Elle missed you guys! Namiss niyo ba ang kamalditahan niya? 😂😜
~~
Taas kilay na inirapan niya ang mga babaeng nakatitig sa kanila lalo na sa katabi niya nang makapasok sila sa loob. Duhh? Ang kakapal ng mga ito para pagmasdan si Nathaniel niya. Tss. Ang hahalay pa ng mga damit nila. Mas lalong tumaas ang kilay niya nang mamataan ang pinakamamahal niyang pinsan na si Amber. Nakahawak ito sa boyfriend nitong ubod ng pangit.
"Elle!" Tawag nito sa kanya at bumeso. Eew! Wala pa naman siyang dalang alcohol o sanitizer. "Fancy seeing you here! What are you doing here anyway?" Plastik ang ngiti na saad nito ngunit nang mapansin ang katabi niya ay parang tangang napanganga ito at ubod ng laki ang bunganga na ngumiti. Ang sarap tuloy pasakan ng mataas na sapatos na suot niya ang bunganga nito.
"Hi Nate! Looking so good huh?" Anito na nagpatirik ng mga mata niya.Ang landi talaga. Katabi na nga nito ang boyfriend nito,ang kapal pa ng apog na lumandi sa pag-aari niya. "Are you here for Tristan's birthday?" Dagdag na saad nito.
Napangisi siya nang tumango lang si Nathaniel. Sabagay, sayang lang ang laway nito kung kakausapin nito ang pinsan niya. Haha.
"Let's go,brat. I think we're late already." Anang Nathaniel at hinawakan ang kamay niya bago naglakad palayo. Ngising -panalo na binalingan niya ang pinsan at binelatan na ikinagalit nito. Susundan pa sana siya nito kung hindi lang ito pinigilan ng katabi nitong tsonggo. Luhh. Ngayon niya lang napansin na mukhang saging pala ang pinsan niya. Sa saging siguro ito pinaglihi ng tita niya. Tatanungin niya nga lang kung magkita sila. Naiistress pa tuloy siya.
"It's Tristan's birthday? Really?" Aniya upang basagin ang katahimikan. She knew him also. Tristan Salvatierra is Nathaniel's best friend since college.
"Yes, brat." Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya nang makapasok sila sa isang pribadong silid. Halos nasa dalawampung katao ang nasa loob. Her brows creased upon seeing some familiar faces inside the room.
"You're here, man. What took you so long?" A handsome tall guy she knew approached them. Nakipagfistbump dito ang boyfriend niya kuno bago siya binalingan ng tingin.
"Sinundo ko pa si brat and we bump on her cousin on our way here."
Two pairs of eyes looked at her. Whew! Ang swerte niya, ang daming gwapo dito eh! Well, si Nathaniel lang naman ang gusto niya. So,she won't mind them nalang.
"Elle?" His eyes smiled in recognition."Wow! You looked hot! The ever so gorgeous Ella Eunice Mendez, huh?" Akmang lalapit ito at hahalikan ang pisngi niya nang biglang hablutin siya ni Nathaniel na halos ikatumba niya. Nanlalaki ang matang tinitigan niya ito ng masakit.
"Why did you do that?!" She half-shouted. "I almost tripped,you jerk!"
"You won't. I won't let you." Ni hindi siya nito binalingan ng tingin. Madilim ang mukhang nakatitig lang ito sa best friend nito na natatawang nakataas lang ang dalawang kamay sa ere.
"Come on, Nate. It's just a kiss on the cheek. Hindi mo talaga ako mapagbibigyan?" Tudyo nito na ikinaigting lang ng bagang ni Nathaniel.
Her eyes bulged when everything sinks in. Is he jealous? Oh my God! Kaya ba hinablot siya nito bigla nang akmang hahalikan siya ni Tristan?
"Back off, Tris. I don't care if it's your birthday. Just don't mess up with us."
"Tss. Still so possessive of her, huh?" Natatawang inakbayan nito si Nathaniel na nananatiling kunot na kunot ang noo. "Lucky brat. Do you know that,Elle? Kaya huwag masyadong brat, okay? Ayaw mo naman sigurong tumanda ng maaga si Nate?" Ngisi nito sa kanya.
Hinampas niya ito ng dala niyang bag at tinitigan ng masakit.
"Ewan ko sayo! Huwag mo nga iyang bigyan ng gift, jerk!" Aniya at inagaw ito mula sa pagkakaakbay ni Tristan. Aagawin pa nito sa kanya si Nathaniel eh! Sa kanya lang kaya si Nathaniel!
Natatawang tumitig lang ito sa kanila at napailing.
"Damn! Just get married,will you? Mukha kayong tuko na dikit na dikit sa isa't isa."
Nanlalaki ang matang pinasadahan niya ng tingin silang dalawa ni Nate. Nakayakap ito sa kanya mula sa likod at nakahawak naman siya ng mahigpit sa mga kamay nito. Nag -iinit ang pisngi na kumawala siya mula sa pagkakayakap nito. Huhu. Ni hindi man lang siya nagpakipot. Baka akalain ng ibang tao patay na patay din siya kay Nathaniel. Hindi kaya. Medyo lang.
Napailing lang si Nathaniel at iginiya siya pasunod sa naglalakad na si Tristan. Ipinakilala sila nito sa mga bisita nito na halos kilala na naman nila. Well, maliban sa isang tahimik na babae na nakaupo di -kalayuan sa inuupuan ni Tristan. She looked virginal and pure. Mukhang santa kasi ang maganda nitong mukha. Mukhang hindi ito nainform kung anong pupuntahan nito dahil sa damit na suot nito. Nakabestida ito ng puti na hanggang talampakan ata ang haba. Still, she's gorgeous without any make up on.
"Do you know that girl, there?" Aniya kay Nate. Ibinaba nito ang iniinom at tiningnan ang inginuso niya dito. His brows furrowed.
"That's Tris girl."
"Really? Hindi sila bagay. Sobrang ganda kaya nung girl. Malandi kaya ang kaibigan mong yan." Ismid niya at diretsong nilagok ang Margarita na hawak.
"Hey, dahan-dahan nga sa pag-inom." Saway nito sa kanya na ipinagkibit niya lang ng balikat. It's okay for her to get drunk. Ito naman ang kasama niya. She trusted him too much as much as she loved him. Alam niyang hindi siya nito pababayaan.
"I'm fine, jerk. Hindi ako malalasing ng isang baso ng margarita."
"So, no more drink's for you, okay?"
"What? Ang killjoy mo, Nathaniel! Hindi nga kita pinagbabawalan diyan eh!"
"I won't get drunk, brat. You're with me. I need to keep you safe." He murmured just enough for her to hear it.
She smiled at his words. Nathaniel can be so sweet sometimes. And she loved it.
"Okay." Parang maamong tupa na sabi niya at tinitigan ito. Medyo namumula na ang mukha nito. But he's not drunk. Talagang namumula lang ito kapag nakainom.
"Good girl." He smiled at her and drop her a small kiss on her lips. She giggled like a schoolgirl and kissed him also on his lips. Lintik lang talaga ang walang ganti. Whew!
~~
Click the 🌟 and hit comment.
OiBhabie
BINABASA MO ANG
Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)
RomanceEvery girl dreamed of a happy ending. Even the bratty Elle. THEN, He met this guy.... And His words led her to a broken heart and promises.