Magkadikit ang dalawang kilay na binalingan niya ng tingin ang mga katrabaho niyang nagtsitsismisan tungkol sa kanya nang dumating siya sa Saavedra Corporation. Laman lang naman ng usapan ng mga ito ang pakikipaglaplapan niya daw in public.
Halerr? Pakialam naman nila? Hindi naman sila ang bida. Naiinggit lang ata ang mga ito dahil kahalikan niya ang lalaking pinagpapantasyahan ng mga ito. Napaismid siya at akmang lalampasan na ang mga ito nang magpanting ang dalawang tenga niya dahil sa binitiwan ng mga itong salita. Malandi daw siya at mang-aagaw? The fck!
Madilim ang mukhang nilapitan niya ang mga ito na biglang nabahiran ng takot ang mga mukha nang makita ang paglapit niya.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Aniya sa babaeng makapal ang nguso at mukhang tsonggo sa itim. Ang kapal ng mukha na pagsabihan siya ng ganoong mga salita eh wala namang maipagmamalaki ang mukha. Well, maliban sa ilong nitong may malalaking butas.
"Wa-wala Elle. Hindi naman ikaw ang pinag -uusapan naming dalawa." Anang babae habang nahihintakutang nakatingin sa kanya.
"So, what are you insinuating? That I'm deaf, huh?" Ubod taas ng kilay na usal niya sa kaharap.
"Hindi! Hindi! Ibang babae naman ang pinag-uusapan namin ng kaibigan ko!" Todo iling na tanggi pa nito.
"Make sure that you're not talking about me! Once I've heard you again tainting my name, you'll be sorry. You don't know me well when I'm mad." May himig pagbabanta na usal niya bago tinalikuran ang dalawang hindi nakahuma sa kinatatayuan ng mga ito.
Mga antipatika! May mga tao talagang walang magawa sa kanilang buhay kundi mangialam ng buhay ng ibang tao. Feeling ata nila yayaman sila sa pakikipagtsismisan.
She flipped her long hair as she walked towards her cubicle. Her brows creased when she spotted Krizzia's vacant seat. Absent na naman ata ang kaibigan niya. Akala din ata nito ikakayayaman nito ang pag-absent. Well, wala naman itong magiging problema kung si BuenaFlor ang mapapangasawa nito. Siguradong magiging mestizang English speaking na ang mahadera.
Inis na dinampot niya ang cellphone na kanina pa tumutunog. Nakita niya ang pangalan ng kanyang mommy na tumatawag. Napabuntong hininga siya ng malalim bago sinagot ang tawag nito.
"Yes, mommy? Did you miss me already?" May pagbibiro sa boses na sagot niya.
"No."
Aray! Walang preno talagang magsalita ang mommy niya. Siyang siya talaga!
"I want to talk to you later. Umuwi ka ng maaga. Don't make me wait, Elle." Seryoso ang boses na usal nito. Parang alam na ata niya kung bakit siya nito kakausapin.
She pouted her red lips.
"I have an appointment later, mommy. Can we just talk next time?" Nakangiwing saad niya.
"Cancel your appointment,Elle. I'm expecting you later. Don't try to make some excuses." Anito at binabaan siya agad ng tawag.
Pagagalitan pa ata siya ng mommy niya dahil sa ginawa niyang eskandalo. Kasalanan ba niya iyon? Hindi naman diba? Si Nathaniel kaya ang unang humalik. Gumanti lang naman siya. Ika nga, lintik lang ang walang ganti. Hindi naman siya papayag na maagrabyado noh!
Nakangiwing nagpalinga-linga siya nang pumasok siya sa kanilang bahay. Sana naman nagbago na ang isip ng mommy niya. Ngunit biglang napasigaw siya nang may magsalita sa gilid niya. Napahawak siya tuloy siya kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok nito. Papatayin pa ata siya sa kaba ng mommy niya. Ni hindi pa nga ito nagkakaapo sa kanya.
"What are you doing,Elle? You looked shocked!" Kunot na kunot din ang noo nito at naglakad patungong living room.Dahan-dahang sumunod naman siya dito habang nag-iisip ng maaaring isagot niya kapag nag-usisa na ito.
Her mom sat like a royal queen. Naupo siya sa upuang nasa harapan nito at parang maamong tupang naghihintay ng sasabihin nito. Kinakabahang nakatitig siya dito nang biglang tumalim ang mga mata nitong kanina pa pinag-aaralan ang mukha niya.
"Mom, you looked like you're going to feed me to the lions." She whined like a child.
"I am going to if you ever lie to me, Ella Eunice!" Singhal nito sa kanya. "You're making me stressed! Nagkakawrinkles na ako sa kakasaway sayo!"
Napangisi siya dahil sa mga sinabi nito. Same to you,mommy. Na iistress din ako sayo eh! Anang malditang utak niya.
"Mom, what are you going to tell me anyway? I haven't done anything wrong." Inosenteng tumitig siya dito ngunit dagling nawala iyon nang halos ingugngod nito sa pagmumukha niya ang video ng paghahalikan nila ni Nathaniel kahapon. She gasped as if really shocked.
"Oh my God! Where did you get that, mommy?" Napatakip sa labing usal niya. She wanted to roll her eyes at her mother but she knew her too well. She doesn't want to provoke her.
Her mom scoffed and took her phone away from her face.
"Amber sent this video to me. I didn't know your fond of kissing in public, Elle. And besides, are you back together again?" Nakakunot pa rin ang noo ng mommy niya ngunit hindi na gaanong galit ang ekspresyon ng mukha nito.
"Mom, you knew Amber hates me to the core and I too hate her to the deepest of hell. She will do everything to ruin me.But of course, I won't let her."
"Of course you won't! Dahil itatakwil kita kahit ikaw pa ang nag-iisang anak ko. That's why I'm so proud that you got your attitude from me." Anito at nagkibit balikat.
"I'm also proud that you're my mommy. You're the best kasi." Nakangiti ng sabi niya. Mukhang hindi na talaga galit ang mommy niya. Most of the time OA lang talaga ito.
"Whatever." She then looked at her with those scrutinizing eyes. "So, you and Nathaniel? Are you back into each others arms?"
Napangiwi siya dahil sa sinabi nito. Back in each others arms? Lakas makateleserye at drama eh noh.
"We're good,Mom. Hindi ko naman ugaling makipaghalikan in public. And besides, we looked good together in that video, right?"
"Good?" Her mom's brows raised. She laughed real hard that made her appalled. "Mukha lang naman kayong uhaw sa halik sa ginawa niyong paghahalikan. Daig niyo pa ang mga bida sa isang erotikong palabas. Akala ko nga dun na kayo magsesex eh!"
"Mom!" Sigaw niya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito kaya hinablot niya ang cell phone nito at pinanood ng mabuti ang video.
Her face flushed after watching the said video.
Oh my God! It really is a scandal!
Nakakahiya!
She's freaking doomed. Kailangan na muna siguro niyang maging team bahay muna for a week. She'll take a leave. May kapal ng mukha pa naman kasi siyang natitira.
Bwisit kasing Nathaniel, nakakagigil ang kagwapuhan. Hindi din tuloy siya nakapagpigil. Saka hindi naman talaga siya ang may kasalanan. Ito ang naunang humalik eh. Kaya dapat ito ang mahiya hindi siya. Diba?
~~
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.