Isang malakas na lagapak ang tanging maririnig sa lobby ng hotel. Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ang lalaking iyon.
"E-Elle!" Nanlalaki ang matang bulalas nito sa kanya.
"Fancy seeing you here, Ivan." She said smirking but her eyes are full of rage as she stared at him. Gusto niyang magwala dahil unti-unting bumalik ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya ng makita niya ang pagmumukha nito. Akala niya mapapatawad niya din ito dahil ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pala ganoon kadali iyon. Masakit parin sa puso.
"I-I'm sorry, Elle. Pinagsisihan ko ang ginawa kong kapangahasan noon. I'm an asshole I know. But I'm willing to do everything for you to forgive me." Puno ng pagsisisi ang matang saad nito. At bigla siyang nagulat nang lumuhod pa ito sa harapan niya. Nakatingala ito sa kanya at hindi maiwasang manlaki ng kanyang mga mata nang marinig ang mga bulong-bulungan sa paligid. Na kesyo ang swerte niya daw dahil ang gwapo ng mapapangasawa niya. Bakit hindi pa daw siya umoo.
Napatampal siya sa kanyang noo. At bakit naman siya sasagot ng oo? Duhh? Tamang-hinala talaga palagi ang mga tao.
Akmang hahawakan siya nito nang bigla itong matumba sa sahig. Nanlalaki ang matang napatitig siya kay Nathaniel na nakaigting ang bagang na nakatitig kay Ivan. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapasigaw dahil mukhang mapapatay talaga nito ang lalaki na hindi man lang nanlaban.
"Oh God! Stop it, Nate! You're going to kill him!" Almost hysterical na sigaw niya. Kinakabahan siya. Gusto man niyang maghiganti kay Ivan. Ayaw naman niyang makapatay si Nathaniel.
"I'm really going to kill him, brat!" Usal nito habang patuloy sa paggulpi kay Ivan. Nagsisigaw nadin ang mga tao. Nakahinga lang siya ng maluwag nang matanawan niya ang mga guwardiya na paparating. Agad na inawat ng mga ito ang nangangalaiti paring si Nathaniel.
"Stop it already, okay? Sumasakit na ang ulo ko, jerk." Aniya at hinawakan ng mahigpit ang braso ng kanyang fiance.
"What?! Did he do something bad to you?" Madilim ang mukhang saad nito. Napailing siya at agad itinago ang pagmumukha sa balikat nito. Nahihilo siya.
"Are you sure you're okay,brat? Do you wanna go to the-
"Sir, pasensya na po. Pero kailangan po ninyong magstay. Padating na po ang mga pulis." Anang security guard na lalong ikinadilim ng mukha ng kanyang mapapangasawa.
"The fuck?!"
"Nate!" Malakas na saway niya dito na lalong nagpahilo sa kanya. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya nagpupuyat. Palagi ngang sobra ang tulog niya. Hindi naman mainit dahil nasa hotel sila.
"I'm sorry,brat." Masuyong bulong nito at niyapos siya. Nakatitig parin ito ng masakit kay Ivan na hindi na ata makilala dahil sa sugat sa mukha nito.
Tumango lang siya at yumakap din pabalik dito. Nawala nadin ang hilo niya ngunit bumibigat naman ang talukap ng mga mata niya.
"Jerk?" Aniya habang pilit niyang idinidilat ang mga mata niya.
"Yes, brat?"
"Inaantok na ako."
"Do you wanna sleep?" Anito na tinanguan lang niya. Tinatamad siyang magsalita. Gusto nalang niyang matulog. "Let's get you to bed then." Anito at agad siyang sinikop. Narinig niya pa ang pag-angal ng mga gwardiya ngunit kinain na siya ng kadiliman.
Isang mabining halik ang nagpagising sa kanya. At ang nakangiting mukha ng fiance niya ang agad nabungaran niya. She smiled at him. Haisst! Ang gwapo talaga! Ito na talaga ang pinakagwapong lalaki sa mundo. Mas gwapo pa sa Daddy niya.
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.