahabang buhok at tahimik na umupo sa bandang gilid ng kanyang kwarto.

Saglit na katahimikan ang namayani nang bigla siyang mapapitlag pagkarinig sa sunod-sunod na putukan at sigawan ng mga tao sa labas. Napaangat agad ang kanyang tingin nang may biglang kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Wide-eyed and trembling, she held her gun so tight. Hinaplos niya ang maliit pang tiyan at tahimik na nagdasal.

Ang mahinang katok ay naging marahas at malakas. At hindi niya naiwasang mapasinghap at mapasigaw nang mabuksan na nga ang pinto ng kwarto niya. Hindi makapaniwalang napatitig siya sa pigurang iniluwa ng pinto.

"Kamusta kana, Elle?" Nakangising saad nito habang nasa likod nito ang mga armadong lalaki. Nakakatakot ang mga mukha ng mga ito. Napaatras siya at dahan-dahang tumayo. Inayos niya ang pagkakakubli ng baril sa kanyang likod.

"Sabrina?Ikaw?Ikaw ang gustong pumatay sa akin?"

"Aww!Sino pa ba sa akala mo?" Nang-iinis na saad nito habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Napaatras siya hanggang sa matumba siya sa kanyang kama.

"You bitch!" Galit na singhal niya patayo at kusang napabalik din siya nang paputukan nito ang bagay na malapit sa paa niya. Nahihintakutang napatingin siya doon.

"One step from you and you're dead, Elle!" Mabalasik na sigaw nito habang natatawa na palakad-lakad sa harap niya. Inilihis niya ang tingin at napansin niya na busy ang mga kasama nito sa pagtanaw-tanaw sa labas. If she'll pull the trigger, there's a big possibility that she'll hit her. Ang problema siguradong patay narin siya pagkatapos. Wala siyang matatakbuhan kung saka-sakali.

"Why are you doing this, Sabrina?Makukulong ka dahil sa ginawa mo!"

"At sa tingin mo papayagan ko iyong mangyari?I planned this for so long, Elle. Kaya sisiguraduhin kong mamamatay ka pagkatapos nito. And then Nathaniel will be mine."

Oh God! May saltik na talaga sa ulo ang babaitang ito. Nananaginip pa ng gising.

"Lumabas na kayo! Dahil papatayin ko na ang babaeng ito!" Nandidilat ang matang singhal nito sa mga tauhan nito.

"Sigurado ka boss?" At halos mawalan siya ng malay ng binaril nito ang lalaking nagsalita. Her face paled at the sight of the bloodied man. Dilat na dilat pa ang mga mata nito kaya hindi na niya napigilang mapaiyak dahil sa sobrang takot.

"Lumabas na kayo!Mga punyeta!" Nakakabinging sigaw nito at agad namang naglabasan ang mga armadong lalaki. Nakakalokong tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Puno ng pag-uyam ang mga ngiti na lalong nagbigay takot sa kanya.

"Itigil mo na to,Sabrina. Please?"

"Itigil?!" Sabay tawa ng malakas at tutok sa kanya ng baril. Napalunok siya at pinigilan ang sariling matakot at mataranta dahil nakasalalay dito ang buhay niya at ng anak niya. "Anong akala mo sa akin?!Tanga?!"

"That's not what I'm trying to say, Sab."

"Shut the fvck up, bitch!" Sabay putok ng baril sa paanan niya.

Oh my goodness! Muntik na siya doon. Kung hindi siya nakailag ay siguradong natamaan na siya.

Lalo lang siyang napaatras nang bigla siyang makarinig ng mga lagabog at palitan ng mga putok sa labas.

"Elle!" Malakas na sigaw mula sa labas. Alertong binunot niya ang baril nang makitang itinutok na ni Sabrina ang baril sa kanya. She fired a shot towards her before she felt a sudden pain on her shoulder and left leg.

Awang ang labi na napatitig siya sa duguang balikat at binti.

No! Oh God No! She doesn't want to die yet. Magpapakasal pa siya! 

Naiiyak na siya at nararamdaman na niya ang sobrang sakit nang bumukas ang pinto at iniluwa ang duguan ring si Nathaniel.Her tears suddenly fell but her eyes caught Sabrina's holding a gun towards Nate's direction. Walang pagdadalawang isip na binaril niya ito.  Nanghihinang napaupo siya sa sahig habang hawak-hawak ang duguang balikat. Sobrang sakit at gusto na niyang magmura ng pagkalakas-lakas ngunit hindi naman niya magawa.

"No!Fvck,brat! Don't you dare leave me!" Naramdaman niya ang pagbuhat nito sa kanya.Lakad-takbo ang ginawa nito. Narinig niya pa ang impit na pag-iyak ng kanyang mommy habang pilit na humahabol sa kanila. Mapait na napangiti siya.

I'm sorry, mom and dad.I'm sorry, baby.

"I-I'm sorry, Nathaniel. I'm really sorry." Hirap na bigkas niya habang nakahawak sa luhaan ding mukha ng nobyo. Masakit ang mga sugat niya ngunit mas masakit na makitang luhaan ang mga taong mahal niya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Nathaniel nang mailapag siya sa stretcher at maipasok sa ambulansya.

"I-I love you, Nathaniel. I will only love you. I'm sor-ry too. I'm really sorry for not being strong."

"Don't! Just don't, brat. You promised to marry me! Stop talking like that! You're fvcking hurting me!" Singhal nito habang walang tigil parin ang pagtulo ng luha sa pisngi nito.

Napailing siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito nang lalong makaramdam siya ng sakit. The pain is too much to bear that all she prayed is to never feel at all.

Hindi na niya kaya. Hindi na talaga.

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon