Gustong mapaihi sa takot ni Elle nang may makita siyang isang manika na puno ng dugo pagkabukas niya ng pinto ng condo niya. Nakasulat pa ang salitang You will die sa harapang bahagi niyon. Nagpalinga-linga pa siya habang hinahanap ang tao na pwedeng nag-iwan ng manika doon. Nanginginig na idinial niya ang numero ni Nathaniel ngunit walang sumasagot nun. He must be busy. Idinial niya naman ang numero ng mommy niya at halos mapasigaw siya sa tuwa nung may sumagot mula sa kabilang linya.
"Mo-m. Mom-my." Nanginginig ang boses na saad niya. "Can you please come to my condo now? There's something outside my door."
"What?! What is it, baby?"
"Please come here,mom!Natatakot ako." Agad naman niyang ibinaba ang tawag pagkatapos nitong umuo. Nanatiling nakatayo lang siya bandang pinto niya. Napayakap siya sa sarili dahil sa sobrang takot.
Sino ang maaaring gumawa nito?
How could they do such a horrible thing?
Naputol lamang ang pag-iisip niya nang biglang matanawan ang mommy niya at daddy na humahangos patungo sa kanya.
"Elle! What is it, baby?"Puno ng pag-aalala ang mukha ng mga ito at akmang yayakapin na siya nang biglang mapasigaw ang mommy niya sa nakita.
"What is this?! Oh God! Who did this?" Almost hysterical na ang mommy niya habang yakap-yakap siya habang nakaigting -bagang naman ang daddy niya habang may kausap sa cellphone nito.
"I-I don't know,mom. Someone knocked on my door that's why I opened it and that what I saw." Naiiyak na napayakap siya sa kanyang mommy na pinapatahan siya.
"Did you call Nathaniel already, Elle?"
"I did. But he's not answering. He must be busy mom. May board meeting po siya this morning."
"Let's just wait for the police,Elle. Papunta na sila. Did you touched this thing?" Anang daddy niya sabay turo sa manikang may dugo. Napailing siya habang nakatingin sa manika na nasa lapag. The doll looked so creepy. Parang yung sa Annabelle na movie. Hindi niya tuloy maiwasang matakot. Hindi lang para sa sarili kundi para nadin sa baby niya at kay Nathaniel.
Dalawang lalaking pulis ang dumating at inusisa ang bagay bago maingat na kinuha at inilagay sa selyadong plastik. Ilang katanungan din ang sinagot niya at kinuwento niya din ang nangyari noong nakaraang gabi. Mga kalahating oras din ang itinagal ng mga ito bago umalis. Nanghihinang napaupo siya sa sofa habang nakaharap sa mga magulang niya.
"Seriously Elle? Alam ba ni Nate na may pumasok sa condo mo noong nakaraang gabi?" May galit sa boses na saad ng mommy niya.
"No, mom. Hindi ko na sinabi dahil akala ko wala lang. But this happened. Hindi ko na ito maaaring baliwalain."
"Talagang hindi! Call Nathaniel! I need to talk to him." Nangangalaiting saad ng mommy niya habang pilit itong pinapakalma ng daddy niya.
"He's busy mom."
"Call him or else...No wedding will ever happen. I'm not joking, Ella Eunice."
Kagat-labing idinial niya ang numero nito. Ilang dial pa ang ginawa niya bago may sumagot niyon.
"Brat, what is it? I'm in the middle of the meeting." Anito mula sa kabilang linya.
"I'm sorry, Nate but mom said he wants to talk to you now."
"Bakit, brat? May problema ba?" May pag-aalala sa boses nito at gusto na niyang mapaiyak dahil biglang bumalik sa kanyang isip ang hitsura ng manika.
"Just be here, plea-se?" Aniya habang naiiyak na. Agad itong nagmura at pilit siyang pinapatahan.
"I'll be home,brat. Don't cry, please?" Naririnig niya pa ang pagpaalam nito sa kameeting nito at ang pagmamadali nitong makapunta agad sa kanya.
"Mag-iingat ka,okay? I'm fine, jerk. Just drive carefully."
"I will, brat. I love you!"
"I love you too!" Aniya at agad na ibinaba ang tawag. Napapikit siya at pinilit na iwaglit sa isipan ang hitsura nung manika ngunit pabalik-balik lamang iyon sa kanyang balintataw. She shivered because of fear. Kung sino man ang nagpadala nung manikang iyon ay nagtagumpay itong takutin siya. She maybe a brat and a bitch but she never did such things to her enemy.
Agad na nagmulat siya ng mga mata nang marinig niya ang tinig ni Nathaniel. Puno ng pag-aalala ang mukha nito nang makalapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit at doon niya pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilang luha.
"Sshh! Stop crying,brat. Hindi makakabuti sa iyo ang umiyak. Tahan na please." Masuyong hinagkan nito ang kanyang pisngi at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya bago nito binalingan ang mga magulang niya.
"Elle told me that you want to talk to me, Tita."
"Yes. Someone sent a creepy doll full of blood and a you will die note in front of Elle's doorstep,Nathaniel."
"What?!" Nanlalaki ang mata nitong napatitig sa kanya.
"Yes. At sinabi niya rin na may nakapasok na ibang tao dito noong isang gabi." Her mom continued.
"Tell me, Elle. Kaya kaba nagising dahil doon?" Madilim ang mukha nito at nababanaag niya ang galit na nakapaloob doon. Kumalas siya sa pagkakayakap nito at kagat-labing napatango dito.
"The fck?! And you didn't tell me about it?! Gusto mo bang mapahamak kayo ng anak natin ha?!" Galit na galit na singhal nito na nagpaiyak na naman sa kanya.
"I'm sorry, Nate. Hindi ko naman gustong itago. Hindi kasi ako sigurado. Hindi ko gustong mag-alala ka."
"Fuck! Fuck this shit!" Sunod-sunod na mura ang pinakawalan nito na ikinaputla niya. He's really angry.
"Huwag kang magmura Nathaniel at maririnig iyan ng apo ko." Anang mommy niya habang nakaismid.
"Let's talk, Nathaniel. Let Emilia talk to Elle." Anang daddy niya habang iginiya naman siya ng mommy niya papasok sa kwarto niya. Humihikbing napayakap siya sa kanyang mommy.
"Galit siya sa akin, mommy."
"He's not, baby. He's just too worried that's why he shouted at you.Next time, you have to tell us everything,okay?Para hindi kami mag-alala ng ganito."Pangaral nito sa kanya na parang isa siyang bata. Napatango nalang siya habang inaalo siya ng mommy niya.
"I'm hiring a bodyguard for Elle, Nate. Actually, for the two of you. This is not a prank, Nate and you should know it. Someone's trying to scare Elle and that someone is succeeding." Anang Tito Alexander nang makapasok na ang dalawang babae sa kwarto.
"You don't have to worry about that Tito. I have my men with me. They can protect us."
"Gusto ko lang makasigurado,Nathaniel. I don't want my daughter and my apo to be in danger." Madilim ang mukha ng daddy ni Elle habang nakatitig sa kanya.
Napatango siya dito."I won't let that happen,Tito.Mahuhuli din ang kung sinuman ang gumawa nito."
"Siguraduhin mo lang,Nathaniel. Dahil hindi ako mangingiming ilayo ang anak ko kapag may nangyaring masama sa mga ito."
His jaw clenched at Tito Alexander's words. Hinding-hindi niya naman hahayaan na ilayo nito ang mag-iina niya. Magkakamatayan na pero sa kanya lang si Elle at magiging anak nila.
"I won't let you do that,Tito. Hindi sila mapapahamak sa mga kamay ko. Sisiguraduhin ko iyan." Napailing lang ito at nakangising tinanguan siya. Feeling niya hindi talaga ito kumbinsidong kaya niyang protektahan ang mag-iina niya. Ano pang silbi ng kapangyarihan niya diba? Magsisisi ang taong kumalaban sa kanya.
~~
A/N: Sino na ang nakapanood ng IT? Masaya ba? 😂 👹👺🙈😱
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.