Special Chapter

84.9K 1.7K 94
                                    

Dali-daling pumanaog siya nang marinig ang sigaw ng anak niyang babae. Nadatnan niya itong umiiyak habang nakaupo sa sofa nila. She heaved a deep sigh as she stared at her daughter.

"What is it this time, Yna?"

"Ice made me cry again, mommy! He is so bad!" And she keeps on wailing like a fucking lunatic. Ang sakit tuloy ng tenga niya.

"Stop wailing, Yna." She warned and it made her stop crying. "And what did Ice do this time?"

" He shouted at me, mommy! He doesn't want me near him. Bakit po ganun?" Sumisinok-sinok pang saad ng anak niya. Her cheeks and nose are already red from crying.

"Just stop following your Kuya Ice, Yna.Nakakainis kasi iyon." Aniya sa mahinahong boses.

"But I like him, mommy!" Anito habang nakasigaw. Sumasakit na tuloy ang sentido niya. Ang aga-aga naiistress siya. Gosh!

"Am I not pretty?" Nakangusong dugtong pa nito. She smiled as she touched the loose strands of her daughter's hair. Her Yna is too beautiful for her age. She looked like a female version of her husband.

"You're very much pretty, Yna."

"So, bakit ayaw niya po sa akin?"

"You're still young, Yna. Someday, you'll understand. I don't want you to grow up fast, daughter. Iiyak si mommy." Nilapitan niya ang kanyang panganay at mahigpit itong niyakap. She smiled at herself. Malaki na talaga ang anak niya. Lumalandi na eh!



Napahilot siya sa kanyang sentido nang hindi na naman niya madatnan ang kanyang panganay at bunsong anak sa sala ng kanilang bahay. Inis na nagmartsa siya palabas nang makasalubong niya ang kanyang asawa na kagagaling lang sa trabaho.

"Brat." Masuyong hinalikan siya nito sa labi na ikinanguso niya. "What's the matter?"

"Yna is out again. Bitbit pa ata si Eris,Nate. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa panganay mong iyon. Nakakatuyo ng dugo."

"Now you know how Tita Emilia must have felt when you were still young, brat. Nagmana pa naman sayo si Yna." Natatawang saad nito na ikinasimangot niya.

"So, you mean to say ganyan ako kabwisit nung bata ako ha?!" Parang naghahamon ng away na pakli niya. Nakangising nagkibit-balikat lang si Nathaniel at akmang yayakapin siya nang humahangos na dumating si Yna hawak-hawak ang apat na taong gulang na si Eris. Nakasimangot ang magandang mukha ng anak niya habang puno naman ng dumi ang damit ng bunso niyang lalaki.

"Oh Gosh! Where have you been, Yna?" Umuusok ang ilong na sinalubong niya ang kanyang mga anak. Kukurutin na sana niya ito nang biglang sumulpot si Eris at nagpapakarga. Agad naman niyang kinarga ang anak at dinala sa kwarto nila. She gave him a half-bath and dressed him afterwards. She pinched her son's cheeks and drop him a soft kiss. Ang gwapo!

"Where did your ate brought you, Eris?"

"Kuya Ice's house mommy. Nagplay kami ni Yen." Ayenne or Yen is Amanda and Jacob's youngest child. She's four years old like Eris.

"Anong nilaro niyo ni Yen, Eris?" Aniya habang pinupulbusan ang likod nito.

"We played bricks, mommy. Pataas po ng pataas ang bricks then we saw Kuya Ice and Ate Yna fighting." Bumibilog ang mata na pagkukwento ng anak niya. He seemed engrossed in talking kaya siguro hindi nito napansin ang hindi na maipintang mukha niya. Agad niyang kinarga ang anak at bumaba na.Naabutan niyang nakasimangot na naman ang maldita niyang anak habang kausap ng daddy nito. Tinabihan niya ang kanyang asawa bago inilapag si Eris na agad namang nagpakarga sa daddy nito.

"I already told you for how many times that you shouldn't follow your Kuya Ice, Yna. Ano na namang ginawa mo?!"Singhal niya sa anak na mukha ng maiiyak sa harapan niya.

"Go easy on her, brat. She's still a child." Sansala naman ni Nathaniel nang mapansing galit na talaga siya.

"Mas mabuti pang maputol na ang sungay niya gayong bata pa siya." Nakaismid na saad niya bago hinarap ang panganay niya.

"Are we clear now, Yna? Don't follow your Kuya Ice. Let him be friends with other children. Huwag na huwag karing mang-away ng ibang bata!Naiintindihan mo?"

"But mommy?"

"What?!"

"Bakit ayaw po sa akin ni Kuya Ice?"

"Dahil ang pangit mo, Yna! Okay na?" Naiinis na naman na sagot niya. Hah! Ang cute-cute nito nung ipinanganak niya. Nung nag isang taong gulang, nakakainis na ito.

"But you said I'm pretty!" Anito sa malakas na boses. "Sinungaling po kayo, mommy?"

Naiiritang napakamot siya sa kanyang ulo bago nakangusong tiningnan ang kanyang asawa. He has that grin on his face as if telling her that she won't win against her evil daughter.

"Let me talk to her, Brat. Hindi kayo magkaintindihan dahil mainitin din ang ulo mo."

"As if hindi rin mainitin ang ulo mo noh!" Ismid niya at ipinikit ang kanyang mga mata. Ang aga-aga pero pagod na ang utak at katawan niya. Yna just drained her energy.




Nagising siyang parang may humahalik sa pisngi niya. Kunot-noong nagmulat siya ng mga mata upang madatnan ang kanyang mga anak na nasa tabi niya. Ubod laki ang mga ngiti ng mga ito habang nakatitig sa kanya. She smiled at her two beautiful children.

"Bakit?"

"I'm sorry po, mommy." Nahihiyang nagbaba ng tingin ang kanyang panganay nang titigan niya ito. She smiled as she caressed her long black curly hair.

"Magiging mabait kana, Yna?"

"Mabait naman ako,mommy eh!" She snorted at her daughter's answer. Tanga lang ang maniniwalang mabait ang anak niya.

"Okay fine, baby. Where's your daddy?"

"Daddy left mommy. Bili siyang flowers." Sabat naman ni Eris na nilalaro ang mahaba niyang damit.

"Flowers?" Aniya habang nakakunot ang noo.

"Don't listen to Eris, mommy. He's lying. Daddy's downstairs." Ubod laki ang ngiting saad ni Yna. Hinawakan nito ang kamay niya at bigla siyang hinila para bumangon.

"Bangon na po, mommy. It's late in the morning na po." Dugtong nito at magkasama na ang dalawa habang hila-hila siya. Natatawang nagpaakay nalang siya sa mga ito hanggang sa makababa silang tatlo. Awang ang labi at naiiyak na napatingin siya sa kanilang sala na napapalibutan ng mga paborito niyang bulaklak. And there her husband stood in the middle of it. He's also holding a bouquet of her favorite flowers as he walked towards her.

"Happy Anniversary, brat! I love you!"

"We love you too, mommy!" Sabay naman na sigaw ng kanyang mga anak bago tumakbo papunta sa kanya. Naiiyak na niyakap niya ang kanyang pamilya at isa-isang pinaghahalikan. Kaya hindi siya nakakalimot na magpasalamat sa Panginoon sa ibinigay nitong isa pang pagkakataon para mabuhay siya.He gave her a beautiful and wonderful family. A family that she really wanted.




~~

A/N: There's no such thing as a happy ending, unless you work hard to achieve it. 🙏 👪

Tristan and Katarina's story is on my next list. See you there, guys! 👌 😁

🎉 Tapos mo nang basahin ang Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3) 🎉
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon