Chapter 2

80.3K 1.6K 30
                                    

Padaskol na naupo siya nang ipinatawag siya ng kanyang mommy. She crossed her arms and threw her a daggered looks. Tinaasan lang nito ng kilay ang pagmamaldita niya. Sanay na ito sa ugali niya. Dito din naman kasi siya nagmana. Santa santita ang peg.

"When are you going to quit your job,Elle?" Her mom's perfectly trimmed brows raised to the highest level.

"Mom!" She wailed like a baby. "I told you already. I'm enjoying my work."

"What about your business,huh? You're not getting younger anymore,Elle! Stop being a brat and manage your business." Napahilot pa ito sa sentido na parang stress na stress sa kanya.

Napangisi siya. Heto na naman tayo sa pagdadrama ng mommy niya. Kabisado na niya ito eh.

"Mom, don't worry about it,okay? I know what I'm doing. Wala ka bang bilib sa nag-iisang anak mo?"

"Don't start with that line on me, Elle! I know what you're doing. I'm smarter than you." Nakaismid na saad nito habang inayos ang pagkakaupo nito na parang reyna.

"Fine,mommy. Can I go now?" Pagbabait-baitan niya.

"No."

"But I'll be late for work." Nakasigaw na sabat niya.

Tinitigan siya nito ng masakit na nagpatahimik sa kanya. Kamukha ng mommy niya si Maleficent. Magandang bruha.

"Kaya nga magpalate kapa! Ulit-ulitin mo,Elle para matanggal kana sa trabaho."

Di-makapaniwalang napatitig siya dito. Ang galing magpayo ng mommy niya. Promise.

Napailing siya at napatayo. Mabilisang hinalikan niya sa pisngi ang mommy niya at kumaripas siya ng takbo palabas ng library nila. Natatawang nakasalubong pa niya ang daddy niya. Hinalikan niya din ito ng mabilis at dali-daling dumiretso sa sasakyan niya. Mahirap na at baka maabutan pa siya ng mahaderang nanay niya.

It was five minutes to eight when she arrived at Saavedra Corporation. Dali-daling naglakad siya papasok para lamang mabangga ng taong nakasabayan niya. Muntik na siyang matumba kung hindi lamang sa mga braso nitong nakapulupot sa beywang niya.

"What the fck! Are you fcking blind?!" Inis niyang sigaw nang makawala sa lalaking nakabanggaan niya. Tiningala niya ito para lamang mapanganga nang masulyapan ang madilim nitong mukha na nakatitig sa kanya.

Oh my freaking lollipop!

Bakit sa dami ng taong makakabangga niya eh ang lalaking kinaiinisan pa niya?

"You didn't change,Elle. You're still a brat." He said eyes dark and face grim.

Napakuyom ang kanyang kamao dahil sa sinabi nito. Pota! Kumukulo ang dugo niya. She doesn't mind how her heart still beats for him. Galit siya. At mukhang makakapatay siya.

"Coming from a jerk like you,huh?" She hissed. Her breathing shallows,her knuckles closed.

His face turned dark. He looked murderous too. She's ready with their banters when Krizzia suddenly butt in. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya at kinaladkad siya sa papasara ng elevator.

"Why did you do that?" Inis na binalingan niya ito na nananatili ang titig sa sahig.

"Ang alin?" Pagmamaang-maangan pa nito nang tumingin sa kanya.

"I'm ready to punch that assholes face when you suddenly butt in. Krizzia naman eh!" Pagmamaktol niya. Nauna siyang lumabas habang nakasunod ito sa kanyang likod.

"I'm just helping you. Malelate na kaya tayo kaya nga kita kinaladkad eh!" She reasoned out as she sat on her chair.

"Ewan ko sayong babaita ka!" Padabog na umalis siya at naupo na sa kanyang pwesto. Gigil na tinitigan niya ang monitor ng kanyang computer habang iniimagine na mukha iyon ng bwisit na gwapong lalaking nakabangga niya.

Makikita mo Nathaniel Hernaez! May araw ka rin sa akin lalaki ka!













"Uuwi kana Elle?" Anang kanyang kaibigan nang madaanan niya ito sa cubicle nito.

"Isn't it obvious?" She said rolling her eyes at her. "Ikaw ba? May plano ka bang tumambay dito?" Asik niya sa kaibigan na nakangiwi sa kanya.

"Ewan ko sayo! Mauna kana nga!"

Nakataas ang kilay na nilapitan niya ito at tinitigan ito mula ilalim hanggang ibabaw. Napaatras ito nang binusisi niya pa ang pagmumukha nito.

"Anong ginagawa mo Ella sungit? Nakakatakot ang hitsura mo!" Natatawang saad nito habang tinatapik ang kamay niya na nasa mukha nito.

"Huwag kang makikipagdate sa gagong lalaking iyon ha, Krizzia? Mas malala pa yun sa boss natin." Paalala niya at nauna ng tumalikod. Ayaw niyang makasalubong na naman ang lalaking iyon. Sa pagkakaalam kasi niya ay may meeting ito sa ama ni boss Jacob at siguradong patapos na ang mga ito. Mabuti nga sana kung gabihin ang mga ito. Ngunit ayaw niyang makipagsapalaran kaya dali-dali siyang naglakad palabas ng kumpanya.

Malapit na siya sa entrance nang mapalingon siya sa kanyang gilid.

Freaking malas! Nakatitig na nga ito sa kanya at ang nakakainis pa ay kasama na naman nito ang pangit na babaeng kasa-kasama nito noong nakaraang araw.

Tang-ina! May balat pa ata siya sa pwet dahil sa sunod-sunod na kamalasang nangyayari sa buhay niya.

She tiptoed and made her way towards the door when Mr. Saavedra called her. Wala siyang choice kaya lumingon siya sa mga ito at hinintay ang paglapit ng mga ito sa kanya.

"Elle,hija! Still as gorgeous as ever huh?" Bati nito sa kanya.

Nakangiwing hinalikan niya ito sa pisngi bilang pagbati. The Saavedra's and Mendez are business partners that's why they're kind of close with each other. Siyempre,maliban sa boss niyang ubod ng landi kasama pa ang bestfriend nitong nasa harapan niya na ubod din ng landi.

"Thank you,Tito. Kayo nga po mukhang hindi tumatanda eh." She joked that made the old man laughed.

Napasulyap siya sa tabi nito para lamang makita ang matiim na pagtitig sa kanya ni Nate. Napansin pa niya ang lalong paghigpit ng pagkakakapit ng babae nito sa braso nito.

Tss. Galawang unggoy ang pangit. Mukha din kasi itong unggoy. She knew the girl ofcourse. She's a socialite and a model of her agency's number one rival. Napairap siya dito. Di hamak na mas maganda naman siya ng ilang libong beses dito.

"You knew Nate,right Elle? And Sabrina?" Basag ni Mr. Saavedra sa pananahimik niya.

"Of course I knew Mr. Hernaez,Tito." Pekeng ngumiti siya sa lalaki na nanatiling madilim ang mukha na nakatitig sa kanya. Mukha tuloy ang laki ng problema nito sa kanya. Siya lang naman ang lalaking nagpaiyak sa akin ng ilang balde. "But I don't know the girl he's with. She's not worth my time." She said as she waved them goodbye leaving them dumbfounded.

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon