Ang gwapo ni Sehun!😍😘😘
Kung sino diyan ang kasinggawapo ni Sehun, magpakilala ka please? 😂
~~
Ilang araw ng nagpapadala ng bulaklak at chocolates si Nathaniel ngunit lahat ng iyon kung hindi niya ibininigay sa mga staff niya ay sa basurahan naman ang diretso niyon. Tss. Anong akala nito? Madadala siya nito sa bulaklak at chocolates lang? How cheap! Pang hi end kaya ang beauty niya. Wala pang ka effort- effort ang gago. Kesyo busy ito sa negosyo nito, may business conference sa ibang bansa, may bagong negosyong ipapatayo, etc. etc. Pakialam naman niya diba? Wala namang sila.
Natigil lamang ang pagmuni-muni niya nang biglang ilapag ng nakangiting si Patty ang isang pahayagan sa ibabaw ng mesa niya. Her brows raised while she stared at him. Ang shunga -shunga talaga ng baklang ito! Kitang busy siya sa kakatunganga ay ginambala pa siya nito. Ang sarap tuloy ahitin ng kilay nitong nag-iisang linya nalang ang hitsura.
"What's with this?" Kunot ang noong saad niya habang nakahawak lang doon. Wala kasi siyang kainte-interes magbasa ng pahayagan. Umiinit lang kasi ang ulo niya kapag nakakabasa siya niyon. Paulit-ulit na suliranin na nananatili paring suliranin.
"This time, you have to read this, Elle! I'm sure you'll love it!" Nagniningning ang matang saad nito habang parang nananaginip na nakatunganga sa harapan niya.
Dinampot niya iyon at agad na binasa. Dagling nanlaki ang kanyang mata nang mabasa ang isang headline.
EMA on Top
Malaki ang ngiting binalingan niya ng tingin si Patty. Gusto niya tuloy paghahalikan ito dahil sa sobrang saya na nararamdaman niya. Tama nga ata ang sabi-sabing Kapag palpak ang love life, bongga ang career.
" You're the best, Elle! We're on top again! Madam Emilia will surely be happy about this."
"Well, your creation made it possible, Patty. And of course, all the staffs and our models did great. I commend you for that." Nakangising inulit -ulit niya pa ang pagbasa ng pahayagan na parang nasa harapan niya lang si Sabrina at nakikinig. Tss. Gusto niya tuloy makita ang talunang mukha nito. Mahadera kasi. Ambisyosa pa. Akala ata nito mauungusan siya nito. Di hamak na mas magaling naman siya dito.
"Thank you,Elle!" Nakangiting sagot nito pagkatapos niya itong puriin.
"Let's meet tonight at The Rave. It's on me. You all deserved a treat." Aniya na lalong ikinangiti nito ng malapad. Tumango lang ito at dali -daling tumalikod paalis ng opisina niya. Biglang tumunog ang cellphone niya at isang mensahe ang pumasok.
Congratulations on being on top again, brat! I know you've always loved to be on top.Your the best when it comes to that. I know how it feels. Let's meet later? I missed you!
Hindi niya alam ngunit mukhang may ibang pakahulugan ang itinext nito. Kunot ang noong isang capslock na JERK tuloy ang naireply niya. Hinayaan niya nalang. He's a jerk anyway. Kibit -balikat na bumalik siya sa trabaho pagkatapos ilagay sa silent mode ang phone niya. Ayaw niyang maistorbo.
Isang malutong na mura ang pinakawalan niya pagkatapos mabasa ang reply ni Elle sa kanya. Sabay pa tuloy na lumingon sa kanya ang mga board members na hindi makapaniwala sa binitiwan niyang mga salita. He scoffed. As if hindi pa ang mga ito sanay sa pagmumura niya.
"Don't mind me ladies and gentlemen. You can continue." Aniya habang sinusubukang tawagan ang pinakabrat na babaeng kilala niya. Ngunit lalo lang siyang nainis nang hindi man lang nito sinasagot ang tawag niya. Sobrang busy ba nito at hindi man lang ito makahawak ng cellphone nito para sagutin siya? Siya nga parang tangang kanina pa binabantayan ang cellphone niya para sa reply nito na isang caps lock na jerk lang pala. But it's okay with him. It's her endermeant to him anyway.
" Mr. Hernaez?" Tawag ng isang board member sa kanya.
"Yes?"
"Are you listening?"
"No." Sagot niya na nagpalaki ng mga mata ng mga ito. Sabagay , kanina pa kaya ang mga ito nagdidiskusyon. Hindi naman pala siya nakikinig.
"Are you sick, Mr. Hernaez? We can continue this next time if you want." Suhestiyon ng isang ginang na sinang-ayunan ng iba pa.
"Fine. I'll call for a board meeting next week. Meeting adjourned." Aniya at nauna pang lumabas sa mga ito. Dumiretso siya sa kanyang opisina at dinampot lang ang susi ng kanyang sasakyan. He glanced at the wall clock. It's past four in the afternoon. Maaabutan niya pa si Elle kung aalis na siya agad. Ang galing pa namang magtago ng babaitang iyon. Tss. Wala namang problema sa kanya. Magaling din naman siyang maghanap.
Dinaanan niya lang ang kanyang sekretarya na dali-daling yumuko pagkakita sa kanya. Pati lahat ng makakasalubong niya ay napayuko nang makita ang hilatsa ng pagmumukha niya. Agad na pinaharurot niya ang kanyang sasakyan nang makarating siya sa basement. He drove like a fcking madman. Panira lang talaga ang traffic. Ito lang talaga ang hindi nagbabago. Lumalala lang. Nakakapunyeta.
Lampas alas singko na ng makarating siya sa EMA. Napahampas siya sa manibela ng kanyang kotse dahil sa sobrang inis. Hindi na naman siya umabot. Ngunit biglang nawala ang inis niya nang pag-angat niya ng tingin ay ang nakangiting Elle ang nabungaran niya. Katabi nito ang isang bakla na nakausap niya noon. Agad na bumaba siya ng kanyang sasakyan at nilapitan ito na biglang namutla pagkakita sa kanya.
"What the fuck?! Are you trying to scare me, jerk?!" Singhal agad nito sa kanya. Imbes na magalit ay hinalikan niya ito sa labi na ikinalaki ng mga mata nito. Hindi ata ito makapaniwalang hahalikan niya ito kahit may kasama pa silang iba kung kaya't naipasok niya ang kanyang dila sa loob ng bibig nito. He groaned when she responded to his kisses. Damn! He just got a boner in a freaking public!
Isang tili ang bumulabog sa kanilang paghahalikan. Parang kiti-kiting nasulyapan niya ang bakla sa kanilang tabi. Hawak-hawak nito ang cellphone nito habang inaangat iyon sa ere. Daig pa nito ang nanalo sa loto sa laki ng pagkakangiti nito.
"Oh my God! Ang hot ng scandal niyo, Elle! I a upload ko ito sa internet." Anito na akmang aalis na kung hindi lamang ito hinawakan ng mahigpit ni Elle sa braso.
"Delete that, Patty. Masama akong magalit. Don't try me." Puno ng babalang saad nito habang pinanlalakihan ng mata ang baklang mahigpit na hinahawakan ang phone nito. Nakangising hinablot niya ang phone nito at agad hinawakan ng mahigpit si Elle at kinakaladkad ito patungong kotse niya.
"You don't have to drag me, jerk! Marunong akong maglakad!" Tungayaw agad nito pagkapasok palang nila sa kotse niya. He inched closer making her closed her mouth. Inis na tinampal nito ang mukha niya at parang batang inirapan siya. Natatawang binuksan niya ang cell phone ng bakla at hinanap ang video na kinuha nito. He transferred it on his phone and deleted it afterwards.
"I deleted it already, brat." Aniya at inabot ang cellphone dito. Chineck nito ulit iyon bago inilagay sa bag nito.
"What do you want to eat,brat?" Aniya habang nagmamaneho.
"I'm full. Just drop me off my condo. I'm tired." Walang kangiti -ngiti ng saad nito habang nakatingin sa labas. "And, will you stop bothering me from now on, Nathaniel? I don't wanna see you ever."
"No!" Is his plain answer. Never will he stop bothering her. Kung kailangang araw-araw niya itong guluhin ay gagawin niya nang magsawa na ito sa kakataboy sa kanya. Kung noon ay hindi nga ito sumuko na mapansin niya, hinding -hindi din siya susuko hangga't sa hindi ito bumalik sa kanya.
Aminado siyang nasasaktan siya sa pambabalewala nito sa kanya ngunit alam niyang kasalanan naman niya. He hurted her twice and he knows she'll not forgive him that easy. Madali itong magtampo at masaktan kahit na may pagkamaldita ito. It's just one of her facade. Behind her bratty attitude and pretty face is an emotional little girl. She doesn't change even a bit. She just wears a mask every now and then. And he knows how she was hurt everytime she wears off her mask. He'll be a better man for her. Walang anuman o kung sinuman ang makakasira sa ipinangako niya dito.
~~
Hi @artemissarcher95 😂
Grabe! Ilang araw ng malakas ang buhos ng ulan.
B-out pa moreeee!!!
**
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.