Elle scoffed upon seeing her cousin Amber looking so slutt-ish on her gown.Nakalabas ang cleavage nito at may mahabang slit pa ang red gown na suot.She even have the guts to look at her as if telling her to be envious of her. As if naman may kainggit inggit dito? Boobs lang ata ang maipagmamalaki nito. Hindi nga niya alam kung saan ipinaglihi ng tita niya ang pinsan niyang amerikanang hilaw.
Napairap siya ng palihim nang lumihis ito ng direksyon at tinungo ang pwesto niya. Nakakapit pa ito sa feeling gwapo din nitong nobyo. Eew! Nakakasuka.Nakakapanira ng gabi.
"Elle! What a pleasant surprise!" Malaki ang ngiti na saad nito at bumeso sa kanya. "Mabuti naman at nakarating ka." Dugtong nito parang siyang-siya talaga sa pagdating niya. Pinasadahan pa nito ng tingin ang kabuuan niya na nagpataas ng kanyang kilay. Akala siguro nito may maipipintas ito sa kanya. Tss. Mahaderang babae!
"Of course,cousin dear. I won't miss your ever so fabulous birthday. Sayang naman ang pagmumukha mo kung hindi ko masisilayan diba?" She said smirking making her pale with her remarks.Nanlaki ang mata nito habang pilit pinipigilan ang paglaki ng butas ng ilong nito. Ang pangit tuloy nito tingnan.
"Sayang talaga,Elle. Who's with you,anyway?" Tumingin pa talaga ito sa likod niya na parang may hinahanap. "You came alone? Again?" Natatawang sambit nito habang nakahilig sa braso ng nobyo nitong impakto na nananatili ang titig sa kanya. Ang sarap tuloy tusukin ng mga mata nito.
"Ano kaba naman,Amber? Nakita mo na ngang wala akong kasama diba? Sa laki ba naman ng mga mata mo,imposible namang hindi mo nakita." Pabirong tinampal niya pa ito ng may kalakasan habang kuntodo ngiti.
Nanlilisik na ang mga mata nito at umuusok pa ang ilong nang balingan siya ng tingin. Napaismid ito ngunit dagli ding ngumiti nang may matanaw sa likurang bahagi niya.
"Oh! Look who we have here,cousin! Mukhang wala ka na talagang pag-asa." Patuyang turan nito sa kanya.Napalingon siya tuloy sa kanyang likuran na ikinadilim ng mukha niya. Pilit binalewala ang biglang pagsakit ng puso niya. Her abnuy ex is with that pangit girl again. Akala mo naman bagay silang dalawa kung makangiti sa isa't isa.Napairap tuloy siya sa hangin at taas kilay na binalingan ng tingin ang pinsan na ngiting-ngiti na.
"Ako ba o ikaw ang hindi nakamove on? I think it's you my dear cousin. Alam ba yan ng katabi mong tsonggo?" Aniya sabay talikod at iniwan itong nakanganga sa pagkabigla dahil sa sinabi niya.
She tried to calm her nerves as she walked towards their table when she caught his stare. His face eventually turned dark upon seeing her. Hindi niya talaga alam kung ano ang problema nito sa kanya. Nakakasira na ba ng gabi ang gandang taglay niya? Feeling nito.Ginusto ba niyang makita ang pagmumukha nito? Hindi naman diba?
Iniwas niya ang tingin dito at naupo sa bakanteng upuan sa tabi ng kanyang mommy at daddy na busy sa pakikipaghuntahan sa kakilala ng mga ito. She's bored. Bakit ba kasi pumunta-punta pa siya? Wala naman siyang mapapala sa party na ito. Pulos kaartehan lang naman ng pinsan niya ang nakikita niya. Ang sakit sa mata.
Kinuha niya ang cellphone at nagbrowse sa kanyang insta nang mapansin niya ang biglang pag-ingay sa table nila.Napaangat siya ng tingin mula sa kanyang ginagawa. She feigned her shock upon seeing Nate and his girl seated in front of her.
Namputsa!
Nananadya ba ang mga ito?
"Nate,hijo! Glad to see you here!" Anang mommy niya na parang siyang-siya talaga sa pagmumukha ng pesteng ex niya. Nakalimutan ata nito ang ginawa ng lalaking iyan sa nag-iisang anak nito na ngayon ay katabi lang nito.Nakakasama ng loob. Siya nga hindi nito napansin eh.
"Hello,Tita! Fancy seeing you here." Sagot naman nito na nagpaismid sa kanya. Fancy daw! Plastik din na lalaki.
"Who's this beautiful lady with you,Nathaniel?" Anang daddy niya na lalong ikinasama ng timpla ng mukha niya.
Beautiful? Walang namang beautiful sa mukha nito!
"She's Sabrina,Tito." Ngiti nito.Tumaas tuloy ang dalawa niyang kilay.Wala naman kasing kangiti-ngiti sa pangalang Sabrina. Mas maganda naman di hamak ang pangalan niya.
"I see." Her mom answered before she took a glance at her. "Are you okay there,Elle?"
She just rolled her eyes and smirk. Akala niya tuloy invisible na siya sa paningin ng mga ito.
"I'm perfectly fine,mom. Don't mind me here." Aniya habang busy-busyhan sa kanyang cellphone.
"You have a very gorgeous daughter,Emilia." Anang isang ginang na nasa harap ng kanyang mommy. Napaangat tuloy ang tingin niya dito. Gusto niya itong palakpakan sa pagkakaroon nito ng malinaw na paningin di gaya ng lalaking nasa harapan niya.
"Of course,Klarissa. She's my daughter.Kanino pa ba yan magmamana?" Natatawang sagot naman ng kanyang ina na ikinatawa din ng daddy niya at ng iba pa nilang kasama sa table. Yung dalawa lang ata na nasa harap niya ang hindi naniniwalang maganda siya.
"You're right,Emilia." Pagsang-ayon naman ng kumare nito. "Wala ka pa bang planong mag-asawa,Elle?"
Nakangiwing tiningnan niya ito.
Nasa kanya na tuloy ang pansin ng lahat."In the near future,Tita. Alam mo na,I need to make sure that the guy will be worthy of my love. Ayaw ko namang magpadalos-dalos dahil baka masaktan lang ako." Seryosong saad niya habang pasimpleng napatingin sa lalaki na nakaigting na ngayon ang bagang na nakatitig sa kanya.
"You have your point,Elle." Ngiti nito na tinanguan niya lang.
"Gusto ko na nga siyang mag-asawa. I have a perfect candidate for her already."
Natatawang sabat ng mama niya."Ma." She whined pouting her red lips.
"What?"
"Can you just drop it?"
"Why?"
"You know why,okay?" Aniya at napatayo na. "I'll just go to the restroom." Paalam niya at tumalikod na.
Nakasimangot at madilim ang mukha na binagtas niya ang daan patungong restroom. Tinanguan niya lang ang mga kakilala niyang bumati sa kanya. She has no time for chitchat. Mas mabuti pa sigurong umuwi nalang siya.
She's on her final step when someone grabbed her one arm and pinned her to the wall. Her eyes bulged at the sight of the man who broke her young heart.
"Nate.." She whispered.
~~
Click the ☆ and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.