It's been a month since that tragic incident and she's now fully healed. Dahil kasi sa mga tama na natamo niya sa kanyang katawan ay kailangan niyang magpahinga ng mabuti. Mabining hinaplos niya ang medyo halata ng tiyan. She smiled and stared at herself in the life size mirror in front of her. She looked radiant with her white gown. Hindi narin siya makapaghintay. Sandali nalang talaga.
Isang katok ang pumukaw sa pag-iisip niya. Nilingon niya ang pinto at iniluwa niyon ang mga kaibigan niyang nakasuot ng pulang mahahabang damit. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya.
"Oh my gosh, Elle sungit! I sooo love this red dress!" Her ever so maingay bestfriend said in a loud annoying voice. Napatakip siya sa kanyang tenga habang natatawang lumapit sa mga ito.
"Ang ganda ng napili mong design, Elle!"Anang Amanda habang hawak-hawak ang laylayan ng mahabang dress. "Feeling ko ang tangkad ko." Humahagikgik na saad pa nito na tinawanan lang nilang dalawa ni Krizzia. Sa kanilang tatlo kasi ay si Amanda lang ang hindi nabiyayaan ng height na palaging ikanapuputok ng butse nito. Kapag kasi magkakatabi silang naglalakad ay nagmumukha lang itong tungkod nilang dalawa ni Krizzia. No offense meant, but that's true.
"Feeling mo lang yun, Amanda na maganda! Wala ka ng kapag-a pag-asang tumangkad noh!" Natatawang pakli ni Krizzia habang parang tangang sumasayaw-sayaw pa sa harap ng malaking salamin.
"Hah! Kung makapagsalita to akala mo ang ganda! Matangkad kalang oy! Mas maganda naman ako!" Nakaingos na saad ni Amanda. "Baka matauhan pa ang pinsan ko at makitang hindi ka naman talaga kagandahan."
Natatawang inawat niya ang dalawa na nagsimula nang magpalitan ng mga maaanghang na salita. Mamaya sirain pa ng dalawang ito ang pinakahihintay niyang araw sa buong buhay niya. Hindi siya makakapayag noh! Delayed na nga ang ever after niya.
"Stop it, you two!" Hinawakan niya ang kamay ng dalawa at pinaglayo ang mga ito. Binalingan niya ang nakasimangot na si Amanda. "Bakit mo siya pinatulan, Amanda?Magiging kuya na ba si bebe Ice?"
"Tse! Ewan ko sa inyo!"
"Nagsusuplada si Amanda na maganda! Buntis ka noh?" Panunukso pa ni Krizzia na lalong nagpasimangot dito.
"Shut up, Krizzia! Your voice is so annoying!" Pagtataray pa ng kaibigan niya bago siya nilapitan at inayos ang suot niyang puting gown. May namumuo pang luha sa ilalim ng mga mata nito habang masuyo itong nakatitig sa kanya.
"I'm so happy for you, Elle." She said smiling. "After all that has happened to you, nagpapasalamat talaga kaming hindi ka pinabayaan ng Panginoong Maykapal. Hindi namin kakayanin kung sakali mang iniwan mo kami. You are so dear to us. Be happy, okay? We love you, malditang Elle!"
Kagat-labing napatitig siya sa kaibigan na naiiyak narin. Napalingon naman siya kay Krizzia na sumisinghot sa gilid nila.
Her heart felt warm and happy for all the love and care her friends and family had given her. Hindi talaga siya iniwan ng mga ito lalo na nung nasa kapahamakan pa siya. Niyakap niya ang dalawang kaibigan ng mahigpit at doon ay sabay silang humahagulgol ng iyak. Parang kailan lang kasi nang magkakilala silang tatlo. And look where they are now. They're best of friends and more like sisters to each other.Kinakabahang nagpalinga-linga siya sa loob ng simbahan. Mga lampas limang minuto palang siyang nakatayo sa harapan but it felt like forever already. Beads of sweat are forming on his forehead as he stared at the crowd in front of him. Damn! He wanted to curse out loud to ease his nervousness but he just can't. Nahihiya siya sa paring katabi niya. Inis na tinitigan niya ang kaibigan at bestman na si Tristan na walang kakwenta-kwenta ngayong araw.
"You think she'll marry you, Bro? Wala naman kasing dahilan para pakasalan kapa niya. Nakuha na niya ang puri mo eh!" Natatawang saad nito at inilapit pa talaga ang mukha para asarin siya.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.