Chapter 41

48.8K 998 15
                                    

Nakangiting binuhat niya ang sanggol na anak ni Krizzia habang nasa harap niya ang mag-asawa na walang habas kung maglambingan. Tss. Mamaya malaman nalang nila buntis na naman ang luka-luka at maingay nilang kaibigan. Ang harot -harot kasi ni BuenaFlor. Gaya nalang ng lalaking katabi niya. Pasimpleng tsumatsansing pa sa kanya.

"Ang cute-cute mo talaga, baby!" Magiliw na nilaro-laro niya ang daliri nito na ang liit-liit. "What's her name, Kriz?"

"Jezziah." Nakangiting sagot ng kaibigan niya at bumalik sa pagkakahilig sa dibdib ng asawa nito. She smiled at the sight of them. They looked happily in love with each other and she's truly happy for them.

"How far are you now, Elle sungit?" Baling ng kaibigan sa kanya.

"I'm two months pregnant." She smiled cheekily.She pouted as she dropped a small kiss on baby Jezziah's cheeks.
"I want a baby girl too, jerk." Nakangusong saad niya sa nobyo. He grinned as he gave her a chaste kiss on her lips.

"I want a baby boy, brat."

"Baby girl!"

"Baby boy it is."

Tinampal niya si Nathaniel dahil sa sobrang inis. Gusto nga niya ng babaeng anak eh! Siya kaya ang maghihirap ng ilang buwan. Dapat siya ang masusunod.

"Huwag nga kayong mag-away dito! Gawin niyo nalang kambal ang anak niyo." Napapalatak na mungkahi ni Krizzia. "Right, baby?" Napailing nalang si Jeremy at kibit -balikat na tinitigan lang sila.

Nice! BuenaFlor is such an ass! Walang kakwenta-kwenta kausapin.

"Is that possible?"Nakangusong inabot niya si baby Jezziah kay Krizzia ngunit agad naman itong kinuha ng asawa nito at nilaro. "Kaya lang mas masakit ata iyon. I can't imagine myself having two babies in my stomach." Nakangiwing napaupo siya habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ni Nathaniel.

Natatawang tinitigan siya ng kaibigan. "Yun lang. Eh di sundan niyo agad ang panganay niyo!"

She grimaced at her friend's remarks.

"Anong akala mo sakin, Kriz? Palahian? Duh?"

"Tanong mo kay Nathaniel kung anong tingin niya sayo." Ngisi nito at agad binaling ang pansin sa mag-ama nitong busy sa paglalaro. She can almost picture out Nathaniel with their baby. Naexcite siya tuloy manganak.

"Tss. Baliw ang kaibigan mo, brat. Huwag mo na siyang kausapin." Ismid ng nobyo at agad siyang inakbayan bago nagpaalam sa mag-asawa. She wanted to stay but it's past eight in the evening already. Bawal sa kanya ang mapagod at mapuyat. She tssked. As if late na ang eight o'clock. Ano siya bata?



"Nathaniel?" Aniya sa malambing na boses.

"Oh?"

"Can you please stop the car?"

"Why?" Kunot -noong tanong nito ngunit agad din nitong inihinto iyon sa isang gilid. Kinalas niya ang kanyang seatbelt at agad bumaba dala-dala ang bag niya.

"Fuck! Wait for me, brat?" Sigaw nito na nagpahinto sa kanya. Inirapan niya ito.

"Bakit kasi ang tagal mo?!"

"Damn! Impatient, aren't we?" Anito sa kanya. Nilagyan nito ng sombrero ang kanyang ulo at agad siyang inalalayan sa paglalakad. Kinilig tuloy siya. Panis agad ang inis na nararamdaman niya.
"Next time, don't forget to wear a cap when you're out, okay? Bawal kang mahamugan, brat. And always watch your step. You get me? I don't want you stumbling on your own feet." Parang tatay na pangaral nito sa kanya. Ngumisi siya ng pagkalaki-laki. Hindi siya naiinis. Promise! Kinikilig siya to the bones. Lalo tuloy itong gumagwapo sa paningin niya.

"Okay po, daddy!"

Pinandilatan siya nito ng mga mata. "I'm not joking, brat. Umayos ka!"

"Oo na! Eto naman high blood agad!"Nangunyapit siya sa braso nito at agad itong hinila papasok sa isang pastry shop.

"You wanna eat again, brat?" Anito habang nakikitingin sa mga cupcakes na display. Tinanguan niya lang ito habang masusing pinakatitigan ang mga cupcakes. They looked delectable. Lalo na naman tuloy siyang nagutom. Feeling niya mataba itong anak niya. Nagiging-patay gutom nadin siya eh.

"I want the chocolate flavored and carameled cupcakes, please? Ten for each. Thank you!"

"In a minute, ma'am." Nakangiting saad ng lalaking tagabantay.

"Okay." She nodded." Do you want to eat some cupcakes too, Nathaniel?"

"No, brat. I'm full." Anito at agad inabot ang nakabox na cupcakes pagkatapos nitong bayaran. Iginiya siya nito palabas patungong kotse nito habang maingat parin na nakaalalay sa kanya. Maingat na ikinabit nito ang kanyang seatbelt bago siya dinampian ng masuyong halik sa labi. She smiled as she stared at him. Hindi siya nagsisising pinatawad niya ito at binigyan ng isa pang pagkakataon. He's all worth it. Nathaniel is all worth it.



Nagising siyang pawis na pawis at kinakabahan. Umiiyak na binalingan niya ng tingin si Nathaniel na dahan-dahang nagmulat ng mga mata. His smile suddenly faded when she saw the tears cascading down her cheeks. Tarantang bumangon ito at inilapit ang mukha sa kanya.

"Damn it! What's the matter, brat? May masakit sayo? Are you in pain?" Napailing-iling siya at agad na ibinaon ang luhaang mukha sa dibdib nito. Niyakap niya ng mahigpit ang nobyo. Hindi niya alam ngunit takot na takot siya. It felt so real.

He cupped her tear-stained cheeks as he kissed them away. Lalo tuloy siyang napahagulgol dahil sa ginawa nito. Nanlalaki ang matang inalo naman siya nito. He looked pale as he stared at her.

"Shit, brat! Tell me what's wrong?! Don't make me this worried. Why are you crying, huh?" Puno ng pag-aalala ang buong mukha nito habang pinakatitigan siya.

"It's-it's just a bad dream, Nathaniel. A bad dream." Naiiyak na hinawakan niya ang mukha ng nobyo at malungkot na nginitian ito. She loved him too much and she doesn't want to lose him.Hindi niya kakayanin.Mamamatay siya kapag iniwan siya ni Nathaniel.

"A bad dream." Anito na mukhang nakahinga na ng maluwag. "Damn,brat! Don't scare me again like that, okay? Akala ko kung napano kana." Dinampian siya nito ng mabining halik sa labi bago niyakap ng mahigpit. Inihiga siya nito at kiming nginitian. "Let's pray, okay? So you can't have any bad dreams." She nodded as she closed her eyes. She prayed to God to keep them safe. She prayed for them and  for other people to do only good things. She prayed for one heart and one mind to unite. She prayed for forgiveness.


Mataas na ang sikat ng araw ngunit wala parin siya sa kanyang sariling wisyo. She knew she looked horrible. She can almost almost feel her eyebags. Ang bigat-bigat ng mga mata niya. Ang bigat-bigat pa ng pakiramdam niya. Nate went to work today. Ayaw man niya itong payagan ngunit ilang araw na itong hindi nakakapasok. He's needed in the office already.

Dahan-dahang bumangon siya at tiningnan ang sarili sa salamin. Namamaga ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang ilong. She scoffed. Gusto na naman niyang maiyak dahil sa nakikita niya. Ang pangit-pangit niya.

Nakanguso pa siyang nakatingin sa kanyang sarili sa salamin nang biglang iniluwa noon ang kanyang mommy na posturyosang -pustoryosa. Nahiya tuloy siya bigla.

"Elle! What -What the hell?! Bakit ganyan ang hitsura mo?You looked horrible!" Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito habang nakangiwi. Parang diring-diri pa itong napatitig sa kanya na ikinangisi niya. I'm sorry,mommy. I'm no perfect.

"Maligo kana nga,Ella Eunice!You stink!" Pahabol pa nito at agad siyang iniwan na ikinailing niya. Her mom's the worst. Sana lang hindi siya tumandang gaya nito. Baka itakwil siya ng anak niya.






~~

A/N: We got that power, power. 😂

                 EXO 😍😘🙌👏

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon