Kanina pa hindi maipinta ang mukha niya. Kanina pa siya naghihintay na sunduin ni Nathaniel ngunit ilang lamok na ang pumapak sa kanya wala parin ito. Ang bwisit hindi pa sinasagot ang tawag niya. Ang galing-galing! Malilintikan talaga ito kapag nakita na niya.
Inis na dinial niya ang cellphone ngunit busy line lang ang narinig niya. Napatingin siya sa oras sa cellphone niya. It's past eight already and she's famished. Malungkot na tiningnan niya ang damit. Nag-ayos pa naman siya at nagpaganda para sa dinner nilang dalawa. Ang sama nito! Inindiyan pa ata siya.
Tatalikod na sana siya para pumasok sa kwarto niya at magpalit nang biglang nagbukas ang pinto sa condo unit niya at niluwa nun ang humahangos at pawisang si Nathaniel.
"O? Bakit nagpunta kapa dito?" Taas-kilay na bungad niya agad dito. She's fuming bad but she wants to give him a benefit of the doubt. Ayaw naman niyang pag-awayan pa nila iyon kung saka-sakali.
"I'm so sorry, baby. The meeting lasts longer than expected. I drove fast as I can but I got stucked up in a traffic." Puno ng pagsusumamong explain nito sa kanya.
"Okay." Aniya habang nakakuros ang dalawang braso sa harapang dibdib. She's trying to fathom what he just said. Naniniwala naman siyang hindi ito nagsisinungaling sa kanya.
" Tara na?" Anito sa maliit na tinig habang iniaabot ang kamay sa kanya.
"Saan?"
"Dinner, brat. Alam kong gutom kana rin. Hindi kita dapat hayaang magutom. I'm so sorry." Anito at saglit pang napatitig sa tiyan niya. Saglit na dumaan ang saya sa mga mata nito ngunit may halong pag-aalala din. Napasulyap nadin tuloy siya sa kanyang tiyan. Is he worried she's getting fat already? Medyo hindi na flat kasi ang tiyan niya. Hindi niya tuloy maiwasan mag-alala na baka palitan siya nito kahit engage na sila.
"But we're late already, Nathaniel. Paano yung ipinareserve mo?" Nakapout na saad niya. Nilapitan siya nito at agad hinawakan ang kamay niya.
"Don't worry about it, brat. I already called the restaurant that we will be late." Masuyong dinampian nito ng halik ang kanyang noo at agad siyang giniya palabas ng condo.
Kunot -noong inilibot niya ang paningin sa loob ng restaurant. It was all decorated with her favorite flowers but she didn't knew why she hated seeing it. Parang ang sakit sa mata tingnan. Ipinokus niya nalang tuloy ang kanyang tingin sa kanyang fiance. Iginiya siya nito paupo at agad namang lumapit ang isang waiter sa kanilang dalawa.
"What do you want to eat, brat?" Masuyong baling nito sa kanya. Her browse creased as she scanned the menu. Nahirapan pa siyang pumili dahil gusto niyang kainin ang lahat ng nasa menu. But she's worried she'll get fat after that. She's not that careful on her diet anymore.
She bit her lower lip as she stared at her fiance. Nakangiti lang ito habang hinihintay siyang matapos sa pag-order.
Bahala na nga!"I'll take grilled shrimp, beef teriyaki, cordon bleau and a glass of orange juice, please? I'll have rice also. Thank you!" Nakangiting saad niya sa waiter na nilista lahat ng inorder niya at agad ding tumalikod sa kanila.
"Maluluto din agad iyon diba, Nate? I'm so hungry already." Aniya habang nakapout. Hindi niya maiwasang maglaway dahil naiisip na niya ang hitsura ng kakainin niya.
"Yes, brat. Are you that famished, huh? Hindi ka ba kumain this afternoon?"
"Kumain naman. But I think that's not enough. Pulos sweets lang naman iyon eh!"
He grabbed her hand as he touched the ring on her finger. Napangiti siya dahil sa nababanaag niyang kislap sa mga mata nito. He's truly happy. Akala niya hindi na niya makikita ang totoong kasiyahan sa mga mata nito pagkatapos ng hindi magandang nangyari sa pagitan nila noon. God is really great because he knows when the perfect timing is.
She almost got teary eyed when he kissed her ring finger. He stared at her with eyes full of love and adoration.
"I can't wait to be married to you, brat. It's been one of my biggest dreams since then. Hmm. I didn't even expect you have feelings for me before if not for what you have done for me to notice you. " Nakangising napailing-iling ito na parang may inaalala. She pouted. Mukhang alam na niya kung ano ang iniisip nito.
"Don't you dare tell that straight to my face, jerk! Sasampalin talaga kita!" Nangangalaiting asik niya nang akmang bubuka na ang bibig nito at siguradong kahihiyan ang magiging dala sa kanya.
Natatawang inilapit nito ang mukha at dinampian siya ng halik sa kanyang labi. Hindi tuloy niya maiwasang alalahanin ang mga kagagahang ginawa niya para mapasakanya ito.
"What?! Are you sure he's not here?" Nangangalaiting singhal niya sa babaeng inutusan niyang bantayan ang lalaking nagugustuhan niya.
"Eh-wala talaga siya dito,Elle. Mukhang hindi siya magpapractice ngayong araw." Kinakabahang napaatras ito nang halos sakmalin na niya ito dahil sa inis na nararamdaman niya.
"Bullshit!" Padabog na nilayasan niya nalang ito dahil baka ano pang magawa niya dito dahil nagsimula ng magdilim ang paningin niya dahil sa galit.
Punyetang babae! Magbantay lang hindi pa nito magawa?! Baka naman iniisahan lang siya nito? Huwag lang niyang malalaman na ginugulangan lang siya nito dahil matitikman talaga nito ang totoong galit ng isang Ella Eunice Mendez.
Parang tangang palinga-linga lang siya sa paligid habang pasimpleng nagtatanong sa mga nakakasalubong niyang mga estudyante. It's almost six in the evening and she's already being hopeless. Bagsak ang balikat na napaupo siya sa bench nang biglang may humintong mga paa sa harapan niya. Nag-angat siya ng tingin at handa ng awayin ang istorbo sa pagdadrama niya nang makilala kung sino ito. Her heart started to beat faster. She felt how her face flushed upon seeing his handsome face. Kahit kunot na kunot ang noo nito ay napakagwapo parin nito sa paningin niya.
Damn! Ang daya. Palagi nalang ba siyang maiinlove dito?
"What are you still doing here, Elle?" Anito habang titig na titig sa kanya. Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis dito ngunit dagling nawala iyon nang may mahagip ang tingin niya sa bandang likuran nito. Her temper skyrocketed. Nahirapan siyang hanapin ito tapos makikita niya lang na magkasama ang mga ito?
" Why is she with you, Nathaniel?!" Di-mapigilang sigaw niya na ikinalukot ng gwapong mukha nito. Saglit na binalingan nito ng tingin ang babae at nginitian na lalong nagpakulo ng dugo niya.
The fuck! Para sa kanya lang dapat ang ngiti nito! Makakalbo niya talaga ang babaeng iyon!
"I'm asking you first, Elle. Why are you still here when it's almost late? Kanina pa ang out mo diba?" Mahinahon parin ang pagkakasabi nito sa kanya ngunit ang mas tumatak sa isip niya ay kung bakit alam nito kung kailan ang out niya.
Is he stalking her also?
Does he like her too?
Napangiti siya tuloy ng maluwag at agad na nilapitan ito. Ikinawit niya pa ang kamay sa kaliwang braso nito na parang pagmamay-ari niya ito. Tinaasan niya ng kilay at buong pusong inirapan si Angela na ikinalaki ng mga mata nito.
Yeah, bitch! They're best friends as what they say. Ngunit sisiguraduhin niyang hindi na iyon lalagpas pa doon. Dahil simula ng makita niya ito ay idineklara na niyang pag-aari na niya ito. And no one would ever dare stand on her way if they didn't want to experience how brat she can be.
~~
Ang sakit-sakit ng katawan ko. 😢
Trangkaso is that you?
**
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.