Chapter 9

61.5K 1.3K 18
                                    

Her brows raised as she scanned the whole crowd looking for her friend. Nasa mall siya nung araw na iyon at hinihintay nalang ang pagdating ng maingay niyang kaibigan. Paimportante pa ang mahadera.

How dare her let her wait for fcking ten minutes? Fucking ten minutes!

Lukot na ang kanyang buong mukha at makakatikim talaga ng pagkamaldita niya ang kaibigan niyang iyon. Kahit brokenhearted pa iyon ay hindi niya palalampasin na pinaghintay siya nito ng matagal. She's already counting on her head when Krizzia arrived panting and sweating.

"Hala! Sorry talaga,Elle. Late na ako nagising eh!" Nakangiwi itong nakatitig sa kanya nang mabistahan ang hilatsa ng mukha niya.

"Ang sarap mong bitayin patiwarik,Krizzia!" Nandidilat ang matang asik niya dito. "Let's go. I'm freaking famished already."

Kiming ngumiti lang ito at sumabay sa paglalakad niya. Halatang pinapakiramdaman pa nito ang mood niya dahil nakadistansya ito sa kanya.

Ni hindi niya pinansin ang pagbati ng waiter sa pagpasok nila. Dire-diretso lang siyang naglakad patungong gilid ng resto. Napaismid siya nang ilibot niya ang kanyang paningin at mapansing halos couples ang nasa loob ng restaurant. Akala naman ng mga ito may forever talaga. Hmmp.

Tinaasan niya ng kilay ang isang waiter na lumapit sa kanila at nagsimula na silang mag-order. Makalipas ng ilang minuto ay dumating na din ang kanilang mga inorder na pagkain. Kung siya ay hindi maipinta ang mukha,si Krizzia naman ay ngiting-ngiti habang nakatitig sa mga inorder nila.

"Wow! Mukhang ang sasarap ng mga ito,Elle! I think I need some excercise after this." Anito at nagsimula ng kumain.Nakatitig lang siya dito na maganang kumakain sa harapan niya. Napaangat ito ng tingin at kunot ang noong napatitig pabalik sa kanya.

"Are you okay,Elle? Hindi kaba kakain?" May concern sa boses na saad nito. Ang magandang ngiti nito ay dagling nabura nang makita ang ekspresyon ng mukha niya.

Napakurap siya para pigilan ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. This is not the right time to be emotional. They're in public and she doesn't want to be in front of tabloid looking so horrific with a tear stained face. Siguradong makakatikim siya ng ilang libong mura mula sa mommy niya.

"I'm fine,Kriz. Just continue eating." Kiming nginitian niya ang kaibigan at nagsimula na ring kumain. Pilit na nilunok niya ang kinakain habang nakikinig sa pagtatalak ng kaibigan niya.Wala talagang pinipiling lugar para mag-ingay ang kaibigan niya. Kawawang BuenaFlor. Siguradong magiging bingi ito sa pakikinig sa maingay na boses ng kaibigan niya. Napangisi siya bigla nang bigla itong mabulunan dahil sa kakadaldal. Inilapit niya ang tubig at mabilisan nito iyong ininom.

"Oh my God! Akala ko mamamatay na ako dun ha!" Anito habang tinatampal-tampal ang dibdib nito.

"Tss. You talk too much that's why." Nakangising saad niya at inisang lagok ang white wine. "I wonder kung paano ka natagalan nun ni BuenaFlor. Maybe,that's the reason why he find someone else." Natatawa nang dugtong niya na nagpalungkot ng mukha nito.Napangiwi nalang siya dahil sa sinabi niya.Wala din talagang filter ang bunganga niya sa pagiging taklesa.

"I'm sorry. I didn't mean to say that,Kriz."

"I think what you have said is quite true,Elle. Ang pangit naman kasing malaman ng ibang tao na ang makakatuluyan ng isang Jeremy BuenaFlor ay isang maingay na babae na nanggaling lamang sa isang simpleng pamilya." Anito habang bakas ang pait sa buong mukha.

"It's okay,Kriz. He's not the only guy in this world anyway. You'll find someone who's way better than him." Pag-aalo niya dito.Nakonsensya naman kasi siya.Spoiler talaga siya ng kasiyahan ng ibang tao.

"Hmmp. Sana nga. Wala na atang mas better pa sa abnuy na iyon eh!" Ismid nito at nagsimula na namang dumaldal.Natatawa na siya sa mga pinagkukwento nito nang mamataan niya ang sinungaling at paasa na lalaki na palapit sa pwesto nila. Dagling nabura ang kanyang ngiti at nanlilisik ang matang tinitigan ito. Ang kapal talaga ng mukha nito na magpakita pa sa kanya.

"Hala! Diba si ex mo yan,Elle?!" Napatutop sa bibig nito si Krizzia nang pandilatan niya ito ng kanyang mga mata.

Sukat ba namang isigaw nito iyon?Edi narinig na iyon ng ibang customers ng restaurant. Pahamak talaga kahit kailan ang bunganga ng kaibigan niya.

"Tss. Isinigaw mo pa talaga,Kriz noh?" Sarkastikong aniya at binalewala ang paglapit ni Nate sa kanila.

"Brat." Bati nito na ipinagkibit niya lang ng kanyang balikat. Kiber ba niya kung ang gwapo nito sa suot nitong plain white shirt and black jeans? Nagmukha pa tuloy itong modelo kesa isang negosyante. Nagkwento lang siya ng nagkwento kay Krizzia na ngiting-ngiti lang na nakikinig at tumatango sa mga sinasabi niya. Kaya nagulat nalang siya nang may lumapat sa makinis niyang pisngi. Nanlalaki ang mga mata at awang ang labi na binalingan niya ito ng tingin. Nakangisi na ito habang nakatitig sa kanya.

How dare him kissed her?

Anong akala nito? Madadala siya ng halik nito? Haah! Manigas ito! Hindi isang halik lang ang makapagwawala ng galit niya. Dapat maraming-maraming beses noh! At saka dapat sa lips! Ang ganda ng lips niya sa cheeks pa talaga ito humalik! Ang cheap talaga ng jerk na ito.

"So,that's what you have been waiting for,huh?" He said smirking as he sat beside her. Nagsimula tuloy na maghuramentado ang buong senses niya dahil sa pagtabi nito. Naamoy niya ang panlalaking pabango nito na gustong-gusto niya. Naghanda ata talaga ang gago sa pagkikita nila.

"Kapal mo! I'm even wondering why you're here. Hindi ka naman invited sa date namin ng kaibigan ko." Pagmamaldita niya habang nakaismid dito. Binalingan niya ang kaibigan na nanunudyo ang tingin sa kanilang dalawa. Naaasar na pinanlakihan niya tuloy ito ng mata. Ang gaga imbes na matakot ay natawa lang dahil sa ginawa niya. Walang pakisama.

"I'm fetching you. I think you're done with your date. Right,Krizzia?" Anito sa kaibigan niya na nagthumbs up lang sa lalaking katabi niya. Hmmp.Mamaya sisingilin ko talaga yan sa bayad sa mga kinain namin. Traidor talaga!

Nakangiting nagpaalam lang ito sa kanila at nagdahilang may gagawin.Naiwan tuloy silang dalawa.

"Fetch mo ang bruhang ka kissing scene mo! Ang haliparot mo! Ang haliparot niyo talagang dalawa!" Bulyaw niya dito na ikinadilim ng buong mukha nito. Igting ang bagang na tinititigan siya nito.Napalunok tuloy siya dahil sa nagbabagang tingin na iginagawad nito sa kanya. He looked really scary and all she wanted to do was run. Ngunit mukhang napako na ata siya sa kanyang kinauupuan.

"You really want to create a fvcking scene huh,brat? Then,I'll give you one." Anito at nagulat nalang siya nang biglang kuyumusin siya nito ng nagbabaga nitong mga halik. Nanlalaki ang matang hindi niya alam ang gagawin nang lalong lumalim ang halik na ginagawad  nito sa kanya. But before she knew it,she closed her eyes and submitted to his fiery kisses.


Damn PDA! She doesn't care. She just wants this jerk's kisses.







~~

Lol.Lame.

Ang tagal kong hindi naka update! Busy lang masyado.^-^

Click the ☆ and hit comment.

OiBhabie

Broken Hearts & Promises(Billionaire Bachelor Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon