"Are you aware that you're getting fat already, Elle?" Salubong agad ng mommy niya pagkatapak na pagkatapak palang niya sa bahay nila. Napasimangot siya habang hawak-hawak ang braso ni Nathaniel na hindi alam kung ngingiti o ngingiwi dahil sa komento ng mommy niya.
"You're just being harsh on me, mom. Hindi naman daw ako ganun kataba sabi ni Nathaniel." Aniya at pinaningkitan ang mapapangasawa na pilit ngumingiti sa harap niya.
"Seriously, Nate? Ano ba ang definition ng mataba sayo? Yung thirty-four ang waistline? Hinihintay mo lang ata na maging thirty-four ang waistline niyang malditang anak ko eh!"
"Mom!" Pinandilatan niya ito ng mga mata dahil may plano ata itong pagalitan ang mahal niya. Hindi naman kasi nito kasalanan kung bakit medyo tumaba siya. Medyo lang naman. Siya naman ang ungot ng ungot ng pagkain dito.
"It's okay, brat. You don't have to stress yourself about it." Masuyong anas nito at dinampian ng halik ang labi niya. Kinikilig na ngumuso pa siya upang halikan siya nitong muli ngunit ang mahaderang mommy niya ay agad siyang hinila palayo kay Nathaniel.
"Mommy naman eh!" Atungal niya na parang bata. "Naiinggit kaba? Magpahalik ka din kaya kay daddy"
"Tigilan mo ako diyan, Elle! At bakit naman ako maiinggit? Mas pogi pa kaya ang daddy mo kaysa kay Nathaniel." Ismid nito habang hinihila siya patungong living room. Nakangusong nilingon naman niya ang nobyo na napapailing nalang sa kanilang likuran.
Nakakuros ang dalawang braso ng mommy niya habang nasa harap niya at sinesermunan siya. Hindi niya tuloy maiwasang mapahikab dahil nagsisimula na siyang antukin. Sino ba naman kasi ang hindi aantukin kapag sinesermunan ka diba?
"Umayos ka, Elle! Ang aga-aga bakit kaba hikab ng hikab diyan?" Napapahilot sa sentidong singhal ng mommy niya sa kanya.
"I'm feeling sleepy already, mom. Pwedeng mamaya muna ako sermunan?" Aniya habang pilit na idinidilat ang kanyang mga mata. Nag-aalalang mukha naman ng kanyang mapapangasawa ang nabungaran niya. Maingat na sinikop siya nito pagkatapos magpaalam sa mommy niya.
Kinakabahang nakatitig lang siya sa mommy ni Elle habang nakataas ang kilay nito sa harapan niya. Nakakatakot naman kasi talaga ang isang Emilia Mendez. Mas malala pa ang ugali nito kaysa sa mama niya eh. Kaya nga hindi na siya nagtaka kung bakit ang sama ng ugali ng babaeng mahal niya. May pinagmanahan naman kasi. Even his colleagues are asking why he fell inlove with Elle Mendez. Hindi naman kasi napipili ang taong mamahalin natin. Sa kanya tumibok ang puso niya. Hands up na siya. Ito na talaga ang babaeng para sa kanya.
" Tell me, Nathaniel. Are you aware that my daughter is pregnant?"
"I'm not that sure, Tita but I'm hoping that she is." Nakangiti kahit gabutil na ang pawis na namumuo sa kanyang noo."I'm planning to take her to the doctor this week. But I think she'll be shocked, Tita. Wala siyang kaideya-ideya sa posibilidad na buntis siya."
Napailing ito at naupo na sa bakanteng sofa.
"Your wedding will be a month from now, Nathaniel. Is that okay with you? I mean her walking on the aisle pregnant?"
"That's fine with me, Tita. If she's pregnant, hindi pa naman magiging ganoon kalaki ang tiyan niya." Aniya habang pilit tinatantiya ang magiging reaksyon ng magiging mother-in-law niya. Baka mamaya mabigla nalang siya kapag may lumilipad na bagay na palapit sa kanya. Binalaan pa naman siya ng Papa ni Elle na ugali ng mag-ina ang manggulat.
"Okay. But make sure to take extra care of my daughter. You get me?"
"Yes,Tita.I will. I love her so much. Hindi ko hahayaang masaktan ang babaeng pinakamamahal ko."
Tumango lamang ito at tumayo na. Napaayos nadin tuloy siya sa pagkakatayo kahit kanina pa nangangalay ang mga binti niya.
"Just update us about the result of the check-up, okay?" Anito at tinapik lang siya sa balikat at agad na itong tumalikod sa kanya. Naiwan siyang malalim na napabuntong-hininga. Damn! Akala niya tuloy hihimatayin pa siya sa harap nito.
"Nathaniel!" Malakas na tawag niya sa nobyo."Nasaan na ba ang lalaking iyon?" Aniya habang iniisa-isang tingnan ang lahat na sulok ng condo unit niya. Napanguso siya nang makaramdam na naman ng pagkalam ng kanyang sikmura. Napahimas siya sa tumutunog na tiyan. Binuksan niya ang refrigerator ngunit agad niya ding isinara dahil sa panget na amoy niyon. Amoy bulok na isda. Bwisit! Bukas na bukas din ay ipapatapon niya agad iyon.
Nakasimangot na dinampot niya ang cellphone at nagsuot ng jacket. She's just on her nighties ngunit tinatamad na siyang magpalit. Magsasayang pa siya ng oras. Napatingala pa siya sa orasan na nakasabit sa dingding. It's past nine in the evening already. Hindi pa naman masyadong late. She just texted Nathaniel that she'll be out.
She cringed at the sudden coldness she felt once she got out of the building. Hinigpitan niya ang pagkakahapit ng jacket sa kanyang katawan. Tinawid niya lang ang kabilang kalsada dahil mayroong convenience store na makikita doon. Tinatamad nadin naman siyang magdrive pa palayo sa tinitirhan niya.
Halos lahat ng mga tao sa loob ng convenience store ay napatingin pa sa kanya nang makapasok siya. Pinasadahan pa siya ng mga ito ng tingin habang nagbubulungan na ipinagkibit-balikat niya lang. Wala din naman siyang ganang makipag-away. Maganda parin naman siya kahit hindi siya nakaayos. At saka gutom na gutom na siya. Uunahin pa ba niyang pansinin ang mga taong hindi man lang kapansin-pansin?
Agad na kumuha siya ng isang galon ng cookies and cream flavored ice cream, dalawang malaking curls at isang malaking pack ng marshmallows at pumila sa counter.
"Can you behave,teenies?Inaabala niyo ang linya." Hindi maiwasang saad niya sa mga naghaharutang teenagers sa harapan niya. Namumulang napayuko lamang ang mga ito pagkatapos humingi ng paumanhin sa kanya. Napailing nalang siya at kunot-noong binalingan ang cell phone na kanina pa tumutunog.
"Excuse me?" Tawag niya sa babae sa harapan niya. Tinuro pa nito ang sarili habang naguguluhan na nakatingin sa kanya. "Yes, I'm talking about you, baby girl."
"Ano po iyon,ate?"
"Can you please hold this?" Aniya habang inginunguso ang bitbit niyang mga pagkain. "I will just answer my fiance's call."
"Okay po." Magalang na sagot nito at agad kinuha ang mga bitbit niya.
"Thank you." Aniya at agad sinagot ang tawag ni Nathaniel. At gusto niya tuloy mapapikit dahil sa galit na ibinungad nito sa kanya. Inis na napatakip siya sa kanyang tenga at agad ibinaba iyon.
Tang-ina! Ito ang unang aalis-alis tapos mumurahin lang siya nito? Ano siya sinuswerte? Ni hindi man lang ito nag-iwan ng sulat o kahit text man lang sa kanya. Mas mabuti din sana kung hindi din siya nag text dito para mahirapan ito sa paghahanap sa kanya. Hmmp. Nakakainis talaga ang kulugong iyon!
Padabog na binayaran niya ang mga kinuhang pagkain at tamad na naupo sa bakanteng upuan sa bandang gilid. Nanghiram pa siya ng kutsara at agad nilantakan ang ice cream na napapalibutan na ng mallows at iba't ibang curls. Ang lahat ng inis at prustrasyong nararamdaman niya ay ibinuhos niya nalang sa pagkain na nasa harapan niya.
Sarap na sarap na siya sa pagkain nang makarinig siya ng pagsinghap at mahinang tilian sa loob ng convenience store. Napairap nalang siya sa hangin nang masulyapan ang mukha ng lalaking kinaiinisan niya.
"Fuck, brat! I'm so worried about you." Anito nang makalapit sa kanya. Inis na tinampal niya ang bibig nito na ikinabigla nito.
"Tumahimik ka,Nathaniel! Naiinis ako sayo!"Hindi maiwasang singhal niya na ikinangiwi nito. Naupo ito sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit. Tinitigan niya ito ng masakit ngunit dinampian pa siya nito ng halik sa kanyang labi na ikinatili ng mga teenagers na kasalukuyang nakatitig na sa kanilang dalawa.
"I'm so sorry, brat. Let's just go home, okay? I don't like seeing you wearing a flimsy dress in public." Napairap nalang siya at agad nading tumayo bitbit ang mga natirang pagkain sa mesa niya. Hindi niya talaga ito binitawan kahit pilit pa nitong kinukuha iyon mula kanya.Ang siste,ang ingay-ingay tuloy nilang dalawa habang pabalik sila sa condo unit niya.
~~
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.