Chapter 22

55.5K 1.3K 30
                                    

Elle wanted to congratulate herself for a job well done. Halos dalawang buwan din siyang naging busy dahil sa fashion show na kanilang idinaos. It's a big success on her part. Thanks for her staff and her models who did a great job. She can still hear the crowd applauding. Ang laki tuloy ng ngiti niya.

"Congratulations,Elle! You did a great job!" Masayang salubong ng kaibigang si Amanda katabi ang asawa nitong walang kangiti-ngiti ang mukha. Nasa likuran din ng mga ito ang mag-asawang Krizzia at Jeremy na ikinasal lang noong isang buwan.

"Ang galing-galing mo,Elle sungit! Grabe! Tapos, ang ganda -ganda at sexy mo pa!" Ubod ng laking ngiti ng buntis sa kanya.

"Thank you! I'm so grateful you're here with me,guys. Thank you for your support." Nakangiting niyakap niya ang dalawang kaibigan at tinanguan lang ang mga asawa ng mga ito na hindi na maiguhit ang mga mukha.

"We won't stay that long,Elle. Krizzia shouldn't stay late. It's not good for her and the baby." Anang BuenaFlor habang hawak -hawak ang asawa.

"I understand. I'm still glad you make it anyway."

"Gusto ko pang magstay, baby. Nakakahiya naman kung aalis agad tayo. Hindi pa naman gaanong gabi oh!" Nakangusong saad ni Krizzia ngunit isang malaking No lang ang isinagot ng asawa nito.

"It's okay, Kriz. You should go home already. It's past ten. It's late actually for a pregnant woman like you." Hinalikan niya sa pisngi ang kaibigan na agad inakay ng asawa nito palabas ng venue.

"We can stay with you,Elle. Right, sweetheart?" Anang Amanda habang nakabaling ang tingin kay Jacob na tahimik na tumango lang.

"But we should be home before twelve,sweetheart. Baka magising si Ice at hanapin tayo." Anito maya-maya nang makaupo na sila katabi ng ilang staff niya. They're having some sort of a victory party after the show. Ayaw niya naman sana kaya lang hindi na siya nakahindi sa paanyaya ng mga empleyado at modelo niya.

Tahimik na tumango nalang si Amanda at nagsimulang uminom kahit pinagbawalan ito ng asawa nito. Nakakatawa ngang tingnan ang mga ito. Ang sweet kahit nag-aaway. Halatang mahal ng mga ito ang isa't isa. Napakurap siya mula sa pagkakatitig sa mga ito nang biglang napadako ang tingin sa kanya ni Saavedra. Taas ang kilay na nginisihan siya nito na ikinairap niya sa hangin. Tse! Akala mo kagwapuhan kung makangisi. Ang kapal ng mukha. Kasing kapal ng mukha ng best friend nito.

"Mind if I join you here,guys?" Anang tinig na nagpalaki ng mga mata niya.

No! It can't be him, right? Bakit naman ito pupunta doon?

Nilagok niya ang natitirang alak sa kanyang baso at napailing. Tama! Nabibingi lang siya! Imposible na nandoon ito. Imposible talaga.

"Nate! Fancy seeing you here, man!" Natatawang saad ni Saavedra at tumayo para salubungin ata ang kaibigan. Pasimpleng nginisihan pa siya nito na ikinairita niya.

Damn it! Did they invite him here? Bakit naman nila iyon gagawin?

At biglang nanigas siya sa pagkakaupo nang tumabi pa talaga ito sa kanya. Her heart started to beat erratically. Natatakot tuloy siya na baka naririnig na nito ang tibok ng puso niya kaya napaisod siya bigla sa kanyang kinauupuan. Ngunit ang gago, dumikit pa talaga sa kanya. Feeling close ang pota! Nananaginip ata at kung makatabi sa kanya ay parang wala itong ginawa na nakasakit sa kanya. It's been two months since that unfateful day. The day he broke her heart again but it still brought a lot of pain on her. She's still hurting. And she doesn't want to see him despite how her heart still beats for him.

She stood up and excused herself. Nag-aalalang mukha ni Amanda ang nasilayan niya. Kiming nginitian niya lang ang kaibigan at tumalikod na siya. Agad na dumiretso siya sa banyo at sinarhan iyon. Napahawak siya sa dibdib na kasalukuyang mabilis ang kabog. She stared at her flushed face in the mirror. Inis na tinampal -tampal niya ang mukha para magising siya. Hindi na siya dapat nagpapaapekto kay Nathaniel. Bakit ba kasi ang hirap pigilan ng puso? Nakakairita na.

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon