Chapter 4

62.8K 1.4K 16
                                    


"You're not lying mom,are you?" Nakataas ang kanyang kilay habang nakakuros ang dalawang braso sa kanyang harapan.

Amber,her ever so pangit pinsan invited her on her birthday? Seryoso? Gusto niyang humalakhak sa naging desisyon nito. Gusto ba nitong maitsapwera sa sarili nitong party?

"Of course not! Maldita lang ako at hindi sinungaling!" Sabat nito habang umiinom ng paborito nitong wine.

Natatawang napailing siya at naupo sa tabi nito. Sinenyasan niya ang isang katulong para kunan siya ng isang baso. She think she needed a drink. She's a little bit tired and sleepy. Kakauwi niya lang kasi galing sa trabaho nang salubungin siya ng mommy niya ng  isang magandang balita. She smirked. Her inner self is on maldita mode.Maganda talaga dahil siguradong dadami ang wrinkles ng pinsan niya kapag dumating na ang pinakahihintay nitong pangyayari sa buhay nito.

And she'll make sure it will really be worth remembering.

Alam niyang may binabalak na namang masama ang pinsan niya. Ano siya bale? Tanga? Tss. Walang-wala ang taglay na kasamaan nito sa ugali niya.

She sipped on her wine glass and crossed her long legs in a four-seater coach.

"By the way,do you  know who's invited,mommy?" Aniya sa ina na kasalukuyang nanonood ng paborito nitong romantic movie. The Notebook? Seriously? Ang tanda na nito para manood ng ganoong palabas. Siya nga hindi nanonood ng ganoon eh! Wala na atang  romantic bones na natira sa katawan niya dahil sa naranasan niya.

"The elites ofcourse." Ni hindi man lang siya nito nilingon nang sumagot ito. Bastos din eh noh? Kitang kinakausap niya ito. Hindi talaga maipagkakailang nagmana siya dito. Napaismid siya sa sarili.

"And your ex will be there,ofcourse." Dagdag nito na nagpalaki ng kanyang mga mata.

"What?!" Nakasigaw na saad niya. She couldn't believed it! Tuso din ang babaitang iyon. Akalain mo may utak din pala yun? Akala niya napunta lahat sa dibdib nito eh.

Nanlilisik ang matang binalingan siya ng kanyang mommy ng tingin.

"Tone down your voice,Elle!" Anito."Nagmumukha kang tambay sa kalye sa lakas ng boses mo!"

Napangiwi siya dahil sa sinabi ng mommy niya. Inisang lagok niya ang inumin at dagling tumayo.

"I'm gonna go upstairs already,mom." Paalam niya sa kanyang ina na nananatili ang tingin sa palabas.

"Okay. But have you eaten dinner already?"

"Yes. Goodnight,mom." Aniya at hinalikan ito sa pisngi.

Tinaboy lang siya nito na ikinatawa niya. Her mom's really the sweetest mom ever,eh?

Pagkarating niya sa kanyang kwarto ay pabagsak na inilapag niya ang kanyang katawan sa kama. Ipinikit niya ang mga mata at hindi niya mapigilang balikan ang mga nangyari noon.

"Oh my Gosh! Who's that handsome,guy?" Tili ng isang kaklase niya nang palabas na sila ng kanilang room.

Her stare also dropped at the most handsome guy she has ever seen in her whole existence in this world. Those dark eyes that seemed to penetrate her souls,those panty dropping smile he has,his oh so sexy body and his tall frame.

Elle couldn't believed it. She has found her perfect match. Hers only. And no one will stand on her way to get what she wants.

"Hi!" She greeted him with a wide smile on her face. Ngunit hindi siya makapaniwala na dinaanan lang siya ng lalaking iyon. No one ever did that to her.Dali-daling kinuha niya tuloy ang compact powder at tiningnan ang sarili. Magandang-maganda naman siya kaya bakit siya nito inisnab? Pinasadahan niya rin ang kanyang uniform. Maayos naman ito at bagong-bago.

Nanlilisik ang matang binalingan niya tuloy ng tingin ang mga babaeng nananatili ang tingin sa papalayong likod ng lalaking sinusumpa niyang magiging kanya.

"He is fcking mine,girls! Mine alone! Kaya back-off! Understood?" She half-shouted  at the girls around her. She's dead serious about what she said. Malilintikan talaga ang sinumang babaeng umagaw ng magiging kanya. She's the number one maldita in their university. At paninindigan niya iyon mapasakanya lang ang lalaking itinatangi niya.

Naging stalker siya. Magandang-magandang stalker. Nalaman niyang Nathaniel Hernaez ang pangalan nito.Nate sa mga taong close dito. He's the captain of the school's varsity on basketball. Palagi niya itong sinusundan kung saan man ito magpunta. Pati pagpuntang bar pinatulan na niya mabantayan lang ito mula sa malalanding babae doon. Pumupuslit pa nga siya sa kanilang bahay dahil hindi pa siya pinapayagan ng daddy niya na pumuntang bar kung hindi kasama ang mga pinsan niya. Inaaway niya ang mga bwisit na babaeng nagpupumilit na agawan siya ng pwesto sa buhay nito. Naging ultimate maldita siya dahil dito. Kinukulit niya ito palagi. Pinilit niya talagang pumasok sa buhay nito.Naiirita na ito sa kanya ngunit lalo lang siyang nagpursigi na suyuin ito.

Mga isang taon din siguro ang itinagal ng paghabol-habol niya dito nang bigyan siya nito ng pansin. Naging magboyfriend-girlfriend sila.Walang ligawang nangyari sa parte nito. Siya naman ata ang nanligaw eh.Nakakahiyang pakinggan but she was okay with that. They are in the modern world already. It's no big deal.

She was the happiest person then. Feeling niya ang laking achievement na ang ginawa niya. Pinaghirapan niya ang maangkin si Nate. She was her first love. Lalo silang naging kilala sa university dahil sa naging relasyon nila. He was sweet and a gentleman. Hindi siya nagkamali sa lalaking piniling mahalin. He really was the epitome of perfection. Pinakilala niya ito sa mommy at daddy niya. Kahit na ang pinakamalditang mommy niya ay tanggap ito para sa kanya. Wala silang gaanong naging problema sa relasyon nila.Well,aside from him being over so possessive and her being a brat.

Their relationship has been smooth sailing for almost eight  months when she got her heart broken.

He got her young heart broken.

He accused her of the things she hasn't done.

And that made her heart break into thousand pieces. She was badly hurt. Hindi siya nito pinakinggan. Inakusahan siya nito sa kasalanang hindi niya ginawa. Naging biktima lang din siya ng mga taong gustong sirain ang halos perpekto nilang relasyon. He doesn't love her enough to trust her and that hurts her more.

He promised her forever but that's far from what he has done to her.








~~~

Click the ☆ and hit comment.

OiBhabie

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon